Friday, August 14, 2015

ANG RETORIKA

Ang Retorika
·      Galing sa salitang Griyego na RHETOR na nangangahulugang guro o maestro na mananalumpati o orador
·      Ang kaalaman sa mabisang pagpapahayag, pasalita man o pasulat
·      Mabisa sapagkat maayos, malinaw, maengganyo, at magandang pakinggan o basahin ang pagsasabi
·      Isinasaalang-alang dito hindi lamang ang mga kaalamang gustong ibahagi, gayundin ang mga kaalamang pangwika gaya ng palatunugan at palabigkasan kung pasalita, ng palabaybayan at palabantasan kung pasulat, bagkos at lalo’t higit, yaong matimbang na pagpili at tamang paggamit ng mga salita, at ang maingat at lohikal na pagbuo ng mga kaisipan – mapasapangungusap o mapasatalata.
·      Tumutukoy sasining ng maayos, malinaw, mabisa at kaakit-akit na pagpapahayag upang maunawaan at makahikayat sa mga nakikinig at bumabasa.
·      Tumutukoy sa agham at sining ng pagpapahayag maging pasalita man o pasulat sa tulong ng wasto at makabuluhang paggamit ng wika, kaagapay ng masining at mabisang estilo ng pagpapahayag

Katangian ng Retorika
·      Ang retorika ay simbolikal
o  Ang mga simbolo ay kinakatawan ng mga letra, imahe o kaya’y kumpas na may ipinararating na ideya o kaya nama’y natatagong kahulugan
·      Ang retorika ay nagsasangkot ng mga tagapakinig
o  Lumalabas lamang ang paggamit ng retorika kapag nag-usap o nagkaroon ng instensyon ang dalawang tao na magpalitan ng impormasyon.
o  Maaaring intensyon ng retor na magbigay ng impormasyon o manghikayat ng mga tagapakinig
o  Ang retor at ang mga tagapakinig ay dapat nagkakaintindihan sa mga simbolong kanilang ginagamit. Ang wika o mga salita ay dapat naiintindihan ng tagapakinig. Mas magkakaintindihan ang Ilokano kung ang kausap ay ang kapwa Ilokano, kaysa ang Ilokano at isang Maranao
o  Ang retorika ay nakabatay sa panahon. Ang gumagamit nito ay nangungusap sa wika ng ngayon, hindi ng bukas o kahapon. Ang iba pang sangkap ng retorika tulad ng paksa at paraan ay laging naiimpluwensyahan ng kasalukuyang panahon. Baguhin mo ang at magbabago rin ang retorika.
·      Ang retorika ay nagpapatatag sa maaaring maging katotohanan
·      Ang retorika ay mapagkunwari o mapagmalabis na paggamit ng wika. 
o   Sa ilalim ng mga tayutay, malimit nag awing bahagi ng pahayag ang personipikasyon at hyperbole. Nilalayon nitong tumalon mula sa realidad sa mapaglarong mundo ng imahinasyon ng awdyens. Nakadadala ng damdamin ang ganitong mga pahayag. Nakaradargdag pa ito ng kulay at nagbibigay ng ibayong kahulugan sa batayang salita.
·      Ang retorika ay nagbibigay lakas/kapangyarihan
o  Ang kapangyarihang panlipunan ay karaniwang nakukuha sa galling ng pagsasalita sa harap ng publiko. Ang mga pulitiko, pastor, negosyante, titser, at iba pang maykapangyarihan o awtoridad ay nakaiimpluwensya/nakapaghihikayat ng tao. Sa totoo lang, hindi lahat ng tao ay kayang gawin ito. Sa pamamagitan ng kanilang mga talumpati, sermon, sales talk, lektyur ay napasusunod, napahahanga at napakikilos nila ang kanilang awdyens. Hindi lubos na makikinig ang isang mag-aaral kung hindi magaling ang lektura ng isang tagapagsalita o tagapanayam. Ang isang komentarista ay nakakuha ng tagapakinig dahil sa husay ng kanyang pananalita.
·      Ang retorika ay malikhain at analitiko
o  Ang konsepto ng pagiging malikhain ng isang retorika ay maipapakita ng isang tagapagsalita kung nagagawa niyang mabigyan ng kongkretong imahe ang mga tagapakinig sa pamamagitan lamang ng mga salita
o  Sa pagiging malikhain, kailangan ng isang tagapagsalita na magkaroon ng malinaw na ugnayan sa mga tagapakinig upang maging epektibo ang komunikasyon sa pagitan niya at ng tagapakinig.
o  Kung may kakayahang maging malikhain ang isang tagapagsalita, nangangahulugan itong anumang ideya ang kanyang nasasagap ay kaya nita ring maanalisa.
·      Nagsusupling na Sining
o  Ang retorika ay nagsusupling ng mga kaalaman. Halimbawam, ang isang manunulat ay nagsisimula sa isang ideya sa isipan at nagsusupling ng isang akda. Ang mambabasa naman ay nagsisimula sa pagbabasa at nagbibinhi ng kaalaman sa kanyang isipan. Walang hangganan ang pagsusupling at pagpapasa ng kaalaman sa pamamagitan ng retorika hanggat may nagsasalita at nakikinig, may nagsusulat at nagbabasa.


