Wednesday, August 3, 2011

Ang Pantig at Pagpapantig

Ang Pantig at Palapantigan

Bago pa man talakayin ang diptonggo at klaster ay mas maganda kung magkaroon muna ng kabatiran ang mga iskolar tungkol sa palapantigan dahil ito ang paraan upang makilala at maunawaan ang dalawa (2) pang uri ng ponemang segmental.
Ang pantig ay ang isa o bawat saltik ng dila o walang antalang bugso ng tinig sa pagbigkas ng salita. Halimbawa:

a-ko sam-bit i-i-wan
mang-ya-ya-ri it-log ma-a-a-ri

Kayarian ng Pantig. Ang pagtukoy sa pantig, gayundin sa kayarian nito, ay sa pamamagitan ng paggamit ng simbolong K para sa katinig at P para sa patinig. Narito ang ilang halimbawa ng mga pantig.

P - u-po a-so i-sa a-a-sa
KP - ma-li ba-ro ku-mot ba-ba-lik
PK - is-da ak-lat a-liw-iw am-paw
KPK - han-da bi-gas ka-hon pak-pak
KPKK - ri-serts kard nars a-part-ment
KKP - pri-to pro-se-so dru-ga kla-se
PKK - eks-perto eks-tra ins-truk-tor ins-tru-men-to
KKPK - plan-tsa trum-po trak tran-sak-syon
KKPKK - mag-drayb tsart klerk trans-por-ta-syon KKPKKK - shorts


Pagpapantig. Ang pagpapantig ay paraan ng pagbaha-bahagi ng salita sa mga pantig.

1. Kapag may magkasunod na dalawa o higit pang patinig sa pusisyong inisyal, midyal at final na salita ito ay hiwalay na mga patinig.
Aalis - a-a-lis
Maaga - ma-a-ga
Totoo - to-to-o

2. Kapag may dalawang magkaibang katinig na magkasunod sa loob ng isang salita, maging katutubo o hiram man, ang una ay kasama sa patinig na sinusundan, at ang pangalawa ay sa patinig na kasunod.
Buksan - buk-san
Pinto - pin-to
Tuktok - tuk-tok
Kapre - kap-re

3. Kapag may tatlo o higit pang magkakaibang katinig na magkakasunod sa loob ng isang salita, ang unang dalawa ay kasama sa patinig na sinusundan at ang huli ay sa patinig na kasunod.
Eksperimento eks-pe-ri-men-to

4. Kapag ang una sa tatlong magkakasunod na katinig ay m o n at ang kasunod na dalawa ay alinman sa bl, br, dr, pl, tr, ts, ang unang katinig (m o n) ay sa sinusundang patinig ay kasama at ang huling dalawa ay sa kasunod na patinig.
asambleya - a-sam-ble-ya
alambre - a-lam-bre
balandra - ba-lan-dra
simple - sim-ple
sentro - sen-tro
kontra - kon-tra
plantsa - plan-tsa

5. Kapag may apat na magkakasunod na katinig sa loob ng isang salita, ang unang dalawang katinig ay kasama sa patinig na sinusundan at ang huling dalawa ay sa patinig na kasunod.
Ekstradisyon - eks-tra-di-syon
Eksklusibo - eks-klu-si-bo
Transkripsyon - trans-krip-syon


Pag-uulit ng Pantig. Ang mga sumusunod ang tuntunin sa pag-uulit ng pantig.

1. Kung ang unang tunog ng salitang-ugat o batayang salita ay patinig, ang patinig lamang ang inuulit
alis - a-a-lis
iwan - i-i-wan
ambon - a-am-bon
ekstra - e-eks-tra
mag-alis - mag-a-a-lis
mag-akyat - mag-a-ak-yat
umambon - u-ma-am-bon

2. Kung ang unang pantig ng salitang-ugat ay nagsisimula sa KP (katinig-patinig), ang katinig at ang kasunod na patinig lamang ang inuulit.
basa - ba-ba-sa - mag-ba-ba-sa
la-kad - la-la-kad - ni-la-la-kad
takbo - ta-tak-bo - nag-ta-tak-bo
lundag - lu-lun-dag - mag-lu-lun-dag
nars - nag-nars - nag-na-nars

3. Kung ang unang pantig ng salitang-ugat ay may KK (klaster na katinig) na kayarian, dalawang paraan ang maaaring gamitin. Batay ito sa kinagawian ng nagsasalita o varyant ng paggamit ng wika sa komunidad.

