Paglalarawan
o  
Isang uri o paraan ng
pagpapahayag ng mga kaisipan o pala-palagay tungkol sa isang tao, sa isang
hayop, sa isang bagay, sa isang lugar o sa isang pangyayari sa pamamagitan ng
makukulay, mahuhugis o maanyo at iba pang mapapandamang – naaamoy, nalalasa,
naririnig – pananalita
o  
LAYUNIN: makapagpamalas sa isip ng
tagapakinig o mambabasa ng isang malinaw at buong larawan na ang
katangi-tanging kaibahan nito sa mga kauri ay mapalutang, ay lubos na
maisakatuparan
o  
KAHALAGAHAN: nagagawa nitong maipakita
sa mambabasa/tagapakinig ang daigdig sa pamamagitan ng paningin at pandama.
Maaaring ipinta ang mga tanawin at mga bagay-bagay na singkinang ng mga kulay
ng bahaghari, ang maharlikang pagtatanghal ng isang dulang musikal, o kahit ang
pinakadukhang pagkakatumpok-tumpok ng mga barung-barong na tirahan ng mga
iskuwater. Magagawang maging konkreto ang mga bagay na abstrak at ang masaklaw
ay maging tiyak.
o  
URI:
§  Karaniwang Paglalarawan
·        
Ang damdamin at opinyon ng
tagapaglarawan ay hindi dapat isinasama
·        
Nagbibigay lamang ng mga tiyak
na impormasyon o kabatiran tungkol sa isang bagay ayon sa pisikal o kongkretong
katangian nito
·        
Gumagamit lamang ito ng mga
tiyak at karaniwang salitang panlarawan at itinatala ang mga bagay o ang mga
partikular na detalye sa payak na paraan
·        
Halimbawa:
| 
   
     Si Kapitan Tiyago.
  Siya’y pandak, maputi-puti, bilog ang katawan at pagmumukha dahil sa katabaan
  na alinsunod sa mga humahanga sa kanya ay galling sa langit, galling sa dugo
  ng mga maralita; alinsunod naman sa kanyang mga kalabanan, si Kapitan Tiyago
  ay mukhang bata kaysa mga kalaban,si Kapitan Tiyago ay mukhang bata kaysa
  sadya niyang gulang: aakalain ng may makakita na mayroon lamang siyang
  tatlumpu o tatlumpu’t limang taon. Ang kanyang pagmumukha ay palaging anyong
  banal. Ang kanyang bungong bilog, maliit at nababalutan ng buhok na kasing
  itim ng kamagong, na mahaba sa dakong harap, at maikli-ikli sa dakong
  likuran, ay may lamang maraming bagay sa loob, ayon sa sabi-sabi; ang kanyang
  maliliit na mata na hindi naman singkit ay hindi nagbabago, ang kanyang ilong
  ay maliit ngunit hindi busalsal, at kung ang kanyang bibig ay hindi nawala sa
  ayos, dahil sa pananabako at kanganganga ng hitso, na ang sepal na nabunbun
  sa isang pisngi ay sumisira sa ayos ng kanyang pagmumukha, ay masasabing siya’y
  isang magandang lalaki. Kahit malabis na ang kanyang pagkapalanganga’t
  pagkamananabako, ay napag-iingatan din na palaging nagiging maputi ang
  kanyang mga sariling ngipin at ang dalawang ipinahiram sa kanya ng dentist sa
  halagang labindalawang piso ang bawat isa. 
                                                          
  -- El Filibusterismo ni Patricio Mariano 
 | 
 
§  Masining na Paglalarawan
·        
Mapapandama – nakikita,
naririnig, naaamoy, nahihipo, nalalasa, ang mga pananalitang ginagamit dito,
bukod sa iba pang mahahalagang kasangkapang pampanlalarawan, gaya ng patambis
at tayutay
·        
Ang mga detalyeng inihahayag
dito ay mga katotohanan din, kaya lamang nakukulayan na ito ng imahinasyon,
pananaw at opinyong pansariling tagapagsalaysay
·        
LAYUNIN: makaantig ng kalooban
ng tagapakinig o mambabasa para mahikayat silang makiisa sa naguniguni o
sadyang naranasan nitong damdamin sa inilalarawan 
·        
Halimbawa:
| 
   