Ang mga Layunin sa Maretorikang Pagpapahayag
·         Maakit ang interes ng kausap na tutok ang atensyong making sa sinasalita.
·         Masanay sa pagsasalitang may kalakasang dating ang gilas, may mapamiling kaangkupan at panlasa ang ginagamit na salita, at kalinawan ang bigkas
·         Maliwanag na mapaintindi ang mga sinasabi
·         Maikintal sa isip at damdamin ng kausap ang diwa ng sinasabi; at
·         Maiaplay sa sarili ng tagapakinig ang nakuhang mensahe

Kakayahan sa Pagpapahayag
·         Kakayahang linggwistika
o   Ang bawat aspektong pang wika (ponolohiya, morpolohiya at sintaksis) ay masusing pinag-aaralan, sa gayon, ang paggamit ng wika, ang pinakainstrumento sa pagpapahayag, ay magiging matatas, masining at mabisa
·         Kakayahang komunikatibo
o   Bukod sa maingat, maayos at masinop na paggamit ng wika, ang matalino, maguniguni at masinop na paggamit ng wika, ang matalino, maguniguni at malikhaing pagsasabuhay nito sa bawat sitwasyong kinalalagyan ng tao ay napangyayaring matagumpay

Sangkap ng Mabisang Pagpapahayag
1.       Ethos     - Kung paanong ang “karakter” o kredibilidad” ng tagapagsalita ay nakaiimpluwensya sa tagapakinig/awdyens para ikunsidera na kapani-paniwala ang kanyang sinasabi. Kung ang tagapagsalita ay kilala bilang isang awtoriti sa paksang kanyang tinatalakay tulad ni Al Gore na isang awtoriti sa Global Warming dahil sa kanyang pag-aaral sa nasabing paksa na prenesenta niya sa mundo.  
2.       Pathos  - ang paggamit ng emosyon ng tagapagsalita upang mahikayat ang tagapakinig/awdyens na mabago ang kanilang desisyon. Nang-aakit ang kanyang pananalita gamit ang emosyon. Nagagawa ito sa pamamagitan nang paggamit ng metapora, amplifikasyon ng boses, pagkukuwento at pagrerepresenta ng paksa na nang-aakit ng damdamin ng kausap.  
3.       Logos    - ito ay ang paggamit ng katwiran/rason upang bumuo ng mga argumento. Ang apela sa logos (logos appeal) ay maaaring maipakita sa paggamit ng istadistika/istatistiks, matematika, lohika (logic) at objectivity.