a. Inuulit lamang ang unang katinig at patinig
plantsa - pa-plan-tsa-hin mag-pa-plan-tsa
prito - pi-pri-tu-hin mag-pi-pri-to
kwento - ku-kwen-tu-han mag-ku-kwen-to

b. Inuulit ang klaster na katinig kasama ang patinig
plan-tsa - pla-plan-tsa-hin mag-pla-plan-tsa
prito - pri-pri-tu-hin mag-pri-pri-to
kwento - kwe-kwen-tu-han mag-kwe-kwen-to

95 comments:

  1. maaari po bang mag lahay pa kayo ng madami pang halimbawa ng pantig at pagpapantig...????

    ReplyDelete
  2. PAANO pinapantig ang kutsara, libro at kotse?

    ReplyDelete
  3. kutsara (cuchara sa Spanyol) = ku-tsa-ra
    libro = lib-ro
    kotse = kot-se

    ReplyDelete
    Replies
    1. Anu ang kayarian ng pantig ng kutsara ... Reply asap

      Delete
  4. jnono
    ano ang anyo ng pagpapantig ng huling pantig sa salitang hangin?

    ReplyDelete
  5. naku maraming salamat po...

    malaki po ang naitulong nito sa akin.

    salamat...:)


    ReplyDelete
  6. wla na bang ibang examples nang pantinig ???

    ReplyDelete
  7. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  8. paano po pinapantig ang salitang palasyo?


    ReplyDelete
    Replies
    1. ayon na rin sa tuntunin, kapag magkasunod ang dalawang katinig, dapat ito ay magkakahiwalay sa pagpapantig. kaya PA-LAS-YO ang pagpapantig.

      Delete
  9. mayroon po bang tuntunin na nagpapaliwanag kung ano ang tama sa mga sumusunod na halimbawa?

    nakababasa o nakakabasa
    nakalilinis o nakakalinis
    nakaloloko o nakakaloko

    ano po ba ang tama batay sa balarilang Filipino?

    maraming salamat po!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ayon na rin sa tuntunin ng pagpapantig, ang inuulit lamang natin ay ang bahagi ng salitang ugat at hindi ang panlapi. tulad ng salitang NAKABABASA na may salitang ugat na BASA, kaya sa pag-uulit ang bahagi ng salitang ugat ang inulit tulad ng NAKABABASA. Gaya naman ng salitang NAKALILINIS, ang salitang ugat ay LINIS, kaya sa pag-uulit ay NAKALILINIS at hindi NAKAKALINIS.

      Delete
    2. This comment has been removed by the author.

      Delete
    3. Paano dagdagan ng pantig ang mga salitang-ugat?

      Tunog
      Luto
      Sakit
      Aral
      Ulan

      Delete
    4. Paano dagdagan ng panting ang mga salitang-ugat?

      Tunog
      Luto
      Sakit
      Araw
      Ulan

      Delete
  10. Ano po ba ang kayarian ng mga pantig ng mga salitang
    Iinom
    Plantsa
    Disgrasya
    Alambre

    Reply po plsss! Asap

    ReplyDelete
    Replies
    1. li-nis - (kp-kpk)
      plan-tsa - (kkpk-kkp)
      dis-gras-ya - (kpk-kkpk-kp)
      a-lam-bre - (p-kpk-kkp)

      Delete
  11. bigyan nyo nmn acu ng example . tnx

    ReplyDelete
  12. Bigyan nio po aq sampung klse ng salitang my bilang n walo pantig.

    ReplyDelete
  13. Bigyan u po q ng sampu klse ng pantig n may bilang n walo pantig.

    ReplyDelete
  14. Bigyan u po q ng sampung klc ng pantig n my bilng n walo pantig.

    ReplyDelete
  15. Anung slita n ngzzmula n may pantig na (NE)?

    ReplyDelete
  16. Anung slita n ngzzmula n may pantig na (NE)?

    ReplyDelete
  17. Anung slita n ngzzmula n may pantig na (NE)?

    ReplyDelete
  18. Anung slita n ngzzmula n may pantig na (NE)?

    ReplyDelete
  19. Paano po ang pagpapantig ng salitang "BANG" , "ANG" , "TINGI'Y" ?