    Ang kapayapaan ng bukid
  ay tila kamay ng isang inang humahaplos sa nag-iinit na noo ni Danding.
  Humihinga siya nang malalim, umupo sa lupa, at ipinikit ang mga mata.
  Dahan-dahang iniunat niya ang kanyang mga paa, itinutukod sa lupa ang mga
  palad, tumingala at binayaang maglaro sa ligalig niyang mukha ang banayad na
  hangin. Kay lamig at kay bango ng hanging iyon. 
                                                         --
  Lupang Tinubuan ni Narciso G. Reyes 
 | 
 
·     
Teknikal na Paglalarawan
·        
LAYUNIN: mailarawan nang akma
ang anumang dapat at kailangang malaman tungkol sa mundo at kalawakan.
·        
Kaysa nakatuon ang manunulat ng
teknikal na sulatin sa eksaktong representasyon ng mga bagay-bagay at
pangyayari, sa pagkakamit ng kaeksaktuhan o kaakmaan, kalimitan gumagamit ng
mga ilustrasyon ang manunulat ng teknikal na sulatin upang Makita ng mambabasa
ang larawan o hitsura ng inilalarawan
·        
Dapat tandaan na hindi pa rin
sapat ang mga ilustrasyon ato iginuhit o larawan upang magbigay ng sapat na
representasyon.Tumutulong lamang ang mga ito sa pagpapakita ng larawan
·           
ANG MAHALAGANG KASANGKAPAN NG MASINING NA PAGLALARAWAN:
o  Pandama
§  Sa paglalarawan dapat gamiting mga pananalita ay yaong nararamdaman
ng limang pandama – naririnig, nakikita, naaamoy, nalalasa at nahihipo, sa
gayon ay higit na maunawaan at lalong kawilihan.
§  Makukulay at mahuhugis o maanyo ang dapat kasangkapaning mga salita
o  Paghahambing
§  Malaki ang naitutulong ng paghahambing o pagtutulad o pagwawangis sa
paglilinaw ng mga bagay-bagay na inilalarawan
§  Higit ang impak ng nararamdaman ng kinauukulan kung sa konkretong
larawan naipahayag ang inilalarawan
§  May agwat, may bilang, may kulay, may anyo, may hugis, may amoy, may
lasang nadarama
o  Angkop na Salita
§  Pinipili ang paggamit ng mga salita
§  Kailangan iyong tiyak na katangian ng bagay na inilalarawan o kung
hindi man, yaong mapagpahiwatig ng bagay
§  Dito nakasalalay ang kapangyarihan ng salitang umantig at kumintal
§  Ang pagpili ng gamit ng salita ay depende na rin sa naglalarawan
kung alin ang inaakala niyang higit na mauunawaan at madarama ng kinauukulan
o  Pagtatambis
§  Ang mga sawikain o kawikaan ay ang mga popular na idyomang
bukambibig ng madla sa pagsasalita
§  Ito ay maaaring salita o mga pariralang hindi tuwirang tumutukoy,
sadyang lumilihis sa literal na kahulugan at sa tuntuning pambalarila, maaaring
pinagtambal na dalawang salitang may kani-kaniyang tanging sariling kahulugan
ngunit madaling napapalitan ng nalilikhang panibago o ikatlong kahulugan
§  Ang pagtatambis o pagsasawikain ay isang paraang pagpapaunlad ng
buhay sa salita
| 
   
SAWIKAIN 
 | 
  
   
KAHULUGAN 
 | 
 
| 
   
Pinagtaasan ng kilay 
 | 
  
   
Hindi pagpansin o pinagsupladahan o minamaliit siya dahil sa hindi
  matanggap 
 | 
 