Ang Saklaw ng Retorika
1.       Tao/ Mga Tao. Tumutukoy ito sa mga tao o lipunang makikinig o di- kaya’y babasa ng isinulat o ipinahayag ng manunulat. Ang bawat ipinahahayag, oral man o berbal ay tiyak na may patutunguhan sa tulong ng pokus ng talakay.
2.       Kasanayan ng manunulat.  Kung walang kasanayang pansarili ang manunulat mahirap magkaroon ng sining ang mabisang pahayag. Ang kasanayan sa pagpapahayag ay denebelop upang ibahagi sa iba at di sarilinin.
3.       Wika.  Ang wika ay sadyang mnakapangyarihan. Nagagawa nitong maging kilala at hinahangaan ang isang tao dahil sa kagalingan nitong gamitin ang wika.
4.       Kultura.  Malaki ang kinalaman ng kultura sa pagpapaunlad ng sinabi o ipinahayag dahil anumang gampanin ng isang mamamayan, tuwina ito’y saklaw ng kulturang kinabibilangan. Kabilang dito ang mga pinaniniwalaan, mga tradisyon, wika, awit at iba pa.
5.       Sining.  Kumakatawan ito sa taglay na galing o talino ng manunulat o mananalita sa larangan ng pagsasalita o pagsusulat. Pumapasok dito ang taglay na pagkamalikhain ng taong gumagawa ng masining na pahayag.
6.       Iba Pang Larangan.  Ngunit ang retorika ay hindi lamang eksklusibo sa larangan ng Wika, Sining, Pilosopiya at Lipunan. Sino mang tao, saan mang larangan ay may pagnanasang maging mabisa sa pagpapahayag. Sa ano mang larangan, hindi maaaring hindi magsasalita o magsusulat ang mga taong kasangkot doon. Samakatwid, maging sa ibang larangan, ang retorika ay may malaking kinalaman.

Ang Kahalagahan ng Maretorikang Pagpapahayag
·         Kahalagahang Pangkomunikatibo
o   Ano man ang ating iniisip o nadarama ay maaari nating ipahayag sa pasalita opasulat na paraan upang maunawaan ng iba pang tao. Samakatwid, dahil sa retorika, ang dalawa o higit pang tao ay nagkakaroon ng komunikasyon
·         Kahalagahang Panrelihiyon
o   Salita ang puhunan ng mga pari at ministro ng alinmang sekta ng relihiyon sa kanilang pagpapalaganap ng pananampalataya. Nakasalalay sa kanilang makarismatikong tinig, malinaw at medaling maintindihang pananalita at maengganyong pagsasalita ang tagumpay ng kanilang misyon at nila mismo bilang relihiyosong lider
·         Kahalagahang Pampanitikan
o   Sa isang manunulat, ang kanyang tagumpay sa pagsusulat ay nasa paggamit niya ng mga salita. Dapat ang gamit niyang wika at ang istilo ng kanyang pagpapahayag sa kanyang mga akda ay parang buhay na tubig na natural na sumisibol at dumadaloy sa personalidad ng kanyang mga tauhan at sa kapaligirang kanilang ginagalawan
o   Sa kabisaan ng kanyang pamamaraan sa pagsulat, nakuha ng kanyang mga mambabasang simpatyahan at empatyahan ang kanyang mga obra
·         Kahalagahang Pang-ekonomiya
·         Kahalagahang Pangmedia
o   Ang mga artista sa teatro, telebisyon at pelikula, gayundin, ang mga personalidad sa iba’t ibang media ay nakararating sa rurok ng kanilang tagumpay sa pamamagitan ng mga katangi-tangi nilang pagsasalita at mga kaakit-akit nilang boses na humuhubog sa kanilang personalidad para makilala ng madla. Ito ang nagsisilbing puhunan sa pag-unlad. Walang lubay silang sinusubaybayan, sampu ng kanilang mga proyekto at programa, ng kani-kanilang kampo ng mga tagahanga.
·         Kahalagahang Pampulitika

o   Maraming batikang pulitiko ang namumuhunan sa maretorikang pagpapahayag. Sa sandal ng kanilang pangangampanya, kapanapanabik ang pagbibitiw nila ng mga pananalita, lalo’t naglalaman ng mga platapormang mapangako sa mga kalagayang naghihintay ng pagbabago. Kaengka-engkanto ang kanilang mga itsura habang nagsasalita na kinadadamhan ng marami ng pagtitiwala kaya naman ibinibigay sa kanila ang sagradong boto, tuloy, nananalo sila at nakapangyayaring makapangyarihan kapagdaka.

