Paggamit
ng Malaking Titik
- Sa unang titik ng unang salita sa
pangungusap, siniping pahayag at taludtod ng tula.
- Sa mga dinaglat na pangalan ng tao, ng mga
ahensiya, ng pamahalaan, pamantasan, kapisanan.
- Sa mga pamagat ng aklat, magasin, pahayagan.
- Sa unang mga titik ng pangalan ng bansa,
lungsod, lalawigan, bayan, baryo, daan, at iba pang pook.
- Sa lahat ng mahalagang salita, pamagat ng
kuwento, nobela, awit, at iba pa.
- Sa lahat ng mga tawag ng Diyos gaya ng
Bathala, Panginoon, Maykapal, Poon, Lumikha at iba pa.
- Sa mga direksyong palatandaan ng
pagkakahating politikal o pangheograpiya gaya ng Hilaga, Timog, Silangan,
Kanluran, Timog-Silangan, Asya-Luzon, at iba pa.
- Sa titulo ng tao, kapag kasama pangalan gaya
ng Pangulo, Kinatawan, Gobernador, Doktor, Inhenyero.
- Sa mga asignaturang pampaaralan; Filipino,
Ingles, Matematika, Biyolohiya, Kasaysayan at iba pa.
- Sa mga buwan at araw; Enero, Pebrero, Marso,
Linggo, Martes, at iba pa.
Thanks for this
ReplyDeleteThanks for this
ReplyDelete