| 
   
Isang kahig isang tuka 
 | 
  
   
Mahirap 
 | 
 
| 
   
Masama ang tama 
 | 
  
   
May gusto 
 | 
 
| 
   
Isang kilong pulbos ang mukha 
 | 
  
   
Makapal mag-make-up 
 | 
 
| 
   
Bantay-kanto 
 | 
  
   
Istambay 
 | 
 
| 
   
Parehong kaliwa ang paa 
 | 
  
   
Hindi marunong sumayaw 
 | 
 
| 
   
Walang panahon 
 | 
  
   
Hindi interesado 
 | 
 
| 
   
Hilahin ang tali 
 | 
  
   
Tawagin 
 | 
 
| 
   
Magbuburo na lang 
 | 
  
   
Hindi na mag-aasawa 
 | 
 
| 
   
Sirang plaka 
 | 
  
   
paulit-ulit 
 | 
 
| 
   
Balitang barbero 
 | 
  
   
Walang katotohanan 
 | 
 
| 
   
Balatsibuyas 
 | 
  
   
Maramdamin, madaling magdamdam 
 | 
 
| 
   
Kulubot na ang balat 
 | 
  
   
Matanda na 
 | 
 
| 
   
My pakpak ang balita 
 | 
  
   
Mabilis kumalat ang balita 
 | 
 
| 
   
Kahiramang suklay 
 | 
  
   
Kaibigan 
 | 
 
| 
   
Durugin ang puso 
 | 
  
   
Pasakitan o pagpahirapin ang kalooban 
 | 
 
| 
   
Mabulaklak ang landas 
 | 
  
   
Kabuhayang maginhawa o maganda 
 | 
 
| 
   
Nagbubuhat ng sariling bangko 
 | 
  
   
Pinupuri ang sarili 
 | 
 
| 
   
Makati ang kamay 
 | 
  
   
Magnanakaw 
 | 
 
o  
Pagtatayutay
§  Paggamit ng matalinghagang pagpapahayag, mula’t sapol, ay napapansin
lamang kapag nag-aaral ng tula at retorika
| 
   
URI NG TAYUTAY 
 | 
  
   
KAHULUGAN 
 | 
  
   
MGA HALIMBAWA 
 | 
 
| 
   
Simile o Pagtutulad 
 | 
  
   
Paghahambing ng dalawang magkaiba o di magkauring
  bagay, tao, kaisipan, pangyayari, atbp. Sa hayagang pamamaraan. Ginagamitan
  ng parang, wangis, anomo’y, gaya ng, tila, tulad ng, mistula, atbp. 
 | 
  
   
1.    
  Balahibuhin
  parang labong ang mga braso niya’t binti. 
2.    
  Ang
  kanyang pisngi ay tila makopya sa kapulahan. 
3.    
  Siya
  ay parang nauupos na kandila sa kahihiyan. 
4.    
  Ang
  buhay natin ay kawangis ng gulong. 
5.    
  Ang
  buhay ng tao’y parang gulong. 
 | 
 
| 
   
Mitafora o Pagwawangis 
 | 
  
   
Paghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao,
  kaisipan, pangyayari, atbp. Na ginagamitan ng mga salita o pariralang
  pantulad sapagkat direkta nang ipinaaaangkin ang katangian ng tinutularan. 
 | 
  
   
1.   
  Ang
  musika ay hagdan ng kaluluwa paakyat sa langit. 
2.   
  Tinik
  sa lalamunan ko ang katahimikan mo. 
3.   
  Ang
  ina ay ilaw ng tahanan. 
4.   
  Ang
  pangulo ay haligi ng bayan. 
5.   
   Siya ay leon kung magalit. 
 | 
 
| 
   
Personifikasyon o Pagbibigay-Katauhan 
 | 
  
   
Ginagamit para bigyang-buhay, pagtaglayin ng
  katangiang pantao – talino, gawi, kilos, ang mga bagay na likas na walang
  buhay. Ito’y naisasakatuparan sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng
  kilos tulad ng pandiwa, pandiwari at pangngalang diwa. 
 | 
  
   
1.   
  Humihinga
  pagsapit ng takipsilim ang gabi. 
2.   
  Sa
  paglalakad ng buwan magbabago nang lahat ang takbo ng panahon. 
3.   
  Magmaktol
  man ang pag-ibig kung hindi bibigyang pansin tiyak na magtitigil din. 
4.   
  Kumakaway
  ang mga dahon sa ihip ng hangin. 
5.   
  Nakita
  kong kumikindat ang bituin. 
 | 
 
| 
   
Apostrofe o Pagtawag 
 | 
  
   
Isang anyo ng panawagan o pakiusap sa isang taong
  hindi kaharap, nasa malayo o kaya’y patay na. gayundin sa mga kaisipan o mga
  bagay na binibigyang-katauhan na parang kaharap na kinakausap. 
 | 
  
