Wednesday, August 3, 2011

Klaster

Klaster. Ang klaster o kambal-katinig ay ang magkakabit na dalawang magkaibang katinig sa isang pantig.

tseke - /tse-ke/
tsampyon - /tsam-pyon/
kontrata - /kon-tra-ta/
kongklusyon - /koŋ-klu-syon/
mantsa - /man-tsa/
sombrero - /som-bre-ro/
tsart - /tsart/
sandwits - /sand-wits/
nars - /nars/
beysment - /beys-ment/

Ang mga salita sa itaas ay pawang mga salitang hiram. Sa wikang Tagalog na naging batayan ng wikang Filipino, walang kambal-katinig sa iisang pantig. Bilang pagpapatunay, tunghayan ang mga sumusunod na halimbawa:

siksik - /sik-sik/
sikhay - /sik-hay/
lambat - /lam-bat/
tuldok - /tul-dok/
tingkad - /tiŋ-kad/
paslang - /pas-laŋ/
hukbo - /huk-bo/
dukha - /duk-ha/

Sa Alpabetong Filipino, ang katinig na ng ay tinatawag na digrapo o kambal-titik. Tandaan na ito ay isang katinig at hindi dalawang katinig. Sa paghahanap ng kambal-katinig sa loob ng isang salita, pantigin muna ito. Tandaan na ang kambal-katinig ay dapat na nasa loob ng isang pantig.

3 comments:

  1. salamat,.....

    malaki ang naitulong ng iyong
    sagot sa akin


    salamat talaga...

    :)



    !!!!


    ReplyDelete
  2. How about sa Chart ng Klaster ? Pano po yun ?

    ReplyDelete