Wastong Gamit ng mga
Salita
Nang at Ng
- Ang nang ay ginagamit sa sumusunod na pagkakataon:
- ginagamit
na pangatnig sa hugnayang pangungusap at sa gayun ay siyang panimula ng
sugnay na di makapag-iisa. Ito’y katumbas ng salitang when sa Ingles.
·
Nang ako’y dumating
sa bahay, tulog na ang mga bata.
·
Ako ay nasa
paaralan na nang maalaala kong naiwan ko pala ang aking cellphone.
·
Mag-aral kang
mabuti nang makapasa ka sa eksam.
- na
nagbubuhat sa na na naangkupan
ng ng ay ginagamit din bilang
pang-abay na pamanahon na katumbas ng salitang already sa Ingles.
·
Marami nang tao
sa bulwagan.
·
Iilan nang
panauhin ang naiwan.
- ginagamit
bilang pang-ugnay sa pandiwa at sa pang-abay na pamaraan
·
Binigkas ni Juana
nang buong husay ang kanyang talumpati
·
Magsalita ka nang
malakas at malinaw at nang ikaw ay maunawaan nila.
- ginagamit
na pang-ugnay sa mga salitang inuulit sa loob ng pangungusap
·
Huwag kang takbo
nang takbo.
·
Kahit na madilim
ay gawa pa rin nang gawa ang masipag na iskolar.
- kasingkahulugan
din ng upang at panumbas sa so that o in order to sa wikang Ingles.
·
Makisama tayong
mabuti sa ating kapwa nang tayo ay lumigaya.
·
Iwasan mo ang
barkada at mag-aral kang mabuti nang ikaw ay makapasa sa taong ito.
- Ginagamit ang ng sa sumusunod na pagkakataon:
- bilang
pantukoy na palayon na kasama ng tuwirang layon ng pandiwa.
·
Ang guro ay
nagtuturo ng Filipino.
·
Ang magsasaka ay
nagbubungkal ng lupa.
- bilang
pantukoy na palayon na kasama ng tagaganap ng pandiwang balintiyak.
Katumbas ng by sa Ingles.
·
Ang silid-aralan
ay nalilinis ng mga iskolar.
·
Tinanggap ng
dalaga ang handog ng binata.
- bilang
pantukoy na maaaring kasama ng salitang siyang nag-aari sa bagay na
binabanggit sa pangungusap.
·
Ang kantina ng
Phil. Sci. ay malaki at malinis.
·
Ang aklat ng mga
iskolar ay palagi nilang binabasa.
- bilang pang-ukol
na katumbas ng with sa Ingles
·
Ako ay sinalubong
niya ng ngiting magiliw.
·
Hinampas ni Gari
ng kahoy ang malaking palaka.
May at Mayroon
1. Ginagamit ang may sa sumusunod na pagkakataon:
a. kapag ang sumusunod na salita ay pangngalan, pang-uri, pang-abay
at pandiwa.
·
May panauhin sa
kanilang tanggapan. (Pangngalan)
·
May virus ang
nahiram niyang USB. (Pangngalan)
·
May magandang
dalaga sa silid. (Pang-uri)
·
May bagong selfon
si Aldrin. (Pang-uri)
·
Tila may
kumakatok sa pinto. (Pandiwa)
·
May pupuntahan k
aba mamaya? (Pandiwa)
·
Sa silid ay may
dahan-dahang pumasok. (Pang-abay)
b. kapag ang sumusunod ay isang panghalip
na panao sa kaukulang paari.
·
May kanya-kanya
silang gawain kaya madali nila itong natapos.
·
May kanilang
sariling bahay ang mga aso.
·
Masayang
ipinagdiriwang ang pista roon sa may amin.
c.
kapag sinundan ng
pantukoy na mgaat pang-ukol na sa:
·
May mga iskolar
na naliligo sa ilog kaninang umaga.
·
Tila may mga
tungkulin ang mga classroom officers na kanilang nakalilimutan.
·
Tila may sa ahas
ang babaing iyan.
