Paglalarawan
o
Isang uri o paraan ng
pagpapahayag ng mga kaisipan o pala-palagay tungkol sa isang tao, sa isang
hayop, sa isang bagay, sa isang lugar o sa isang pangyayari sa pamamagitan ng
makukulay, mahuhugis o maanyo at iba pang mapapandamang – naaamoy, nalalasa,
naririnig – pananalita
o
LAYUNIN: makapagpamalas sa isip ng
tagapakinig o mambabasa ng isang malinaw at buong larawan na ang
katangi-tanging kaibahan nito sa mga kauri ay mapalutang, ay lubos na
maisakatuparan
o
KAHALAGAHAN: nagagawa nitong maipakita
sa mambabasa/tagapakinig ang daigdig sa pamamagitan ng paningin at pandama.
Maaaring ipinta ang mga tanawin at mga bagay-bagay na singkinang ng mga kulay
ng bahaghari, ang maharlikang pagtatanghal ng isang dulang musikal, o kahit ang
pinakadukhang pagkakatumpok-tumpok ng mga barung-barong na tirahan ng mga
iskuwater. Magagawang maging konkreto ang mga bagay na abstrak at ang masaklaw
ay maging tiyak.
o
URI:
§ Karaniwang Paglalarawan
·
Ang damdamin at opinyon ng
tagapaglarawan ay hindi dapat isinasama
·
Nagbibigay lamang ng mga tiyak
na impormasyon o kabatiran tungkol sa isang bagay ayon sa pisikal o kongkretong
katangian nito
·
Gumagamit lamang ito ng mga
tiyak at karaniwang salitang panlarawan at itinatala ang mga bagay o ang mga
partikular na detalye sa payak na paraan
·
Halimbawa:
Si Kapitan Tiyago.
Siya’y pandak, maputi-puti, bilog ang katawan at pagmumukha dahil sa katabaan
na alinsunod sa mga humahanga sa kanya ay galling sa langit, galling sa dugo
ng mga maralita; alinsunod naman sa kanyang mga kalabanan, si Kapitan Tiyago
ay mukhang bata kaysa mga kalaban,si Kapitan Tiyago ay mukhang bata kaysa
sadya niyang gulang: aakalain ng may makakita na mayroon lamang siyang
tatlumpu o tatlumpu’t limang taon. Ang kanyang pagmumukha ay palaging anyong
banal. Ang kanyang bungong bilog, maliit at nababalutan ng buhok na kasing
itim ng kamagong, na mahaba sa dakong harap, at maikli-ikli sa dakong
likuran, ay may lamang maraming bagay sa loob, ayon sa sabi-sabi; ang kanyang
maliliit na mata na hindi naman singkit ay hindi nagbabago, ang kanyang ilong
ay maliit ngunit hindi busalsal, at kung ang kanyang bibig ay hindi nawala sa
ayos, dahil sa pananabako at kanganganga ng hitso, na ang sepal na nabunbun
sa isang pisngi ay sumisira sa ayos ng kanyang pagmumukha, ay masasabing siya’y
isang magandang lalaki. Kahit malabis na ang kanyang pagkapalanganga’t
pagkamananabako, ay napag-iingatan din na palaging nagiging maputi ang
kanyang mga sariling ngipin at ang dalawang ipinahiram sa kanya ng dentist sa
halagang labindalawang piso ang bawat isa.
-- El Filibusterismo ni Patricio Mariano
|
§ Masining na Paglalarawan
·
Mapapandama – nakikita,
naririnig, naaamoy, nahihipo, nalalasa, ang mga pananalitang ginagamit dito,
bukod sa iba pang mahahalagang kasangkapang pampanlalarawan, gaya ng patambis
at tayutay
·
Ang mga detalyeng inihahayag
dito ay mga katotohanan din, kaya lamang nakukulayan na ito ng imahinasyon,
pananaw at opinyong pansariling tagapagsalaysay
·
LAYUNIN: makaantig ng kalooban
ng tagapakinig o mambabasa para mahikayat silang makiisa sa naguniguni o
sadyang naranasan nitong damdamin sa inilalarawan
·
Halimbawa:
Ang kapayapaan ng bukid
ay tila kamay ng isang inang humahaplos sa nag-iinit na noo ni Danding.
Humihinga siya nang malalim, umupo sa lupa, at ipinikit ang mga mata.
Dahan-dahang iniunat niya ang kanyang mga paa, itinutukod sa lupa ang mga
palad, tumingala at binayaang maglaro sa ligalig niyang mukha ang banayad na
hangin. Kay lamig at kay bango ng hanging iyon.