   
1.   
  Hangin,
  pumarito ka at pawiin ang matinding init. 
2.   
  Tukso,
  layuan mo ako. 
3.   
  Buwan,
  sumikat ka na at pawiin ang kadiliman sa kapaligiran. 
4.   
  Pag-asa,
  halika at tugunin ang mga tanong kong magbibigay buhay sa akin. 
5.   
  Diyos
  ko, tulungan mo ako. 
 | 
 
| 
   
Eksiherasyon o Pagmamalabis o Iperbole 
 | 
  
   
Ito’y isang lagpas-lagpasang pagpapasidhing kalabisan
  o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin, at iba pang
  katangian, kalagayan o katayuan. 
 | 
  
   
1.   
  Muntik
  na akong matupok sa taas ng lagnat ko. 
2.   
  Sa
  sobrang problema namunting lahat ang buhok niya. 
3.   
  Kumukulo
  ang dugo ng biktima sa nangholdap sa kanya. 
4.   
  Gabundok
  ang kanyang huhugasang pinggan. 
5.   
  Bumaha
  ng luha sa kanyang kuwarto. 
 | 
 
| 
   
Paghihimig o Onomatopeya 
 | 
  
   
Ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog
  ay siyang kahulugan. 
 | 
  
   
1.   
  Nakailang
  kariring din ang kabilang kawad bago ito sagutin. 
2.   
  Nagngingiyaw
  ang pusa sa alulod sa ginaw. 
3.   
  Dumagundong
  ang malakas na kulog. 
4.   
  Kumalabog
  sa matigas na lupa ang bumagsak na trak. 
5.   
  Ang
  sagitsit sa kawali ng mantikang ipinamprito sa bangos ay lalong nagpasidhi sa
  aking pagkagutom. 
 | 
 
| 
   
Pag-uyam o Ironya 
 | 
  
   
Sa tila namumuring pananalita pinaloob o
  pinahihiwatig ang paglibak, pagtudyo o pagkutya. Nararamdaman ang tunay na
  kahulugan nito sa diin ng pagsasalita at ekspresyon ng mukha ng nagsasabi. 
 | 
  
   
1.   
  Bilib
  ako sa tibay ng panlasa mo. Ang hindi ko masikmura nalunok mo. 
2.   
  Tunay
  na magagalang ang ibang kabataan, umaalis ng bahay nang hindi nagpapaalam sa
  mga magulang. 
3.   
  Kay
  sipag mong mag-aral, palagi kang bagsak sa mga pagsusulit. 
4.   
  Talagang
  mapagkakatiwalaan si Dennis, siya lamang ang pumasok sa kwarto ni Robert ay
  nawala na ang relo nito. 
5.   
  Kahanga-hanga
  ang kahusayan mong sumayaw, panay ang tapak mo sa paa ng iyong kapareha. 
 | 
 
| 
   
Pagpapalit-Saklaw o Senekdoke 
 | 
  
   
Pagbanggit ng bahagi bilang kabuuan o ng kabuuan
  bilang katapat ng bahagi. 
 | 
  
   
1.   
  Ayoko
  ng makita ang mukha mo sa pamamahay na ito. 
2.   
  Lahat
  tayo’y dapat magbanat ng buto. 
3.   
  Maraming
  bibig na umaasa sa kanya. 
4.   
  Sampung
  bibig ang umaasa kay Anthony 
5.   
  Isang
  katipunero ang nagbunot ng tabak upang ipagtanggol ang aping bayan. 
 | 
 
| 
   
Pagpapalit-Tawag o Metonomiya 
 | 
  
   
Sa paraang ito ang pangalan ng isang bagay na
  tinutukoy ay hinahalinhan o pinapalitan ng ibang katawagan, pero ang
  pinapalit ay may kaugnayan sa pinalitan. 
 | 
  
   
1.   
  Nagiging
  pulahan na ang iba nating kababayan. 
2.   
  Sila
  ang kawawang yagit sa lansangan. 
3.   
  Isinilang
  siya sa Perlas ng Silanganan. 
4.   
  Ang
  pananampalataya ay ating kaligtasan. 
5.   
  Natanggap
  ni Ben ang hampas ng langit sa mabibigat niyang kasalanan. 
 | 
 
| 
   
Paglilipat-wika o Transferred Epithets 
 | 
  
   
Pagbibigay-katauhan na pinasasabagy ang mga
  katangiang pantao na ginagamit ang mga pang-uri, mga pang-uring tanging sa
  tao lamang ginagamit. 
 | 
  
