Wednesday, August 3, 2011

Pares Minimal

Pares Minimal. Ang pares na salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad na magkatulad sa bigkas maliban sa isang ponema sa magkatulad na pusisyon ay tinatawag na pares minimal. Ito ay ginagamit upang ipakita ang pagkokontrast ng dalawang ponema sa magkatulad na kaligiran.
Pansinin na ang mga ponemang /p/ at /b/ ay nasa magkatulad na kaligiran – pala:bala. Nasa magkatulad na kaligiran ang /p/ at /b/ sapagkat magkatulad ang kanilang kinalalagyan – kapwa nasa pusisyong inisyal: na kung aalisin ang /p/ at /b/ sa mga salitang /pala at bala/, ang matitira ay dalawang anyong magkatulad – ala at ala. Sa ganitong kalagayan ay masasabi natin na ang pagkakaiba sa kahulugan ng pala at bala ay dahil sa mga ponemang /p/ at /b/ at hindi dahil sa alin mang tunog sa dalawang salita. Kung gayon ang /p/ at /b/ ay masasabing magkaibang ponema sa Filipino sapagkat kapag inilagay sa magkatulad na kaligiran na tulad nga ng pala at bala, nagiging magkaiba ang kahulugan ng dalawang salita.
Matunghayan sa ibaba ang ilang halimbawa ng pares-minimal upang ipakita ang dalawang magkahiwalay na ponema.

tela - tila belo - bilo
butas - botas mesa - misa
diles - riles ewan - iwan

Tingnan naman natin ang halimbawang /pala:alab/. Nasa magkatulad na kaligiran ba ang /p/ at /b/? Wala, sapagkat ang /p/ ay nasa pusisyong inisyal ng salita samantalang ang /b/ naman ay nasa pusisyong pinal. Samakatwid, hindi magagamit ang /pala:alab/ na halimbawa upang ipakita na ang /p/ at /b/ ay magkaibang ponema.
Sa halimbawa namang /doon:roon/ ay nasa magkatulad na kaligiran ang /d/ at /r/. Ngunit hindi natin masasabing magkaibang ponema ang mga ito sapagkat hindi nakapagbabago ang mga ito sa kahulugan ng salita. Magkatulad ang kahulugan ng /doon:roon/.

27 comments:

  1. thank you a lot for your correct answer....
    i got it because of this site....

    ReplyDelete
  2. Nice haha nahanap ko na din ung sagot 😀😀

    ReplyDelete
  3. Thanks a lot ! Because of this site I can perform my report well 😍❤️❤️💕

    ReplyDelete

  4. Halimbawa ng tig-tatatlong pangungusap na may pares minimal?

    ReplyDelete
  5. dapat may pangungusap para malaman kung paano gamitin ang mga halimbawa sa pangungusa

    ReplyDelete
  6. Ang mangako ba at mang-ako ba ay pares minimal?

    ReplyDelete
  7. Bakit po hindi pares minimal ang PARE at PARI po?

    ReplyDelete
  8. Maraming salamat po, dahil sa pag bigay mo ng impormasyon lalo ko nang na intindihan ang pares minimal

    ReplyDelete
  9. Sana active ka pa. Tatanong ko lang sana kung considered ba na pares minimal ang lapis at ipis? Pagkaintindi ko kasi sa rules hindi, pero baka mali ako.

    ReplyDelete
  10. Pano po kapag ang salita ay MANG- AKO: MANGAKO ano po masasabe din po ba yang pares minimal

    ReplyDelete