Klaster.  Ang klaster o kambal-katinig ay ang magkakabit na dalawang magkaibang katinig sa isang pantig. 
 tseke           - /tse-ke/ 
        tsampyon - /tsam-pyon/
 kontrata        - /kon-tra-ta/ 
        kongklusyon - /koŋ-klu-syon/
 mantsa    - /man-tsa/ 
        sombrero - /som-bre-ro/
 tsart     - /tsart/    
     sandwits - /sand-wits/
 nars         - /nars/  
        beysment - /beys-ment/
 Ang mga salita sa itaas ay pawang mga salitang hiram. Sa wikang Tagalog na naging batayan ng wikang Filipino, walang kambal-katinig sa iisang pantig. Bilang pagpapatunay, tunghayan ang mga sumusunod na halimbawa:
 siksik - /sik-sik/  
        sikhay - /sik-hay/
 lambat - /lam-bat/  
        tuldok - /tul-dok/
 tingkad - /tiŋ-kad/  
        paslang - /pas-laŋ/
 hukbo - /huk-bo/
  dukha - /duk-ha/
 Sa Alpabetong Filipino, ang katinig na ng ay tinatawag na digrapo o kambal-titik. Tandaan na ito ay isang katinig at hindi dalawang katinig. Sa paghahanap ng kambal-katinig sa loob ng isang salita, pantigin muna ito. Tandaan na ang kambal-katinig ay dapat na nasa loob ng isang pantig.
salamat,.....
ReplyDeletemalaki ang naitulong ng iyong
sagot sa akin
salamat talaga...
:)
!!!!
walang anuman po
ReplyDeleteHow about sa Chart ng Klaster ? Pano po yun ?
ReplyDelete