   
1.   
  Kay
  hinhin ng tubig sa batis. 
2.   
  Mahihiyaing
  mata subukin mong mangusap sa akin. 
3.   
  Ang
  kahabag-habag na pamaypay ay nahulog sa malalim na ilog. 
4.   
  Ang
  ulilang silid ay nalinis nang dumating si Jenny. 
5.   
  Nagtago
  sa ulap ang mahiyaing buwan. 
 | 
 
| 
   
Pagtanggi o Paralepsis o Litotes 
 | 
  
   
Hindi ang pangunahing hudyat nitong salita na sa akda
  ay isang pagsalungat, pagpipigil o di-pagsang-ayon, ngunit ito’y pakunwari
  lamang, isang kabaliktaran, sapagkat ang paghindi ay sadyang nagpapahiwatig
  ng pahintulot. 
 | 
  
   
1.   
  Hindi
  sa pinangungunahan kita, pero malaki ka na, sana naman ay tigilan mo na ang
  pagbabarkada. 
2.   
  Hindi
  naman sa minamaliit ko ang kakayahan mo, kaya lamang ay bihira na ang
  nagtatagumpay na hindi nakapag-aral. 
3.   
  Si
  Ruel ay hindi salawahan, tatlo lamang ang kanyang kasintahan. 
4.   
  Ang
  binatang iyon ay hindi duwag, lagi lamang siyang tumatakbo kapag sinisita ng
  katalo. 
5.   
  Hindi
  ka nga makulit, ilang beses mo nang sinasabing isama ka. 
 | 
 
| 
   
Pagsalungat
  (Oxymoron) 
 | 
  
   
Pinagsasama
  o pinag-uugnay rito ang dalawang bagay na magkasalungat nang mangibabaw lalo
  ang katangiang ipinahahayag 
 | 
  
   
1.   
  Ikaw ang simula
  at wakas ng buhay ko. 
2.   
  Mabilis
  tumaas-bumaba ang kanyang lagnat. 
3.   
  Pumasok sila sa
  patay-sindi. 
4.   
  Si Sim ang puno
  at dulo ng kanyang buhay. 
5.   
  Urong-sulong
  siya sa kanyang pagmamahal. 
 | 
 
| 
   
Tanong
  Retorikal 
 | 
  
   
Isang
  uri ng pagpapahayag na hindi naman talaga kailangan ng sagot kundi ang
  layunin ay maikintal sa isipan ng nakikinig ang mensahe. 
 | 
  
   
1.    
  Magagawa kaya
  ng isang ina na magmaramot sa isang anak na nagugutom, may sakit at
  nagmamakaawa? 
 | 
 
Pagsasanay:
          Ilarawan ang alinman sa mga sumusunod
na paksa. Gawan ng paghahambing sa karaniwan at masining na paglalarawan.
| 
   
PAKSA 
 | 
  
   
KARANIWAN NA
  PAGLALARAWAN 
 | 
  
   
MASINING NA PAGLALARAWAN 
 | 
 
| 
   
Ang Ating Kapaligiran 
 | 
  
   | 
  
   | 
 
| 
   
Ang Inspirasyon ko sa Buhay 
 | 
  
   | 
  
   | 
 
| 
   
Ang Kinagiguliwan Kong Guro 
 | 
  
   | 
  
   | 
 
| 
   
Ang Matalik Kong Kaibigan 
 | 
  
   | 
  
   | 
 
| 
   
Ang Lipunang Pilipino 
 | 
  
   | 
  
   | 
 
| 
   
Ang Aking Paaralan 
 | 
  
   | 
  
   | 
 
| 
   
Ang Aking mga Magulang 
 | 
  
   | 
  
   | 
 
ReplyDeleteplease publish
Salamat po sa information it really helps me a lot
ReplyDeleteano ang ibig sabihin ng magagawa mong maging kongkreto ang isang bagay sa paglalatawan
ReplyDeleteI miss u
Delete