Palabantasan
Gamit ng
Tuldok (Period)
- Ang
     tuldok ay ginagamit sa katapusan ng pangungusap na paturol at pautos.
 - Mag-aral
      kayong mabuti.
 - Ang
      daigdig ay isang tanghalan.
 
·  
Ngunit kung ang pangungusap ay
nagtatapos sa mga pinaikling salita hindi na dinadalawa ang tuldok.
a.       Aalis
ako sa ganap na ika-7:00 n.g.
b.       Si
Jay ay nag-aaral sa P.S.H.S.
- Ang
     tuldok ay ginagamit sa mga salitang dinaglat gaya ng ngalan ng tao, titulo
     o ranggo, pook, sangay ng pamahalaan, kapisanan, buawan, orasan, bansa at
     iba pa.
 - Si
      Gng. Santos ay hindi na nagtuturo.
 - Si
      Juan K. Duran, Jr. ang ating panauhing pandangal.
 - Ang
     tuldok ay ginagamit pagkatapos ng mga tambilang at titik sa bawat hati ng
     isang balangkas o ng talaan.
 
I.                                              II.
     A.                                             A.      
     B.                                             B.
          1.                                              a.
          2.                                              b.
* Ngunit hindi tinutuldikan ang
mga tambilang at titik kapag kinukulong ng panaklong.
                (a)           (b)           (1)           (10)
- Ang
     tuldok ay ginagamit sa di-tuwirang pagtatanong.
 - Itinatanong
      niya kung ako ay sasama sa Robinson.
 - Itinatanong
      niya kung aalis ka na.   
 
Gamit ng Kuwit
(Comma)
- Ginagamit
     upang ihiwalay sa pangungusap ang salitang ginagamit na palagyong panawag.
 - Nene,
      ano ang ginagawa mo?
 - Ganito,
      Pedro, angpagsulat nang tama.
 - Ginagamit
     pagakatapos ng bating panimula ng liham pangkaibigan o pansarili.
 - Mahal
      kong ina,
 - Pinakamamahal
      kong kaibigan,
 - Ginagamit
     pagakatpos ng bating pangwakas ng liham.
 - Ang
      iyong kaibigan,
 - Lubos
      na gumagalang,
 - Ginagamit
     sa paghihiwalay ngmga salita, mga parirala at mga signay na sunud-sunod.
 - Nanguha
      ako ng bayabas, mangga, at santol.
 - Si
      Nanay ay nagluto, si Ate ay naglaba at si Kuya ay nagsibak ng kahoy.
 - Ginagamit
     sa paghihiwalay ng mga bilang sa petsa, o pamuhatan ng liham.
 - Ipinadala
      ko ang iyong aklat kay G. Pedro Santos, 756 Lepanto, Sampalok.
 - Ang
      ate ko ay ipinanganak noong Disyembre 8, 2994 sa Sta. Cruz Manila.
 - Ginagamit
     sa paghihiwalay ng sinasabi ng nagsasalita sa ibang bahagi ng pangungusap.
 - “Mag-aral
      kang mabuti,” ang sabi ng ina.
 - “Ikaw,”
      sabi ng ama, ”ay huwag gagala kung gabi.”
 - Ginagamit
     sa paghihiwalay ng di-makabuluhang parirala at sugnay sa mga pangungusap.
 - Si
      Nita, na aking kapatid, ay mananahi.
 - Si
      G. Lope K. Santos, ang Ama ng Balarila, ay siyang sumulat ng Banaag at
      Sikat.
 
- Ginagamit
     pagkatapos ng Oo o Hindi at mga salitang may himig pagdamdam at kung
     siyang simula ng pangungusap.
 - Oo,
      pupunta ako sa inyo
 - Hindi,
      kailangan siyang magpahinga.
 
