Uri ng Bigkas. Mahalaga ang pag-aaral sa pagbigkas sa Filipino. Kung minsan, ang kahulugan ng mga salita ay napag-iiba-iba sa pagbabago ng bigkas nito. Katulad ng salitang bata sa ibaba ay may iba’t ibang kahulugan batay sa pahayag.
Isinuot niya ang kanyang bata pagkapaligo.
Nagtitinda ng dyaryo ang bata.
Naka tuluyan na niyang hindi mabata ang mga pangyayari.
May apat na prinsipal na uri ng bigkas o diin sa Filipino.
1. Malumay. Binibigkas ito nang dahan-dahan at may diin sa pagbigkas sa ikalawang pantig buhat sa hulihan. Ito ay hindi ginagamitan ng anumang tuldik o palatandaan. Maaaring magtapos ang salitang malumay sa patinig o katinig.
buhay
malumay
kubo
baka
kulay
babae
dahon
apat
2. Malumi. Ang bigkas na malumi ay tulad sa bigkas ng mga salitang malumay. Ito’y binibigkas nang dahan-dahan at may diin sa ikalawang pantig buhat sa hulihan. Ang ipinagkaiba lamang ng dalawang pagbigkas na ito ay ang impit na tunog sa dulo ng mga salitang malumi. Palaging nagtatapos sa tunog patinig ang malumi. Ginagamit natin ang tuldik na paiwa (\) sa pagpapakilala ng mga salitang binibigkas nang malumi.
baro
lahi
pagsapi
bata
luha
mayumi
tama
lupa
panlapi
3. Mabilis. Ang mga salitang mabilis ay binibigkas nang tuluy-tuloy na ang diin ay nasa huling pantig. Wala itong impit na tunog. Maaaring magtapos ang mga salitang binibigkas nang mabilis sa katinig o patinig. Ginagamitan ito ng tuldik na pahilis (/) na inilalagay sa ibabaw ng huling patinig ng salita.
dilaw
pito
kahon
bulaklak
huli
sapin
buwan
rebolusyon
4. Maragsa. Ang mga salitang maragsa ay binibigkas nang tuluy-tuloy na tulad ng mga salitang binibigkas nang mabilis, subalit ito’y may impit o pasarang tunog sa hulihan. Tulad ng malumi, ito ay palagiang nagtatapos sa tunog na patinig. Ginagamit dito ang tuldik na pakupya (/\) na inilalagay sa ibabaw ng huling patinig ng salita.
daga
wasto
pasa
tumula
hindi
kumolo
humula
ginawa
Thank you po sa information. Nakatulong sa takdang aralin ko 'to!
ReplyDeletesalamat po
ReplyDeletethanks for the answer!!!!! :)
ReplyDeletewalang anuman po...
ReplyDeletewala bang tranksripsiyon ng ponemiko para mas maiintindihan ang pagbigkas
ReplyDelete..sana may mailahad pa.. ..
ReplyDeletekahit papano nakakatulong naman ... maraming salamat po!
Muy bien
ReplyDeleteDapat may 50 malumay at mabilis na magkatonog halimbawa sili dumi malumay yung sili mabilis yung dumi
DeleteOk po
Deletesalamat sa info.
ReplyDeleteThanks for the info :)
ReplyDeleteAng salitang sariwa ba ay malumi o maragsa? Salamat!
ReplyDeletehbfwubwbrgb3vbuit3h3bf4bdg4itgb4g5bg5b54tg
ReplyDeleteWOW.. REALLY USEFUL
ReplyDeletePAGTATAMA PO.
ReplyDeletewasto - mabilis, walang impit kasi
Humula - malumi, may impit
PAGTATAMA PO.
ReplyDeletewasto - mabilis, walang impit kasi
Humula - malumi, may impit
Salita - maragsa
ReplyDeletethanks! ;)
ReplyDeletePaano bibigkasin ang mapagpatuloy (hospitable)?
ReplyDeletegegege
ReplyDeleteHi po yung alapaap, anghel, talahib, tunggali, halo, tuwa, sampu, kita, salita, sawi, tabo, dakila, agiw, motor, ano pong uri sila ng bigkas?? Thanks po
ReplyDelete