PONOLOHIYA
Ang bawat wika sa daigdig ay binubuo ng mga tunog na binibigkas. Ang wikang Filipino ay may sariling kakanyahan na nakabuhol sa natatanging kultura nito. Kayat magiging madali at malinaw ang pagkatuto ng Filipino kung lubos nating nauunawaan kung paano nalilikha ang mga tunog na bumubuo rito. Ang lubos na kaalaman sa aspektong ito ay makatutulong nang malaki sa pag-aaral ng wikang Filipino. Bilang panimula, atin munang, pag-aralan ang mga bahagi ng ating katawan na ginagamit sa pagsasalita. Sa ibaba ay makikita ang isang saggital diagram na higit na kilala sa taguring OSCAR.
Ang mga Prinsipal na Sangkap ng Pananalita
Ang larawan sa itaas ay nagpapakita ng mga bahaging ginagamit sa pagsasalita, mula sa hanging nagmumula sa baga hanggang sa ito’y makalabas sa babagtingang tinig sa paglabas sa labi o dili kaya’y sa ilong.
Ang Pagsasalita
Ayon sa mga linggwista, upang makapagsalita ang isang tao, siya’y nangangailangan ng tatlong salik. Ito ay ang mga sumusunod:
1. ang pinanggagalingan ng lakas o enerhiya
2. artikulador o ang pumapalag na bagay
3. resonador o ang patunugan
Dahil sa interaksyon ng tatlong salik na nabanggit, nakalilikha ang tao ng alon ng mga tunog. Ang hangin ang siyang nagiging midyum ng mga alon ng tunog na dumarating sa ating mga tainga.
Ang enerhiya ay ang presyong nalilikha ng papalabas na hiningang nagbubuhat sa baga na siyang nagpapalag sa mga babagtingang tinig at gumaganap bilang artikulador. Lumikha ito ng tunog na minomodipika naman ng bibig na siyang nagiging resonador. Ang bibig, gayundin ang ilong, ang nagsisilbing mga resonador.
Kung ating susuriing muli ang sagittal diagram o si OSCAR, mamamalas natin na ito ay may apat na bahaging kailangan sa pagbigkas ng mga tunog. Ito ay ang sumusunod:
1. dila at panga (sa ibaba)
2. ngipin at labi (sa unahan)
3. matigas na ngalangala (sa itaas)
4. malambot na ngalangala (sa likod)
Malaya nating naigagalaw ang ating panga at dila kayat dahil dito, nagagawa nating pagbagu-baguhin ang hugis at laki ng espasyo sa loob ng bibig. Maraming posisyon ang nagagawa ng ating dila. Maaari itong mapahaba, mapaikli, mapalapad, maipalag, maitukod sa ngipin o sa ngalangala, mailiyad o mapaarko nang ayon sa tunog na nais likhain. Nalilikha ang mga ponemang patinig sa pamamagitan ng pagbaba o pagtaas ng anumang bahagi ng dila (harap, sentral, likod) at gayundin dahil sa pagbabago ng hugis ng espasyo ng bibig at ng mga labi na nilalabasan ng tinig. Ang pagkakaiba-iba ng mga nabubuong tunog ay dahil na rin sa mga pagbabagong nabanggit sa itaas. Sa pagkakataong ito, laging tandaan na higit na madaling matutuhan ang palabigkasang Filipino kung ihahambing sa mga wikang kanluranin tulad ng Ingles at Kastila dahil kakaunti lamang ang mga tunog na bumubuo ng wikang Filipino di tulad ng dalawang wikang nabanggit na binubuo ng maraming ponema.
Katuturan ng Ponema
Ponema ang tawag sa isang makabuluhang tunog ng isang wika. Ito ay hango sa wikang Ingles na phoneme na nahahati sa dalawang salitang phone (tunog) at –eme (makabuluhan) May tiyak na dami ng mga ponema o makabuluhang mga tunog ang bawat wika. Binubuo ang wikang Filipino ng dalawampu’t limang (25) ponema – dalawampu (20) na ponemang katinig at limang (5) ponemang patinig.
Mga Katinig - /p, t, k, ?, b, d, g, m, n, ŋ, s, h , f, v, z, l, r, j, w, y/
Mga Patinig - /a, e, i, o, u/
Sinasabing makabuluhan ang isang tunog kapag nag-iba ang kahulugan ng salitang kinasasamahan nito sa sandaling ito’y alisin o palitan. Ang salitang bansa, halimbawa, ay mag-iiba ng kahulugan kapag inalis o pinalitan ang /s/ ng /t/ na nagiging banta o threat. Samakatwid, ang /s/ ay isang makabuluhang tunog sa Filipino.