Gamit ng Gitling
- sa pag-ulit ng salitang-ugat o mahigit sa
     isang pantig ng salitang-ugat
 
araw-araw             dala-dalawa         masayang-masaya                             isa-isa                    
sari-sarili                               apat-apat                               kabi-kabila
- kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at
     ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa patinig na kapag hindi
     ginigitlingan ay magkakaroon ng ibang kahulugan
 
mag-alis                pang-ako                               may-ari                  nag-isa                  mang-uto               tag-init
nag-ulat                 pag-alis                 pag-asa
- kapag may katagang kinaltas sa pagitan ng
     dalawang salitang pinagsama
 
pamatay
ng insekto                             -               pamatay-insekto
kahoy
sa gubat                    -               kahoy-gubat
humigit
at kumulang           -               humigit-kumulang
lakad
at takbo                       -               lakad-takbo
bahay
na aliwan                  -               bahay-aliwan
dalagang
tagabukid                            -               dalagang-bukid
                subalit, kung sa pagsasama ng
dalawang salita ay magbago ang kahulugan, hindi na gagamitan ng gitling ang
pagitan nito
                                dalagambukid
(isda)           balatsibuyas
- kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao,
     lugar, brand o tatak ng isang bagay o kagamitan, sagisag o simbulo. Ang
     tanging ngalan ay walang pagbabago sa ispeling.
 
maka-Diyos          mag-PAL                               mag-Japan           maka-Rizal           maka-Johnson
taga-Tubod           maka-Pisay           mag-Sprite            mag-Ford                              pa-Iligan                
mag-GMA             taga-Cagayan
                sa pag-uulit ng unang pantig ng
tanging ngalang may unlapi, ang gitling ay nalilipat sa pagitan ng inulit na
unang pantig ng tanging ngalan at ng buong tanging ngalan.
                                mag-Johnson       -               magjo-Johnson    mag-Corono         -               magco-Corona
                                mag-Ford                              -               magfo-Ford           mag-Japan           -               magja-Japan
- kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa
     numero o pamilang
 
ika-3
n.h.                               ika-20
pahina                       ika-9 na
buwan
ika-10
ng umaga ika-3 rebisyon                      ika-12 kabanata
- kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng
     fraction
 
isang-kapat
(1/4)                 tatlong-kanim (3/6)                              lima’t dalawang-kalima      (5 2/3)
- kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido
     ng babae at ng kanyang bana 0 asawa
 
Gloria
Macapagal-Arroyo  Perlita Orosa-Banzon
- kapag hinati ang isang salita sa dulo ng
     isang linya
 
Patuloy
na nililinang at pinalalawak ang pag-
                gamit ng Filipino.
Gamit
ng Kudlit (‘)                                             
- ginagamit 
     bilang kapalit o kung kumakatawan sa letra o sa mga letrang
     nawawala kapag ang pang-ugnay o pananda sa pagitan ng dalawang salita ay
     ikinakabit sa unang salita
 
tuwa
at hapis                        -               tuwa’t hapis
kaliwa
at kanan    -               kaliwa’t kanan
tayo
ay aalis                         -               tayo’y aalis
tahanan
ay maligaya          -               tahana’y maligaya
Gamit
ng Panipi (Quotation Mark)
1.      
Ginagamit ang panipi upang ipakita ang
buong sinasabi ng isang nagsasalita.
·        
‘Ang ganda ng sanggol,” ang sabi ng
manggagamot.
·        
Anang kapitana, “Magtulungan tayo sa
pagpapatupad ng kalinisan sa paligid.”
2.      
Ginagamit sa pagkulong ng mga salitang
banyaga
3.      
Ginagamit upang mabigyang-diin ang
pamagat ng isang pahayagan, magasin, aklat o iba’t ibang akda.
Gamit
ng Pananong (Question Mark)
- Ang pananong ay ginagamit sa katapusan ng mga
     pangungusap na patanong.
 
·        
Saan ka nanggaling?
·        
Ano ang gagawin mo mamaya?
napakalaking tulong para saking mga estudyante, salamat
ReplyDeleteMalaking tulong para sa exam ko. .Salamat po
ReplyDeletesalamat po, magagamit ko ito sa report ko.
ReplyDelete