Tuesday, August 23, 2011

Simpleng Hindi Biro (Tula)

Simpleng Hindi Biro
Michael Angelo Cobo


Di ko maintindihan ang bulong ng damdamin
Kung bakit umiiba ang ihip ng hangin,
Tuwing naiisip kita na ikaw ay akin,
Lalo na pag ika'y aking nasulyapan
Para kang Birheng sumisilaw sa aking paningin at isipan.

Hindi ko pa napapatunayan na ikaw na nga
Ang binubulong ng isip at kaluluwa,
Ngunit kinukumperma na ng aking katawan at damdamin,
Na ikaw ang paraiso na aking tatahakin.

Kailan ko kaya mabubuo ang aking buhay
Kung ika'y di maabot ng aking mga kamay,
Kailan ko kaya susubukang lakbayin ang simpleng daan,
Para ipadama sa yo ang tunay na nararamdaman.

O sinta, sa araw na kaya ko na
Naway maintindihan mo at madama,
Na ito'y di biro, ni hindi ito laro,
Kung oo lang o hindi, ay walang kabuluhan,
Basta't wag mo lang akong kamuhian at ituring kalaban.

Ako ay simpleng tao, na handang magbuwis kung kinakailangan
Masayang magpapaalam para sa iyong kaligtasan,
Pansariling kaligayahan at kagustuhan
Lalung-lalo na kung para sayong katahimikan
Hanggang sa kadulo-duluhan ng kalawakan.

1 comment:

  1. kung ganito lang kadali na idaan sa tula ang isang dala ng damdamin mababantad ako na magsulat at gumawa ng tul.

    ReplyDelete