    ReplyDelete
  20. Paano pagpantigin ang salitang may panlapi? Halimbawa: magbibilangan?

    Mag-bi-bi-la-ngan o
    Mag-bi-bi-lang-an???

    ReplyDelete
  21. ilang pantig po ba talaga ang salitang MGA? salamat po

    ReplyDelete
  22. ilang pantig po ba talaga ang salitang MGA? salamat po

    ReplyDelete
  23. paano po ang tamang pantig ng salitang 'programa'?

    ReplyDelete
  24. tanong lang po.kasali ba ang titik na "ng"(enji) ng alpabetong pilipino sa klaster o kambal katinig?kung ano man po ang sagot ninyo paki explain po kung bakit.salamat po! ang mga sagot nyo po ay malaking tulong po para maliwanagan ang nalilito kong isip.

    ReplyDelete
  25. tanong lang po.kasali ba ang titik na "ng"(enji) ng alpabetong pilipino sa klaster o kambal katinig?kung ano man po ang sagot ninyo paki explain po kung bakit.salamat po! ang mga sagot nyo po ay malaking tulong po para maliwanagan ang nalilito kong isip.

    ReplyDelete
  26. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  27. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  28. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  29. Paano po ba pantigin ang mga salitang siya, kaniya, at Diyos? Salamat po nang marami. 😊

    ReplyDelete
    Replies
    1. ilan po ang pantig ng salitang Diyos? maraming salamat po!

      Delete
  30. Ano po ag anyo ng pantig ng "musa" at "abay"? Maraming Salamat po! :)

    ReplyDelete
  31. Paano ang tanang pantig ng halaman? Ha-lam-an o ha-la-man? Thanks po

    ReplyDelete
  32. ano po halimbawa ng mga salitang maraming pantig?salamat po

    ReplyDelete
  33. Wow gj sa nagpost nito!! For the record,im willing to pay for this kind of explicit article!! Kudos☺☺

    ReplyDelete
  34. Pwd po b kaung magbigay ng halimbawa ng salitang may pantig s hulihan na -bu, -tu, at -a? Salamat po..

    ReplyDelete
  35. Ilang pantig po ba ang iyan

    ReplyDelete
  36. Ilang pantig po ba ang maalikabok

    ReplyDelete
  37. maari po ba magbigay kayo ng mga salita na isa lang ang pantig???

    ReplyDelete
  38. anong anyo ng pantig ang tagaytay? thank u po

    ReplyDelete
  39. anyo ng pantig ng tagaytay, damit,bulaklak,makrema. thank u po

    ReplyDelete
  40. Paano po pantigin ang pangarap? Pa-nga-rap po ba or pan-ga-rap

    ReplyDelete
  41. Kayarian ng pantig ng
    1.kut-sa-ra n may saluguhit ang kut
    2.Pa-a ang may slungguhit ay a
    3.bas,-ket ket.ang my salunguhit

    ReplyDelete
  42. Paano pantigin ang
    kuwadro
    Kwaderno
    Elektrisyan
    Obserbasyon

    ReplyDelete
  43. Hi po paano po yung patinig ng
    Bulaklak
    Hipon
    Madre
    Hangin
    Preso.

    ReplyDelete
  44. maaari po bang makahingi ng halimbawa ng KKPP. kagaya na lang ng salitang TSAA.

    ReplyDelete
  45. ilang pantig po ang salitang "niya" ?

    ReplyDelete
  46. Ilan ang pantig ng salitang "KANIYA"

    ReplyDelete
  47. Ilan po ba ang pantig sa "niyo" ida o dalawa salamat po

    ReplyDelete
  48. Anong anyo ng Langgam?

    KPK KPK po ba or
    KPKK KPK?

    ReplyDelete
  49. Anong anyo ng Langgam?

    KPK KPK po ba or
    KPKK KPK?

    ReplyDelete
  50. Papano Po pantigin ang tagapagpahayag?

    ReplyDelete
  51. paano pantigin ang salitang programa

    ReplyDelete
  52. Paano ang tamang pagpapantig ng "talento"

    ReplyDelete
  53. Pano po ang papatnig at bilang Ng patnig Sa :
    Eskuwela
    Kalahati
    Pinaghahanda
    Manok
    Niyog

    ReplyDelete
  54. Bakit kailangan pag pantigin Ang bawat salita?

    ReplyDelete
  55. paano po magpantig ng salitang trak?

    ReplyDelete