Sapagkat konsitent ang palabaybayang Filipino na ang ibig sabihin ay may isa-sa-isang pagtutumbasan ang ponema at ang letra o titik na kumakatawan dito, lahat ng simbolong ginagamit upang magreprisinta ng ponema ay siya na ring ginagamit na mga letra sa palabaybayan, matangi /?/ at /ŋ/. Sa ating palabaybayan, ang /?/ ay hindi binigyan ng katumbas na letra. Sa halip, ito’y isinama sa palatuldikan at tinutumbasan ng tuldik na paiwa (\). Naging makabuluhan pa rin ang tunog na ito kung ito’y papalitan ng ponema. Tulad ng salitang /pa:soh/ ‘walk’ na magiging /pa:so?/ ‘ burn’.
Ang /ŋ/ naman ay tinutumbasan ng digrapo o dalawang letrang “ng”.
Maitatanong marahil kung bakit ang mga titik na c, ñ, q, at x. Ang mga titik na ito ay walang tiyak na ponemikong istatus o walang iisang tunog na tinutumbasan. Kaya ang mga titik na ito ay tinaguriang redandant. Katulad ng ipinakita sa ibaba:
c = tinutumbasan ng s kung tunog /s/ tulad ng central = sentral
tinutumbasan ng k kung tunog /k/ tulad ng card = kard
ñ = tinutumbasan ng dalawang ponemang /n/ at /y/ tulad ng baño = banyo
q = tinutumbasan ng k kung tunog /k/ tulad ng quota = kota
tinutumbasan ng dalawang ponemang /k/ at /w/ kung may tunog nito
tulad ng quarter = kwarter
x = tinutumbasan ng s kung tunog /s/ tulad ng xerox = seroks
tinutumbasan ng dalawang tunog na /k/ at /s/ kung may tunog nito
tulad ng taxonomy = taksonomi
Anumang uri ng tunog na mapag-aaralan kung ito’y isusulat upang makita kung papaano ito binibigkas ay dapat naikulong sa dalawang pahilis na linya / /.
Uri ng Ponema
Binubuo ang wikang Filipino ng dalawang uri ng tunog: ang mga ponemang segmental at suprasegmental. Kabilang sa mga segmental ang mga katinig, patinig, diptonggo, kambal-katinig o klaster at pares minimal. Kasama naman sa mga suprasegmental ang diin, intonasyon at hinto.
Mga Ponemang Segmental
Ito ang mga tunog na ginagamitan ng mga katumbas na letra o titik upang mabasa at mabigkas.
Mga Ponemang Katinig. Ang mga katinig ng Filipino ay maisaayos ayon sa punto at paraan ng artikulasyon at kung ang mga ito ay binibigkas nang may tinig (m.t.) o walang tinig (w.t.), gaya ng makikita sa tsart sa ibaba:
PARAAN NG ARTIKULASYON PUNTO NG ARTIKULASYON
Panlabi Pangngipin Panlabi-
Pangngipin Panggilagid Palatal Velar Panlalamunan Glottal
Pasara w.t.
m.t. p
b t
d k
g ?
Pailong w.t.
m.t.
m
n
Ŋ
Pasutsot w.t.
m.t. f
v s
z h
Pagilid m.t. l
Pakatal m.t. r
Afrikatibo m.t. j
Malapatinig w.t. y w
Pansinin na ipinakikita ng punto ng artikulasyon kung saang bahagi ng bibig nangyayari ang pagbigkas ng isang katinig. Sa pamamagitan ng walong punto ng artikulasyon ay mailalarawan natin ang ponemang katinig ng Filipino.
1. Panlabi – dumidiit ang ibabang labi sa labing itaas /p,b,m/.
2. Pangngipin – dumidiit sa loob ng mga ngiping itaas ang dulo ng dila /t,d,n/.
3. Panlabi-Pangngipin – dumidiit ang ibabang labi sa mga itaas na ngipin /f,v/.
4. Panggilagid – ang ibabaw ng dulong dila ay lumalapit o dumidiit sa punong gilagid /s,z,l,r/.
5. Palatal – lumalapit o dumidiit sa matigas na bahagi ng ngalangala ang ibabaw ng punong dila /y/.
6. Velar – dumidiit sa velum o malambot na bahagi ng ngalangala ang ibabaw ng punong dila /k,g,ŋ,w/.
7. Panlalamunan – ang likurang bahagi ng dila ay dumidiit sa lalamunan /j/.
8. Glottal – lumalapit o dumidiit ang mga babagtingang pantinig at hinaharang ang presyon ng papalabas na hiningang galing sa baga at pagkatapos ay pakakawalan upang bumuo ng paimpit o pasutsot na tunog /?,h/.
