Wednesday, August 3, 2011

Notasyong Ponemiko

Notasyong Ponemiko. Notasyong ponemiko ang simbolo sa pagsulat na kakikitaan ng paraan ng pagbigkas. Muling inuulit rito na walang salitang nagsisimula o nagtatapos sa a, e, i, o, u, kaya kung hindi sa katinig nagsisimula ang salita nagsisimula ito sa /?/ at kung hindi naman nagtatapos sa katinig nagtatapos ito sa /?/ o /h/ batay sa paraan ng pagbigkas. Nangangahulugan ng paghahaba ng patinig ang /:/. Halimbawa:

buhay (life) - /bu:hay/
buhay(alive) - /buhay/
aso (dog) - /?a:soh/
aso (smoke) - /?asoh/
tubo (pipe) - /tu:boh/
tubo (sugarcane)- /tuboh/
baga (ember) - /ba:gah/
baga (lungs) - /ba:ga?/
gabi (yam) - /ga:bih/
gabi (night) - /gabih/
paso (pot) - /pa:soh/
paso (overdue) - /pasoh/
pako (nail) - /pa:ko?/
pako (fern) - /pako?/

Sa loob ng salitang magkasunod ang patinig ay nagkakaroon ng /?/ sa pagitan ng mga ito. Halimbawa:
Kaibigan (friend) /ka?ibi:gan/
kaibigab(sweetheart) /ka?ibigan/
Kalayaan (freedom) /kalaya?an/
Pagtitiis (suffering) /pagtiti?is/

4 comments:

  1. Maraming salamat po ngayon naintindihan ko na po kung ano ang ibig sabihin ng notasyong ponemiko....malaking tulong po ito sa aking ulat....

    ReplyDelete
  2. Maraming Salamat po ito po ay nakatutulong sa akin,at ngayun na intindihan Kona Kong ano Ang notasyong ponemiko

    ReplyDelete