--
Lupang Tinubuan ni Narciso G. Reyes
|
·
Teknikal na Paglalarawan
·
LAYUNIN: mailarawan nang akma
ang anumang dapat at kailangang malaman tungkol sa mundo at kalawakan.
·
Kaysa nakatuon ang manunulat ng
teknikal na sulatin sa eksaktong representasyon ng mga bagay-bagay at
pangyayari, sa pagkakamit ng kaeksaktuhan o kaakmaan, kalimitan gumagamit ng
mga ilustrasyon ang manunulat ng teknikal na sulatin upang Makita ng mambabasa
ang larawan o hitsura ng inilalarawan
·
Dapat tandaan na hindi pa rin
sapat ang mga ilustrasyon ato iginuhit o larawan upang magbigay ng sapat na
representasyon.Tumutulong lamang ang mga ito sa pagpapakita ng larawan
·
ANG MAHALAGANG KASANGKAPAN NG MASINING NA PAGLALARAWAN:
o Pandama
§ Sa paglalarawan dapat gamiting mga pananalita ay yaong nararamdaman
ng limang pandama – naririnig, nakikita, naaamoy, nalalasa at nahihipo, sa
gayon ay higit na maunawaan at lalong kawilihan.
§ Makukulay at mahuhugis o maanyo ang dapat kasangkapaning mga salita
o Paghahambing
§ Malaki ang naitutulong ng paghahambing o pagtutulad o pagwawangis sa
paglilinaw ng mga bagay-bagay na inilalarawan
§ Higit ang impak ng nararamdaman ng kinauukulan kung sa konkretong
larawan naipahayag ang inilalarawan
§ May agwat, may bilang, may kulay, may anyo, may hugis, may amoy, may
lasang nadarama
o Angkop na Salita
§ Pinipili ang paggamit ng mga salita
§ Kailangan iyong tiyak na katangian ng bagay na inilalarawan o kung
hindi man, yaong mapagpahiwatig ng bagay
§ Dito nakasalalay ang kapangyarihan ng salitang umantig at kumintal
§ Ang pagpili ng gamit ng salita ay depende na rin sa naglalarawan
kung alin ang inaakala niyang higit na mauunawaan at madarama ng kinauukulan
o Pagtatambis
§ Ang mga sawikain o kawikaan ay ang mga popular na idyomang
bukambibig ng madla sa pagsasalita
§ Ito ay maaaring salita o mga pariralang hindi tuwirang tumutukoy,
sadyang lumilihis sa literal na kahulugan at sa tuntuning pambalarila, maaaring
pinagtambal na dalawang salitang may kani-kaniyang tanging sariling kahulugan
ngunit madaling napapalitan ng nalilikhang panibago o ikatlong kahulugan
§ Ang pagtatambis o pagsasawikain ay isang paraang pagpapaunlad ng
buhay sa salita
SAWIKAIN
|
KAHULUGAN
|
Pinagtaasan ng kilay
|
Hindi pagpansin o pinagsupladahan o minamaliit siya dahil sa hindi
matanggap
|
Isang kahig isang tuka
|
Mahirap
|
Masama ang tama
|
May gusto
|
Isang kilong pulbos ang mukha
|
Makapal mag-make-up
|
Bantay-kanto
|
Istambay
|
Parehong kaliwa ang paa
|
Hindi marunong sumayaw
|
Walang panahon
|
Hindi interesado
|
Hilahin ang tali
|
Tawagin
|
Magbuburo na lang
|
Hindi na mag-aasawa
|
Sirang plaka
|
paulit-ulit
|
Balitang barbero
|
Walang katotohanan
|
Balatsibuyas
|
Maramdamin, madaling magdamdam
|
Kulubot na ang balat
|
Matanda na
|
My pakpak ang balita
|
Mabilis kumalat ang balita
|
Kahiramang suklay
|
Kaibigan
|
Durugin ang puso
|
Pasakitan o pagpahirapin ang kalooban
|
Mabulaklak ang landas
|
Kabuhayang maginhawa o maganda
|
Nagbubuhat ng sariling bangko
|
Pinupuri ang sarili
|
Makati ang kamay
|
Magnanakaw
|
o
Pagtatayutay
§ Paggamit ng matalinghagang pagpapahayag, mula’t sapol, ay napapansin
lamang kapag nag-aaral ng tula at retorika
URI NG TAYUTAY
|
KAHULUGAN
|
MGA HALIMBAWA
|
Simile o Pagtutulad
|
Paghahambing ng dalawang magkaiba o di magkauring
bagay, tao, kaisipan, pangyayari, atbp. Sa hayagang pamamaraan. Ginagamitan
ng parang, wangis, anomo’y, gaya ng, tila, tulad ng, mistula, atbp.
|
1.
