Kasaysayan ng Alpabetong
Pilipino
Alibata
Bago pa man dumating ang mga Kastila, tayo ay mayroon
nang kinikilalang isang uri ng alpabeto. Ito ang tinatawag nating Alibata,
isang uri ng palaybaybayang hatid na atin ng mga Malayo at Polinesyo.
Sinasabing ang Alibata ay may impluwensya ng palatitikang Sanskrito na
lumaganap sa India
at sa iba pang mga lugar sa Europa at sa Asya.
Ang Alibata ay binubuo ng labimpitong titik: 3 patinig at
14 na katinig, gaya
ng makikita sa ibaba:
ANG ALIBATA
Ang bawat titik ng Alibata ay binibigkas na may tunog na a.
Nilalagyan ng tuldok (.) sa ibabaw ng titik kapag bibigkasin ang b
ng bi.
Nilalagyan ng tuldok (.) sa ilalim ng titik kapag
bibigkasing bu ang b.
Nilalagyan ng krus (+) sa tabi ng titik kapag nawawala
ang bigkas na a sa bawat titik.
Ang // ang nagpapahayag ng tuldok.
Kakaiba ang pagsusulat ng alibata hindi katulad ng
nakasanayan na ng mga Pilipino. Ang paraan ng pagsulat ng mga katutubo’y
patindig, buhat sa itaas pababa at ang pagkakasunod ng mga talata ay buhat sa
kaliwa, pakanan.
Mapapansin na walang titik na E at O sa matandang
Alibata. Tatlo lamang noon ang mga patinig: A, I at U. Nang dumating ang mga
Kastila ay saka lamang pumasok ang mga tunog na E at O dahil sa mga hiram na
salitang Kastila namay ganitong mga tunog. Ang tunog na R ay sinasabing hiram
din sa Kastila.
Pagsasanay
I.
Sulatin
sa katutubong alfabeto ang mga sumusunod:
1. Maganda si Neneng.
2. Papasok ang bata sa
paaralan bukas.
3. Kinikilig ang babae nang
makita niya ang kanyang hinahangaang lalaki.
II. Isulat sa alibata ang mga
sumusunod:
1. alupihan 6. hardin
2. ilog 7.
lalawigan
3. dagat 8. lungsod
4. sumisikat 9. palengke
5. bayan 10. matamis
Takdang-Aralin
I.
Gumawa
ng isang liham pangkaibigan. Ibibigay ninyo ito sa inyong kaibigan. Isusulat
ito sa paraang Alibata.
Ang Abecedario
Nang dumating ang mga Kastila, binago nila ang ating sistema
ng pagsulat. Sinunog nila ang lahat halos ng ating katutubong panitikang
nasusulat sa Alibata, kasabay ng kanilang pagsunog sa sinasambang mga anito ng
ating mga ninuno. Tinuruan nilang sumulat ang mga Pilipino sa pamamagitan ng
palatitikang Romano upang mabisa nilang mapalaganap ang Doctrina Christiana.
Ang mga titik Romano gaya
ng alam na natin, ay iba sa mga simbolong ginagamit sa pagsulat sa wikang Hapon
o sa wikang Intsik.
Itinuro ng mga Kastila ang kanilang Abecedario. Ang mga
titik ng Abecedario ay ang mga sumusunod:
A B C CH D
/a/ /be/ /se/ /se-atse/ /de/
E F G H I
/e/ /efe/ /he/ /atse/ /i/
J K L LL M
/hota/ /ke/ /ete/ /elye/ /eme/
/ene/ /enye/ /o/ /pe/ /ku/
R RR S T U
/ere/ /doble
ere/ /ese/ /te/ /u/
V W X Y Z
/ve/ /doble
u/ /ekis/ /ye/ /zeta/
Pansinin na sa dating 17 katutubong tunog sa matandang
Alibata ay naparagdag ang mga sumusunod upang maging 31 titik lahat.
Mga Patiniog: E
at O
Mga Katinig: C, F,
LL, Q, V, R, Z, CH, J, Ñ, RR, X
Sa loob ng halos apat na dantaong pananakop sa atin ng
mga Kastila ay nasanay na ang ating lahi sa mga hiram na salita na sa
kasalukuyan ay hindi na halos napapansin kung ang mga ito ay katutubo o
banyaga.