50 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. Thanks for the informations �� you just saved my college life ��

    ReplyDelete
  3. salamat sa kaalaman kaibigan :D

    ReplyDelete
  4. Nagbigay daan ka para mapaganda at mapalawak ko pa ang aking report patungkol sa retorika ����

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ano po kaya ang pwedeng ihambing sa retorika larawang pwedeng ihambing sa retorika

      Delete
  5. HI! Ano pong reference book ang ginamit dito? tysm

    ReplyDelete
  6. salamat po ate/ kuya, pambawas rin ng eyebags sa kaka research :D

    ReplyDelete
  7. ANG GALING <3 lahat ng tinatalakay namin ay kompleto :)

    ReplyDelete
  8. Sino po yung pinakaunang orator sa greece? Yung naalala ko, siya ang may depekto sa pagsasalita, ngunit hindi ko maisa-isip ang pangalan. Kung inyo pong batid ang aking binanggit na katuahan, ipaalam niyo po ito sakin sa pamamagitan ng pagsagot sa komentong ito. maraming salamat.

    ReplyDelete
  9. Thank you po dito! Laking tulong po talaga. 😆

    ReplyDelete
  10. Maraming salamat po sa inyong blog. napakali pong tulong nito sa aking magka ideya sa aming aralin lalot higit mas naliwanagan po ako at mas nadagdagan ang aking interes na palalimin pa ang aking kaalaman sa retorika.. matagal ko na po itong hinahanap, dahil kulang na kulang pa po ang aking kaalaman sa paggamit ng wika at mga salita.. maraming maraming salamat po ^_^"

    ReplyDelete
  11. ang kaalaman na iyong ibinahagi ay nagbigay sa amin ng kalinawagan at nag-palawak sa aming kaisipan. Maraming Salamat :)

    ReplyDelete
  12. Puede po ba maba makahingi ng kahit tav iisang example po ng inventio,schemes,at tropes po,marameng salamat po

    ReplyDelete
  13. Ano po complete name niyo yenbehold?

    ReplyDelete
  14. Retorika sa pananaw siyentipoliko pahanap
    nga po

    ReplyDelete
  15. Big help for us college students. .thank you 😊😊

    ReplyDelete
  16. hello po ang ganda ng content ng blog na ito. nagamit ko po sya sa aking takdang aralin pwede ko po bang malaman ang tunay na pangalan ng awtor para sa aking sanggunian?

    ReplyDelete
  17. Anong reference book na ginamit po dito? Please po need lg sa assignment

    ReplyDelete
  18. A very useful Information to use my Subject in Retorika ( Sining SA Pagpapahayag )
    Thanks alot 😘

    ReplyDelete
  19. Ayus salamat subrang linaw sakin.

    ReplyDelete
  20. Ang ganda salamat po sa inyo manilaw na malinaw

    ReplyDelete
  21. ano ang mga halimbawa ng pabigkas na pahayagan

    ReplyDelete
  22. Ano po ung kasanayang pang retorika?

    ReplyDelete
  23. ano-ano po ang batas o Kanon ng retorika at paano ito nakatutulong sa pagpapahayag0

    ReplyDelete
  24. pwede po paki sagot. bilang mag-aaral akit mahalagang pag-aralan ang retorika?

    ReplyDelete
  25. Ano po kaya pwedeng ihambing sa retorika

    ReplyDelete
  26. Sino po ang may akda nitong mga katangian ng retorika

    ReplyDelete