Ang paraan ng artikulasyon naman ay inilalarawan kung papaanong gumagana ang ginagamit na mga sangkap sa pagsasalita at kung paanong ang hininga ay lumalabas sa bibig o sa ilong sa pagbigkas ng alinman sa mga ponemang katinig. Ang paraan ng artikulasyon sa Filipino ay mapapangkat sa pito, gaya ng mga sumusunod:
1. Pasara o Istap – harang na harang ang daan ng hangin /p,t,k,?,b,d,g/
2. Pailong o Nasal – sa ilong lumalabas ang hangin na naharang dahil sa pagbaba ng velum at hindi sa bibig /m,n,ŋ/
3. Pasutsot – ang hanging tumatakas ay nagdaraan sa makipot na pagitan ng dila ng ngalangala okaya’y ng mga babagtingang pantinig /f,v,s,z,h/.
4. Pagilid o Lateral – ang dulong dila ay nakadikit sa punong gilagid kung kayat ang hangin ay lumalabas sa gilid ng dila /l/.
5. Pakatal o Thrill – ang hangin ay ilang ulit na hinaharang at pinababayaang lumabas sa pamamagitan ng mabilis na paggalaw ng dulo ng nakaarkong dila /r/.
6. Afrikatibo – nang una ay pinipigilan ng babagtingang patinig ang hangin sa paglabas ngunit pagkamaya-maya pa’y buong pinakawalan rin ito /j/.
7. Malapatinig o Glayd – katulad ngunit kaiba sa mga katinig, dito’y nagkakaroon ng galaw mula sa isang posisyon ng dila patungo sa ibang posisyon /w,y/.
Ponemang Patinig. Binubuo ang wikang Filipino ng limang ponemang patinig. Ang mga ito ay maaari ring maiayos batay sa kung anong bahagi ng dila ang gumagana sa paglikha ng tunog (harap, sentral, likod) at kung ano ang posisyon ng nabanggit na bahagi sa pagbigkas (mataas, gitna o mababa) tulad ng makikita sa ibaba:
Harap Sentral Likod
Mataas i u
Gitna e o
Mababa a
wla po bang diagram ng saggital o Oscar??
ReplyDeletewow galing naman .. kompletong kompleto :) tnx for the help
ReplyDeletewelcome...sana nakatulong ako.
ReplyDelete'di ba 21 lang ang ating ponema.. hindi kasali 'yong mga nadagdag na letra sa ating alpabeto?
Deletenasan po yung sagittal diagram or ung OSCAR ? :D
ReplyDeleteur welcome...sana nakatulong sa inyo. pasensya na sa ulo ni oscar di ko napugot ang naipaste dito.
ReplyDeleteThank you talaga dito! whew ang terror panaman ng prof namin. =.= salamat talaga!
ReplyDeleteThanks a lot . :-)
ReplyDeletethank you. it really helped :D
ReplyDeletemabuti nalang may ganitong site. salamat sa inyong lahat. pagbutihan nyo. :) god bless!~
ReplyDeletewaLa po bang ponetic at oscar chart ?
ReplyDeleteT
ReplyDeleteT
ReplyDeleteT
ReplyDeleteMabuhay mga STEM11-E HAHAHAHAHAAHHA ROLDAN THIS <3
ReplyDeleteSalamat. Nakatulong po talaga sa assignment ko haha.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteano po ba ang sources nyo po? gusto ko lang din icite.
ReplyDeleteThis is such an amazing blog. Thank you so much for this, it really helped me a lot. MABUHAY ka/kayo, kung sino ka man o kayo😂
ReplyDeleteBut I have a question...
Bakit OSCAR ang tawag ng mga nag aaral ng wika sa Sagittal Diagram?😂 (Homework po😂)
Thankyou so much
ReplyDeleteSaan pa maaaring mang galing ang isang tunog?
ReplyDeleteSaan pa maaaring mang galing ang isang tunog?
ReplyDeleteAno po ang maaring iinject na panitikan sa ponolohiya?
ReplyDelete