Pagsasanay
I.
Basahin
ang talata sa ibaba. Isulat sa baybay-Filipino ang mga salitang nasa loob ng
panaklong.
Noong nakaraang (1. Viernes) ay hindi nakapasok si Ernesto
sa (2. escuela). Tumawag ang kanyang ina sa (3. telefono) upang ipaalam sa
kanyang (4. maestra) na siya ay di papasok.
(5. Miercoles) na nang muling makapasok si Ernesto. Pagpasok
niya sa (6. clase) ay sinalubong siya ng kanyang mga kamag-aral. Sinabi kaagad
ng mga ito kung ano ang kanilang (7. leccion) sa araw na iyon. Ipinaalam din
ng mga ito na bilang takda, sila’y
binilinang magdala ng (8. diario).
1. ___________________ 5.
________________
2. ___________________ 6.
________________
3. ___________________ 7.
________________
4. ___________________ 8.
________________
II. Baybayin nang
pasalita gamit ang alpabetong Abecedario ang mga sumusunod:
1. lluvia (ulan) 6. mantecado
(icecream)
2. beso (kiss) 7. navidad
(christmas)
3. amor (pag-ibig) 8. corazon (puso)
4. leche (gatas) 9. esperanze
(pag-asa)
5. bizcocho (biscuit) 10. embutido (sausage)
Ang Alpabetong Ingles
Nang
matapos ang pananakop ng mga Kastila noong 1898, humalili naman ang mga
Amerikano. Dahil sa ang pinakamahalagang pokus ng pamahalaang Amerikano ay
edukasyon ng mga Pilipino, naging sapilitan ang pag-aaral ng wikang Ingles.
Itinuro ng mga gurong Thomasites ang alpabetong Ingles na may 26 na titik,
tulad ng mga sumusunod:
A B C D E F
G H I J K L
M N O P Q R
S T U V W X
Y Z
Mapapansin parehong titik-Romano ang ginagamit ng mga
alpabetong Ingles at Kastila, palibhasa’y kapwa kanluranin ang mga ito. Ngunit
may mga tunog sa Ingles na wala rin sa dila ng mga Pilipino. At sapagkat ang
ispeling sa Ingles ay hindi na konsistent tulad ng sa Kastila, hindi na maaari
ang regular na tumabasan ng mga titik. Halimbawa ng mga sumusunod:
Football - putbol sexy - seksi
violin - bayolin magazine - magasin
Di kasintagal ng mga Kastila ang panahon ng pananakop ng
mga Amerikano, subalit dahilan sa empasis na ibinigay sa edukasyon, napakalawak
ang naging impluwensya ng wikang Ingles, kaya’t napakarami ang mga
bokabularyong Ingles na humalo sa talasalitaang Filipino.
Ang Abakada
Noong
panahon ng Pangulong Manuel L. Quezon ay binigyan-diin niya ang kahalagahan ng
pagkakaroon ng isang wikang pambansa. Nadama niya ang pangangailangang ito
sapagkat malimit na hindi niya makausap ang karamihan ng mg Pilipinong iba’t
iba ang wikang sinasalin. Hindi niya makausap ang mga ito sa wikang Kastila. At
lalong hindi rin sa wikang Ingles. Kayat nang sulatin ang Konstitusyon ng 1935,
sinikap niyang magkaroon ito ng probisyon tungkol sa pagbuo ng isang wikang
pambansa.
Ganito ang sinasabi sa Konstitusyon ng 1935: “Ang
Pambansang Asemblea ay gagawa ng hakbang tungo sa pagkaroon ng isang wikang
pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na mga pangunahing wika ng Pilipinas.”
Upang maitupad ang batas na ito, pinagtibay ng Kongreso
ang Batas Komonwelt 184 na nag-aatas na bumuo ng Institute of National Language
o Surian ng Wikang Pambansa na siyang magsasagawa ng pag-aaral kung alin sa mga
pangunahing katutubong wika ng bansa ang higit na karapat-dapat na maging
wikang pambansa.
At Tagalog ang napiling maging batayan ng wikang
pambansa.
Ngunit hinihingi rin ng batas na bago ipahayag ang
napiling batayan ng wikang pambansa ay kailangang mayroon na munang magagamit
na aklat panggramatika sa paaralan. Si Lope K. Santos, isa sa mga kagawad noon
ng Surian ng Wikang Pambansa, ang sumulat ng nasabing gramatika na nakilala sa
tawag na Balarila ng Wikang Pambansa.
