Friday, August 14, 2015

Gamit ng mga Bantas

Palabantasan

Gamit ng Tuldok (Period)
  1. Ang tuldok ay ginagamit sa katapusan ng pangungusap na paturol at pautos.
    1. Mag-aral kayong mabuti.
    2. Ang daigdig ay isang tanghalan.
·   Ngunit kung ang pangungusap ay nagtatapos sa mga pinaikling salita hindi na dinadalawa ang tuldok.
a.       Aalis ako sa ganap na ika-7:00 n.g.
b.       Si Jay ay nag-aaral sa P.S.H.S.

  1. Ang tuldok ay ginagamit sa mga salitang dinaglat gaya ng ngalan ng tao, titulo o ranggo, pook, sangay ng pamahalaan, kapisanan, buawan, orasan, bansa at iba pa.
    1. Si Gng. Santos ay hindi na nagtuturo.
    2. Si Juan K. Duran, Jr. ang ating panauhing pandangal.
  2. Ang tuldok ay ginagamit pagkatapos ng mga tambilang at titik sa bawat hati ng isang balangkas o ng talaan.
I.                                              II.
     A.                                             A.     
     B.                                             B.
          1.                                              a.
          2.                                              b.
* Ngunit hindi tinutuldikan ang mga tambilang at titik kapag kinukulong ng panaklong.
                (a)           (b)           (1)           (10)

  1. Ang tuldok ay ginagamit sa di-tuwirang pagtatanong.
    1. Itinatanong niya kung ako ay sasama sa Robinson.
    2. Itinatanong niya kung aalis ka na.  

Gamit ng Kuwit (Comma)
  1. Ginagamit upang ihiwalay sa pangungusap ang salitang ginagamit na palagyong panawag.
    1. Nene, ano ang ginagawa mo?
    2. Ganito, Pedro, angpagsulat nang tama.
  2. Ginagamit pagakatapos ng bating panimula ng liham pangkaibigan o pansarili.
    1. Mahal kong ina,
    2. Pinakamamahal kong kaibigan,
  3. Ginagamit pagakatpos ng bating pangwakas ng liham.
    1. Ang iyong kaibigan,
    2. Lubos na gumagalang,
  4. Ginagamit sa paghihiwalay ngmga salita, mga parirala at mga signay na sunud-sunod.
    1. Nanguha ako ng bayabas, mangga, at santol.
    2. Si Nanay ay nagluto, si Ate ay naglaba at si Kuya ay nagsibak ng kahoy.
  5. Ginagamit sa paghihiwalay ng mga bilang sa petsa, o pamuhatan ng liham.
    1. Ipinadala ko ang iyong aklat kay G. Pedro Santos, 756 Lepanto, Sampalok.
    2. Ang ate ko ay ipinanganak noong Disyembre 8, 2994 sa Sta. Cruz Manila.
  6. Ginagamit sa paghihiwalay ng sinasabi ng nagsasalita sa ibang bahagi ng pangungusap.
    1. “Mag-aral kang mabuti,” ang sabi ng ina.
    2. “Ikaw,” sabi ng ama, ”ay huwag gagala kung gabi.”
  7. Ginagamit sa paghihiwalay ng di-makabuluhang parirala at sugnay sa mga pangungusap.
    1. Si Nita, na aking kapatid, ay mananahi.
    2. Si G. Lope K. Santos, ang Ama ng Balarila, ay siyang sumulat ng Banaag at Sikat.

  1. Ginagamit pagkatapos ng Oo o Hindi at mga salitang may himig pagdamdam at kung siyang simula ng pangungusap.
    1. Oo, pupunta ako sa inyo
    2. Hindi, kailangan siyang magpahinga.

Gamit ng Gitling


  1. sa pag-ulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat
araw-araw             dala-dalawa         masayang-masaya                             isa-isa                   
sari-sarili                               apat-apat                               kabi-kabila

  1. kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa patinig na kapag hindi ginigitlingan ay magkakaroon ng ibang kahulugan
mag-alis                pang-ako                               may-ari                  nag-isa                  mang-uto               tag-init
nag-ulat                 pag-alis                 pag-asa

  1. kapag may katagang kinaltas sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama
pamatay ng insekto                             -               pamatay-insekto
kahoy sa gubat                    -               kahoy-gubat
humigit at kumulang           -               humigit-kumulang
lakad at takbo                       -               lakad-takbo
bahay na aliwan                  -               bahay-aliwan
dalagang tagabukid                            -               dalagang-bukid

                subalit, kung sa pagsasama ng dalawang salita ay magbago ang kahulugan, hindi na gagamitan ng gitling ang pagitan nito
                                dalagambukid (isda)           balatsibuyas

  1. kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, brand o tatak ng isang bagay o kagamitan, sagisag o simbulo. Ang tanging ngalan ay walang pagbabago sa ispeling.
maka-Diyos          mag-PAL                               mag-Japan           maka-Rizal           maka-Johnson
taga-Tubod           maka-Pisay           mag-Sprite            mag-Ford                              pa-Iligan               
mag-GMA             taga-Cagayan

                sa pag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi, ang gitling ay nalilipat sa pagitan ng inulit na unang pantig ng tanging ngalan at ng buong tanging ngalan.
                                mag-Johnson       -               magjo-Johnson    mag-Corono         -               magco-Corona
                                mag-Ford                              -               magfo-Ford           mag-Japan           -               magja-Japan

  1. kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa numero o pamilang
ika-3 n.h.                               ika-20 pahina                       ika-9 na buwan
ika-10 ng umaga ika-3 rebisyon                      ika-12 kabanata

  1. kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng fraction
isang-kapat (1/4)                 tatlong-kanim (3/6)                              lima’t dalawang-kalima      (5 2/3)

  1. kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at ng kanyang bana 0 asawa
Gloria Macapagal-Arroyo  Perlita Orosa-Banzon


  1. kapag hinati ang isang salita sa dulo ng isang linya
Patuloy na nililinang at pinalalawak ang pag-
                gamit ng Filipino.


Gamit ng Kudlit (‘)                                            

  1. ginagamit  bilang kapalit o kung kumakatawan sa letra o sa mga letrang nawawala kapag ang pang-ugnay o pananda sa pagitan ng dalawang salita ay ikinakabit sa unang salita
tuwa at hapis                        -               tuwa’t hapis
kaliwa at kanan    -               kaliwa’t kanan
tayo ay aalis                         -               tayo’y aalis
tahanan ay maligaya          -               tahana’y maligaya

Gamit ng Panipi (Quotation Mark)
1.       Ginagamit ang panipi upang ipakita ang buong sinasabi ng isang nagsasalita.
·         ‘Ang ganda ng sanggol,” ang sabi ng manggagamot.
·         Anang kapitana, “Magtulungan tayo sa pagpapatupad ng kalinisan sa paligid.”
2.       Ginagamit sa pagkulong ng mga salitang banyaga
3.       Ginagamit upang mabigyang-diin ang pamagat ng isang pahayagan, magasin, aklat o iba’t ibang akda.

Gamit ng Pananong (Question Mark)
  1. Ang pananong ay ginagamit sa katapusan ng mga pangungusap na patanong.
·         Saan ka nanggaling?

·         Ano ang gagawin mo mamaya?

3 comments:

  1. napakalaking tulong para saking mga estudyante, salamat

    ReplyDelete
  2. Malaking tulong para sa exam ko. .Salamat po

    ReplyDelete
  3. salamat po, magagamit ko ito sa report ko.

    ReplyDelete