2. Ginagamit ang mayroon sa sumusunod na pagkakataon:
a. Kapag sinusundan ng mga katagang
tulad ng daw, din, pa, yata, ba, baga at iba pa.
*
Mayroon daw kilusan ngayon laban sa mga basura.
*
Ang mga magbubukid ay mayroon ding magandang kinabukasan.
* Mayroon pa bang natirang ulam?
b. Kapag ang sumusunod dito ay isang
panghalip na panao sa kaukulang palagyo.
*
Mayroon kaming palatuntunan para sa Buwan ng Wika.
*
Hindi pa kayo dapat na umalis dahil mayroon pa tayong pag-uusapan.
c. ginagamit bilang panagot sa tanong.
*
Tanong: May pera pa ba tayo?
Sagot: Mayroon.
·
Tanong: May
kaibigan na ba si Evram?
Sagot: Mayroon.
d. Kapag ito’y nagsasaad ng
patalinghagang kahulugan ng salitang mayaman o may kaya sa buhay.
*
Ang mga Zobel de Ayala ay tunay na mayroon.
*
Lumapit ka sa mga mayroon upang makahingi ka ng tulong sa kanila.
Daw-Raw, Din-Rin, Doon-Roon, Dito-Rito
- Ginagamit ang daw, din, doon at
dito kapag ang nauunang salita rito ay nagtatapos sa katinig.
·
Tumawag daw siya
sa akin sa telepono kanina.
·
Umawit din si
Rodolfo kasami ni Cheena.
·
Inabutan doon ni
Jake si Jenny.
·
Sinigawan dito ni
Anna si Julius.
2. Ginagamit ang raw, rin, roon at
rito kapag ang nauunang salita rito ay nagtatapos sa patinig at malapatinig
*
Payapa raw ang kalagayan ngayon sa Timog.
*
Maghihintay rin ako sa iyo kahit abutin man ng gabi.
*
Puntahan mo roon si Maria Divina Gracia.
*
Ikasasaya ko kung ikaw ay pupunta rito mamaya.
Kung at Kong
1. Ang kung ay ginagamit na pangatnig sa
mga sugnay na di-makapag-iisa sa mga pangungusap na hugnayan. Katumbas ng if
sa Ingles.
·
Kung narito ka
sana ay higit kaming masaya.
·
Sumama ka sa
kanila kung ibig mo.
2. Ang kong naman ay buhat sa panghalip na
panao ng ko na nilagyan ng pang-angkop na ng.
*
Ibig kong makatulong sa mga mahihirap.
*
Pangarap kong maging mabuting mamamayan.
Subukin at Subukan
1. Ang subukin ay nangangahulugan ng pagsusuri
o pagsisiyasat sa uri, lakas o kakayahan ng isang tao o bagay.
·
Subukin
mong gamitin ang sabong ito at baka hiyang sa iyo.
·
Subukin
mong kumain ng gulay at prutas upang sumigla ka.
·
Susubukin
ng mga tagalalawigan ang galling ng mga tagalunsod.
2.
Ang
subukan ay nangangahulugan ng
pagtingin upang malaman ang ginawa ng isang tao o mga tao.
·
Subukan
mo siya upang malaman mo ang kanyang sekreto.
·
Ani
Erap noon, “Wag n’yo akong subukan!”
·
Subukan
mo ang iyong kasintahan hanggang sa makarating siya sa kanyang paroroonan.
Pahirin at Pahiran
1)
Ang
pahirin ay nangangahulugan ng
pag-alis o pagpawi ng isang bagay.
·
Pahirin
mo ang iyong pawis sa noo.
·
Pahirin
mo ang iyong uling sa mukha.
·
Pinahid
ni Ace ang dugong umagos mula sa kanyang labi.
2)
Ang
pahiran ay nangangahulugan ng
paglalagay ng isang bagay.
·
Pahiran
mo ng Vicks ang likod ng bata.
·
Pahiran
mo ng biton ang sapatos mo upang magmukha iyong bago.
·
Masarap
na almusal ang pandesal na pinahiran ng mantekilya.