Noon isinilang, batay sa Balarila, ang Abakada na binubuo
ng 20 titik na gaya
ng mga sumusunod:
A B K D E G H I L M N NG
O P R S T U W Y
Sa dalawampung titik na ito’y lima (5) ang patinig at labinlima (15) ang
katinig. Ang mga katinig ay may tig-iisang tawag at bigkas lamang na laging may
tunog na a sa hulihan. Gaya ng pagbaybay nang pabigkas sa mga salitang
sumusunod:
Bote
- /ba-o-ta-e/ titik - /ta-i-ta-i-ka/
Dahilan sa limitadong bilang ng mga titik ng Abakada,
naging problema ang panghihiram ng mga salita, lalo na sa Ingles na hindi
konsistent ang palabaybayan.
Pagsasanay
I. Baybayin nang
pa-Abakada ang sumusunod na mga salita:
1. totoo 6.
pakikipagsapalaran
2. pakikipagtalastasan 7.
nakikipagkomunikasyon
3. panitikan 8.
tsuktsaktsinis
4. gulang 9.
hikayatin
5. kompyuter 10.
magsanduguan
Komisyon sa Wikang
Filipino:
2001 Revisyon ng Alfabeto
at Patnubay sa Ispeling
ng Wikang Filipino
Bilang bahagi ng pagpapalanong pangwika na may layuning
mapaunlad ang wikang Filipino tungo sa istandardisasyon ng sistema ng pagsulat,
nagpalabas ang Komisyon sa Wikang Filipino noong 2001 ng revisyon sa alfabeto
at ispeling ng wikang Filipino na pinamagatang 2001 Revisyon ng Alfabeto at
Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino na nakafokus sa gamit ng walong bagong
letra ng alfabetong Filipino (c,f,j,ñ,q,v,x,z).
I. Ang Alfabetong Filipino
Ang alfabetong Filipino ay binubuo ng 28 letra. Ang tawag sa
mga letra ay ayon sa bigkas-Ingles ng mga Pilipino maliban sa ñ (enye) na
tawag-Kastila. Ang walong (8) letra na dagdag ay galing sa mga umiiral na wika
ng Pilipinas at sa mga iba pang wika.
A B C D E F G H I J K
/ey/ /bi/ /si/ /di/ /i/ /ef/ /ji/ /eych/
/ay/ /jey/ /key/
L
M N Ň NG O P Q R S T
/el/ /em/ /en/ /enye/
/enji/ /o/ /pi/ /kyu/ /ar/ /es/ /ti/
U
V W X Y Z
/yu/ /vi/ /dobolyu/ /eks/ /way/ /zi/
Pagbaybay
Pasulat Pabigkas
Salita boto /bi-o-ti-o/
bote /bi-o-ti-o/
titik /ti-ay-ti-ay-key/
Fajardo /kapital
ef-ey-jey-ey-ar-di-o/
Roxas /kapital
ar-o-eks-ey-es/
Akronim PSHS /pi-es-ets-es/
ARMM /ey-ar-em-em/
LANECO /el-ey-en-i-si-o/
FVR /ef-vi-ar/
GMA /ji-em-ey/
Daglat Bb. /kapital
bi-bi/
Dr. /kapital di-ar/
Gng. /kapital ji-en-ji/
Simbolong Pang-agham/
Matematika Fe /ef-i/
H2O /eych-tu-o/
Lb. /el-bi/
Kg /key-ji/
V /vi/
Pagsasanay
I. Baybayin ang mga
sumusunod na salita sa pasalitang paraan.
1. simbahan 6.
nagdadasal
2. Biblia 7.
Michael
3. bait 8. DOST
4. Mr. Miguel 9. Dr. Maulion
5. Joshua 10. Zimbabwe
Tuntunin
sa Panghihiram at Pagbaybay
1. Gamitin ang kasalukuyang
lesksikon (salita) ng Filipino bilang panumbas sa mga salitang banyaga. Kung
anong mayroong mga salita sa Filipino iyon ang ipanumbas sa mga salitang hiram.
