Friday, August 14, 2015

Gamit ng Bilang

Paggamit ng Bilang

Ginagamit ang mga tambilang (figures) sa:

  1. Mga halimbawa ng higit sa dalawang salita; petsa, oras, direksyon, bahagdan, at telepono.
    • Sa ika-20 ng Marso ang alis ng kanyang ina.
    • Nakatira siya sa 146 Leon Guinto St. Malate, Manila.
    • Ganap na ika-8:00 ng gabi ang simula ng palatuntunan.
    • Ang bilang ng aming telepono ay 341-51-25.
    • Ang tubo ng utang niya ay umabot na sa 10% bawat buwan.

  1. Huwag sisimulan ang pangungusap sa tambilang. Titik ang dapat gamitin.
    • Dalawampung panauhin ang inaasahang darating.
    • Isandaang tao ang inaasahang dadalo sa pulong.


  1. Ang bilang ng 1-10 ay isinusulat sa titik kung ginagamit sa pangungusap at ang labing-isa pataas ay tambilang ang ginagamit.
    • Ako ay may alagang pitong ibon.
    • Si Ana ay nagpadala ng 15 sakong bigas.

No comments:

Post a Comment