Punasin at Punasan
1.
Ang
punasin ay ginagamit kapag
binabanggit ang bagay na tinatanggal.
·
Punasin
mo ang alikabok sa mesa.
·
Punasin
mo ang uling sa iyong pisngi.
2.
Ang
punasan ay ginagamit kapag ang
binabanggit ay ang bagay na pinagtatanggalan ng kung ano man.
·
Punasan
mo ang mesa.
·
Punasan
mo ang iyong noo.
Operahin at Operahan
1.
Tinutukoy
ng operahin ang tiyak na bahaging
tinitistis.
·
Ooperahin
bukas ang mga mata ni Geelyn.
·
Kailan
nakatakdang operahin ang bukol sa iyong dibdib?
·
Dok,
operahin nap o ninyo ang kumikirot kung tiyan.
2.
Tinutukoy
ng operahan ang tao at hindi ang
bahagi ng kanyang katawan.
·
Ooperahan
nan g doctor ang naghihirap na bulag.
·
Inoperahan
na si Emil kahapon.
·
Kasalukuyang
inooperahan si Woody sa Ospital ng Makati.
Pinto at Pintuan
1.
Ang
pinto (door) ay bahagi ng daanan na
isinasara at ibinubukas. Ginagawa ito upang ilagay sa pintuan.
·
Isinara
niya ang pinto upang hindi makapasok ang lamok.
2.
Ang
pintuan (doorway) ay ang
kinalalagyan ng pinto. Ito rin ang bahaging daraanan kapag bumukas na ang
pinto.
·
Nakaharang
sa pintuan ang paso ng halaman kung kaya’t hindi niya maisara ang pinto.
Hagdan at Hagdanan
1.
Ang
hagdan (stairs) ay mga baytang at
inaakyatan at binababaan sa bahay/gusali.
·
Mabilis
niyang inakyat ang hagdan upang marating ang klinika.
2.
Ang
hagdanan (stairway) ay bahagi ng
bahay na kinalalagyan ng hagdan.
·
Matitibay
ang hagdanan ng kanilang bahay kaya hindi gumuho ang hagdan niyon matapos ang
lindol.
Iwan at Iwanan
1.
Ang
iwan (to leave something) ay
nangangahulugang huwag isama/dalhin.
·
Iwan
mo na ang anak mo sa bahay nyo.
·
Iwan
na lang niya ang bag niya sa kotse ko.
2.
Ang
iwanan (to leave something to
somebody) ay nangangahulugang bibigyan ng kung ano ang isang tao.
·
Iwanan
mo ‘ko ng perang pambili ng pananghalian.
·
Hindi
iniwanan ng alak ng dumalaw na kamag-anak ang presong lasenggero.
Sundin at Sundan
1.
Ang
sundin (follow an advice) ay
nangangahulugang sumunod sa payo o parangal.
·
Sundin
mo ang mga payo ng iyong mga magulang kung ayaw mong maligaw ng landas.
2.
Ang
sundan (follow where one is going;
follow what one does) ay nangangahulugang gayahin ang ginagawa ng iba o pumunta
sa pinuntahan ng iba.
·
Sundan
mo ang demonstrasyon sa telebisyon kung nais mong matuto ng pagluluto ng
paella.
·
Sundan
mo agad ang umalis mong kaibigan at baka tuluyan na iyong magtampo.
KUMUHA at
MANGUHA
Kumuha (to
get);
Manguha (to
gather, to collect)
Hal. Kumuha ng
isang basong tubig si Neth para kay Jean.
Nanguha ng
mga kabibe ang mga bata sa dalampasigan.
BUMILI at
MAGBILI
Bumili (to
buy);
Magbili (to
sell) – magbenta
Hal.
Pumunta ang nanay sa Baguio para bumili ng mga
sariwang gulay.
Ang
trabaho ng tatay niya ay magbili ng mga lumang kasangkapan.
salamat po sa referensiya
ReplyDeleteMaraming salamat po. Sana maari itong sipiin para sa module naming sinusulat
ReplyDelete