Hiram na Salita Filipino
attitude ugali
rule tuntunin
ability kakayahan
west kanluran
school paaralan
electricity kuryente
shoe sapatos
book aklat
2. Kumuha ng mga salita mula
sa iba’t ibang katutubong wika ng bansa. Nangangahulugang maaaring gamiting
panumbas sa mga salitang banyaga ang mga salitang magmumula sa iba’t ibang wika
at diyalekto sa bansa.
Hiram na Salita Katutubong Wika
hegemony gahum
(cebuano)
imagery haraya
(tagalog)
husband bana
(cebuano)
muslim
priest imam
(tausug)
robber kawatan
(cebuano)
fast paspas
(cebuano)
slowly hinay-hinay
(cebuano)
drama dula
(cebuano)
3. Bigkasin sa orihinal na
anyo ang hiniram na salita mula sa Kastila, Ingles at iba pang wikang banyaga
at saka baybayin sa Filipino. Dito ginagamit ang prinsipyo sa Filipino na kung
anong bigkas ay siyang baybay at kung ano ang baybay ay siyang basa.
Kastila Filipino Ingles Filipino
cheque tseke centripetal sentripetal
litro litro commercial komersyal
liquido likido advertising advertizing
educacion edukasyon economics ekonomiks
coche kotse radical radikal
esquinita eskinita baseball beysbol
Iba pang wika Filipino
coup d’etat (french) kudeta
chinelas (kastila) tsinelas
kimono (japanese) kimono
4. Gamitin ang mga letrang C,N,Q,X,F,J,V,Z, kapag ang salita ay
hiniram nang buo ayon sa mga sumusunod na kondisyon:
a. Pantanging ngalan
Quirino Canada Zamboanga City
John Valenzuela City Ozamiz City
Ceneza Bldg Qantas
Airline El Nino
b. Salitang Teknikal o
siyentifiko
Cortex Marxism carbohydrate
Enzyme infrared xenon
quartz calcium x-ray
c. Salitang may natatanging
kahulugang kultural
Cañao (Ifugao) ‘pagdiriwang’
Hadji (Maranao) ‘lalaking Muslim na nakapunta sa Mecca ’
Masjid (Maguindanao) ‘pook dalanginan’
Azan (Tausug) ‘unang panawagan sa pagdarasal ng mga
Muslim
d.
Salitang may irregular na ispeling o gumagamit ng dalawang letra o
higit pa na hindi binibigkas o ang mga letra ay hindi katumbas ng tunog
bouquet rendezvouz lazze
faire
champagne plateau monsieur
e. Salitang may
international na anyong kinikilala at ginagamit
Taxi exit fax xerox
Mga
Tiyak na Tuntunin sa Gamit ng Walong (8) Letra
1. Mahahati sa dalawang
grupo ang walong dagdag na letra sa alfabetong Filipino:
·
ang
mga letrang F,J,V,Z na may tiyak na fonemik na istatus sapagkat
iisa lamang ang kinakatawang tunog ng bawat isa; at
·
ang
mga letrang C,Ñ,Q,X na itinuturing
na redandant dahil maaaring
kumakatawan ang bawat isa sa magkakaibang yunit ng tunog o kaya’y sunuran ng
tunog, tulad ng:
C = /s/ central
--- sentral
/k/ cabinet ---
kabinet
Ñ = /ny/ baño --- banyo
Q = /k/ queso --- keso
= /kw/ quarter ---
kwarter
X = /ks/ extra --- ekstra
= /s/ xylophone --- saylofon
2. Ang mga letrang F,J,V,Z, lamang na may tiyak na fonemik
na istatus ang gagamitin sa ispeling ng mga karaniwang
salitang hiram upang hidi masira ang tuntunin ng isa-isang tumbasan ng
tunog at letra na katangian ng umiiral na sistema ng fonemik na ispeling sa
Filipino. Narito ang mga tiyak na tuntunin:
F
|
· Gamitin ang letrang F
para sa tunog /f/ sa mga karaniwang salitang hiram. Hal.
Futbol, fraterniti, fokus, fasiliteytor, foto
· Gamitin ang letrang F
kung hiniram nang buo ang mga salita
Hal.