Balahibuhin
parang labong ang mga braso niya’t binti.
2.
Ang
kanyang pisngi ay tila makopya sa kapulahan.
3.
Siya
ay parang nauupos na kandila sa kahihiyan.
4.
Ang
buhay natin ay kawangis ng gulong.
5.
Ang
buhay ng tao’y parang gulong.
|
Mitafora o Pagwawangis
|
Paghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao,
kaisipan, pangyayari, atbp. Na ginagamitan ng mga salita o pariralang
pantulad sapagkat direkta nang ipinaaaangkin ang katangian ng tinutularan.
|
1.
Ang
musika ay hagdan ng kaluluwa paakyat sa langit.
2.
Tinik
sa lalamunan ko ang katahimikan mo.
3.
Ang
ina ay ilaw ng tahanan.
4.
Ang
pangulo ay haligi ng bayan.
5.
Siya ay leon kung magalit.
|
Personifikasyon o Pagbibigay-Katauhan
|
Ginagamit para bigyang-buhay, pagtaglayin ng
katangiang pantao – talino, gawi, kilos, ang mga bagay na likas na walang
buhay. Ito’y naisasakatuparan sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng
kilos tulad ng pandiwa, pandiwari at pangngalang diwa.
|
1.
Humihinga
pagsapit ng takipsilim ang gabi.
2.
Sa
paglalakad ng buwan magbabago nang lahat ang takbo ng panahon.
3.
Magmaktol
man ang pag-ibig kung hindi bibigyang pansin tiyak na magtitigil din.
4.
Kumakaway
ang mga dahon sa ihip ng hangin.
5.
Nakita
kong kumikindat ang bituin.
|
Apostrofe o Pagtawag
|
Isang anyo ng panawagan o pakiusap sa isang taong
hindi kaharap, nasa malayo o kaya’y patay na. gayundin sa mga kaisipan o mga
bagay na binibigyang-katauhan na parang kaharap na kinakausap.
|
1.
Hangin,
pumarito ka at pawiin ang matinding init.
2.
Tukso,
layuan mo ako.
3.
Buwan,
sumikat ka na at pawiin ang kadiliman sa kapaligiran.
4.
Pag-asa,
halika at tugunin ang mga tanong kong magbibigay buhay sa akin.
5.
Diyos
ko, tulungan mo ako.
|
Eksiherasyon o Pagmamalabis o Iperbole
|
Ito’y isang lagpas-lagpasang pagpapasidhing kalabisan
o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin, at iba pang
katangian, kalagayan o katayuan.
|
1.
Muntik
na akong matupok sa taas ng lagnat ko.
2.
Sa
sobrang problema namunting lahat ang buhok niya.
3.
Kumukulo
ang dugo ng biktima sa nangholdap sa kanya.
4.
Gabundok
ang kanyang huhugasang pinggan.
5.
Bumaha
ng luha sa kanyang kuwarto.
|
Paghihimig o Onomatopeya
|
Ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog
ay siyang kahulugan.
|
1.
Nakailang
kariring din ang kabilang kawad bago ito sagutin.
2.
Nagngingiyaw
ang pusa sa alulod sa ginaw.
3.
Dumagundong
ang malakas na kulog.
4.
Kumalabog
sa matigas na lupa ang bumagsak na trak.
5.
Ang
sagitsit sa kawali ng mantikang ipinamprito sa bangos ay lalong nagpasidhi sa
aking pagkagutom.
|
Pag-uyam o Ironya
|
Sa tila namumuring pananalita pinaloob o
pinahihiwatig ang paglibak, pagtudyo o pagkutya. Nararamdaman ang tunay na
kahulugan nito sa diin ng pagsasalita at ekspresyon ng mukha ng nagsasabi.
|
1.
Bilib
ako sa tibay ng panlasa mo. Ang hindi ko masikmura nalunok mo.
2.
Tunay
na magagalang ang ibang kabataan, umaalis ng bahay nang hindi nagpapaalam sa
mga magulang.
3.
Kay
sipag mong mag-aral, palagi kang bagsak sa mga pagsusulit.
4.
Talagang
mapagkakatiwalaan si Dennis, siya lamang ang pumasok sa kwarto ni Robert ay
nawala na ang relo nito.
5.
