Pagpapahayag
·
Ang pagsisiwalat ng tao ng
kanyang mga nasasaloob, ng kanyang mga paniniwala, ng lahat ng kanyang mga
nalalaman
Dalawang Anyo ng Pagpapahayag
·
Pasalita
o Maaaring isagawa nang harapan o lantaran at malapitan, dili kaya ay
hindi at malayuan
·
Pasulat
o Ibinabahagi ang mga kaalaman, paniniwala, mithiin at saloobin sa
pamamagitan ng pagsasaakda, mapalimbag man ang mga ito o hindi
Mga Salik ng Pagpapahayag
·
Nilalaman
o Ang pahayag ay may nilalaman kapag ito ay may mahalaga at
kinakailangang kabatiran, may aral na itinuturo at nagbibigay kaaliwan
o Isinasaad ang nilalaman sa pamamagitan ng pananalitang malinaw,
mabigat at nakalulugod; subalit ano mang nilalaman ay kailangang ibatay sa
katunayan at katotohanan
o Mga mapagkunan ng nilalaman:
§ Karanasan
·
Pinakamagaling na guro sa lahat
·
Dahil sa karanasan,
nakapagtitipon ng iba-ibang karunungan at kaalamang maaaring ibahagi sa iba
·
Ang karanasan ay yaong ginagawa
niya sa mga kaganapan sa kanyang buhay upang matamo niya ang kanyang tunguhin o
kaya’y makalutas ng kanyang mga suliranin
§ Pakikipanayam
·
Isinasagawa kapag may mga
kaalamang nais ng taong mabatid mula sa mga dalubhasa o sa mga marurunong, sa
mga taong nais makunan ng impormasyon.
·
Maaaring ang mga kaalamang
naturan ay hindi matatagpuan sa mga aklat o di kaya’y hindi niya pinagdaanan
§ Pagbabasa
·
Nakapagpapayaman ng isip,
nakapagpapakilos ng guniguni upang makapaglakbay sa iba’t ibang pook
·
Pananalita
o Ito ay kakayahang makapili ng mga salitang nagpapahayag ng kurukuro
at damdamin na may kalinawan, kapamigatan at kagandahan ng pagpapahayag
o Kailangang maging malinaw upang madaling maunawaan, mabigat upang
madaling paniwalaan at maganda upang kalugdan
o Malinaw na pahayag
§ Gumagamit ng magkakaugnay na mga salita, bawat salita’y may tiyak na
kahulugan: iwasan ang mga salitang nagbibigay ng pag-aalinlangan
§ Dahil dito, kailangang may wastong bigkas kung sinasalita at wastong
baybay kung sinusulat
§ Mawawalan ng saysay ang mga pangungusap na ipinahahayag kung hindi
malinaw pagkat mahirap unawain
o Mabigat na pahayag
§ Nababatay sa katotohanan, hindi kakikitaan ng kasinungalingan
§ Kung minsan, may mga pahayag na inaakalang totoo subalit pagkaraan
ng ilang panahon ay matutuklasang wala pala itong batayan
§ Ang mga pahayag na may pagmamalabis, kadalasan ay ipinalalagay na
kabulaanan
§ Ang mga pahayag na nagmumula sa isang dalubhasa ay may kapamigatan
sapagkat ang kanyang sinasabi ay hinggil sa pinagkakadalubhasaan niya
§ Gayon din, ang marangal na tao na kilala sa kanyang katapatang-loob
ay madali ring paniwalaan ng iba
o Magandang pahayag
§ Isinasaad sa pamamagitan ng magkakatugon na mga kahulugan at tunog
ng salita, maluwag at matayog na kaisipan
§ Ang mga matalinghagang mga salita ay nakatutulong sa pagpapaganda ng
pananalita
§ Maganda rin ang pahayag kung maayos ang pagsasama at
pagkakasunud-sunod ng mga salita, parirala at pangungusap
No comments:
Post a Comment