French fries, Francisco, flourine,
faddul (Iba: maliit na burol)
|
J
|
· Gamitin ang letrang J
para sa tunog /j/ sa mga karaniwang salitang hiram. Hal. Sabjek, jaket, jornal, objek, bajet,
jam
· Gamitin ang letrang J
kung hiniram nang buo ang mga salita
Hal.
|
V
|
· Gamitin ang letrang V
para sa tunog /v/ sa mga karaniwang salitang hiram. Hal.
Varayti, volyum, varyant, vertikal, valyu, vertikal
· Gamitin ang letrang V
kung hiniram nang buo ang mga salita
Hal.
|
Z
|
· Gamitin ang letrang Z
para sa tunog /z/ sa mga karaniwang salitang hiram. Hal.
Bazar, bazuka, zu, ziper, magazin, advertayzing
· Gamitin ang ang Z kung
hiniram nang buo ang mga salita
Hal. Zamboanga, zinc, azan, rendezvouz, laizze
faire
|
3. Ito naman ang mga tiyak
na tuntunin para sa mga letrang C, Q, Ñ,
at X:
C
|
· Panatilihin ang letrang
C kung hiniram nang buo ang mga salita
Hal.
Calculus, carbohydrates, champagne, Carlos, chlorophyll
· Kapag binaybay sa
Filipino ang salitang hiram na may C, palitan ang C ng S kung /s/ ang tunog,
at ng letrang K kung /k/ ang tunog
Hal.
Partisipant, sentral, sirkular, sensus, keyk, kard, magnetik
|
Q
|
· Panatilihin ang letrang
Q kung hiniram nang buo ang mga salita
Hal. Quartz,
Quirino, quantum, opaque
· Kapag binaybay sa
Filipino ang salitang hiram na may letrang Q, palitan, ang Q ng KW kung ang
tunog ay /kw/; at ng letrang K kung ang tunog ay /k/
Hal.
Kwarter, korum, sekwester, ekwipment,
|
Ñ
|
· Panatilihin ang letrang
Ñ kung hiniram nang buo ang mga salita
Hal. El
Nino, La Tondena, Malacanang, La Nina, Sto. Nino
· Kapag binaybay sa
Filipino ang salitang hiram na may letrang Ñ, palitan ang Ñ ng mga letrang NY
Hal. Pinya,
banyo, panyo, karinyosa, kanyon, banyera
|
X
|
· Panatilihin ang letrang
X kung hiniram nang buo ang mga salita
Hal. axiom,
xylem, praxis, Marxism, xenophobia, Roxas, fax, exit, taxi
· Kapag binaybay sa
Filipino ang hiram na salitang may letrang X, palitan ng KS kung ang tunog ay
/ks/; at ng letrang S kung ang tunog ay /s/
Hal. teksto,
eksperimental, taksonomi, eksam, seroks
|
Maraming salamat sa blog na ito.
ReplyDeleteSalamat po sa pagbahagi ng impormasyong Ito
ReplyDeletethanks for this info, we use this as our RRL
ReplyDeletemaraming salamat po sa blog na ito ,dahil dito marami po a kung natutunan, . sana po ay marami pa ang ibigay niyong ideya para sa amin na nag aaral ng edukasyon mayorya sa filipino.
ReplyDeleteMaraming salamat po sa impormasyong inyong ibinahagi.
ReplyDeleteWalang Anuman
Deleteganyan pala sumulat nang ALIBATA .thanks sa nag bahagi!!! Sakit.info
ReplyDeletethanks po
ReplyDeleteSalamat po
ReplyDeleteSalamat po malaking tulong po ito sa aming mga mag-aaral.
ReplyDeleteThanks po..It helped me a lot
ReplyDeleteThank you po ... This is very helpful for my study thank you so much
ReplyDeleteAno po ang alpabetong ginamit ng hapon sa pilipinas noon?
ReplyDeleteMalaking tulong ang inyong blog. Marami pong salamat.
ReplyDeleteMaraming salamat po💗
ReplyDeleteAng laking tulong po neto maraming salamat po❣️
ReplyDeleteThanks po ng marami!
ReplyDeleteThank you po! Marami po akong natutunan
ReplyDeleteNakatulong ty
ReplyDeleteAno ang pinagkaiba ng alpabetong pilipino sa alpabetong filipino?
ReplyDeleteMaraming salamat po !!
ReplyDeleteSalmat po dito malking tulong po to
ReplyDeleteSalamat po, napakalaking tulong po itong mga impormasyong inyong inilahad.
ReplyDelete