Kahanga-hanga
ang kahusayan mong sumayaw, panay ang tapak mo sa paa ng iyong kapareha.
|
Pagpapalit-Saklaw o Senekdoke
|
Pagbanggit ng bahagi bilang kabuuan o ng kabuuan
bilang katapat ng bahagi.
|
1.
Ayoko
ng makita ang mukha mo sa pamamahay na ito.
2.
Lahat
tayo’y dapat magbanat ng buto.
3.
Maraming
bibig na umaasa sa kanya.
4.
Sampung
bibig ang umaasa kay Anthony
5.
Isang
katipunero ang nagbunot ng tabak upang ipagtanggol ang aping bayan.
|
Pagpapalit-Tawag o Metonomiya
|
Sa paraang ito ang pangalan ng isang bagay na
tinutukoy ay hinahalinhan o pinapalitan ng ibang katawagan, pero ang
pinapalit ay may kaugnayan sa pinalitan.
|
1.
Nagiging
pulahan na ang iba nating kababayan.
2.
Sila
ang kawawang yagit sa lansangan.
3.
Isinilang
siya sa Perlas ng Silanganan.
4.
Ang
pananampalataya ay ating kaligtasan.
5.
Natanggap
ni Ben ang hampas ng langit sa mabibigat niyang kasalanan.
|
Paglilipat-wika o Transferred Epithets
|
Pagbibigay-katauhan na pinasasabagy ang mga
katangiang pantao na ginagamit ang mga pang-uri, mga pang-uring tanging sa
tao lamang ginagamit.
|
1.
Kay
hinhin ng tubig sa batis.
2.
Mahihiyaing
mata subukin mong mangusap sa akin.
3.
Ang
kahabag-habag na pamaypay ay nahulog sa malalim na ilog.
4.
Ang
ulilang silid ay nalinis nang dumating si Jenny.
5.
Nagtago
sa ulap ang mahiyaing buwan.
|
Pagtanggi o Paralepsis o Litotes
|
Hindi ang pangunahing hudyat nitong salita na sa akda
ay isang pagsalungat, pagpipigil o di-pagsang-ayon, ngunit ito’y pakunwari
lamang, isang kabaliktaran, sapagkat ang paghindi ay sadyang nagpapahiwatig
ng pahintulot.
|
1.
Hindi
sa pinangungunahan kita, pero malaki ka na, sana naman ay tigilan mo na ang
pagbabarkada.
2.
Hindi
naman sa minamaliit ko ang kakayahan mo, kaya lamang ay bihira na ang
nagtatagumpay na hindi nakapag-aral.
3.
Si
Ruel ay hindi salawahan, tatlo lamang ang kanyang kasintahan.
4.
Ang
binatang iyon ay hindi duwag, lagi lamang siyang tumatakbo kapag sinisita ng
katalo.
5.
Hindi
ka nga makulit, ilang beses mo nang sinasabing isama ka.
|
Pagsalungat
(Oxymoron)
|
Pinagsasama
o pinag-uugnay rito ang dalawang bagay na magkasalungat nang mangibabaw lalo
ang katangiang ipinahahayag
|
1.
Ikaw ang simula
at wakas ng buhay ko.
2.
Mabilis
tumaas-bumaba ang kanyang lagnat.
3.
Pumasok sila sa
patay-sindi.
4.
Si Sim ang puno
at dulo ng kanyang buhay.
5.
Urong-sulong
siya sa kanyang pagmamahal.
|
Tanong
Retorikal
|
Isang
uri ng pagpapahayag na hindi naman talaga kailangan ng sagot kundi ang
layunin ay maikintal sa isipan ng nakikinig ang mensahe.
|
1.
Magagawa kaya
ng isang ina na magmaramot sa isang anak na nagugutom, may sakit at
nagmamakaawa?
|
Pagsasanay:
Ilarawan ang alinman sa mga sumusunod
na paksa. Gawan ng paghahambing sa karaniwan at masining na paglalarawan.
PAKSA
|
KARANIWAN NA
PAGLALARAWAN
|
MASINING NA PAGLALARAWAN
|
Ang Ating Kapaligiran
|
|
|
Ang Inspirasyon ko sa Buhay
|
|
|
Ang Kinagiguliwan Kong Guro
|
|
|
Ang Matalik Kong Kaibigan
|
|
|
Ang Lipunang Pilipino
|
|
|
Ang Aking Paaralan
|
|
|
Ang Aking mga Magulang
|
|
|
ReplyDeleteplease publish
Salamat po sa information it really helps me a lot
ReplyDeleteano ang ibig sabihin ng magagawa mong maging kongkreto ang isang bagay sa paglalatawan
ReplyDeleteI miss u
Delete