Sa Likod ng Pangarap
Mary Jane Gotostos
Isang pangarap na inaasam-asam
Ay bunga ng hapdi ng isang paglisan
Paglisang nangyari sa kuko ng gabi
Paglisang dulot ay iisang pagkasawi.
Hindi niya nalaman, hindi ko sinabi
Sa sinapupunan ko'y may lumalaki
Bunga ng pag-ibig na ngayo'y tapos na
Dulot nitong aming sandaling ligaya.
Sinapupunan sa pagbukas ng pinto
Sumakit, humapdi, dugo ay tumulo
Hindi nya nakita ang sang munting luha
Isang paglalahad ng mundo kong giba.
Kaya sa gitna ng litong karagatan
Lahat ng sakit ay aking papalitan
Ng sang pangarap at mumunting hiling
Ng anak na hindi na magiging akin.
Ang blog na ito nagbibigay ng mga kaalaman tungkol sa sabjek ng Sining ng Komunikasyon at ng Malikhaing Pagsulat. Makakatulong ito sa mga estudyante at guro ng/sa Filipino. Ang mga kaalamang ito ay hango sa mga aklat o artikulong nababasa ng may-ari ng blog na ito.
Wednesday, August 24, 2011
Hangin (Tula)
Hangin
Honnalea Caro
Batid ko ang kalayaan na iyong nararamdaman
Ang simoy mo na balot ang aking buong katauhan,
Testigo ka sa mundo na aking kinatatayuan,
Sa bawat patak ng luha'y ikaw ang nasisilayan.
Malaya kang di tulad ko na ang pagkatao'y tago
Pati ang pintig ng puso ay pilit kong hinihinto,
Ikaw ay pwedeng maglaho at sa mundo ay magtago,
Ngunit pag ako'y nadapa kailangan ko na tumayo.
Ang kagandahan mo'y hindi maipinta ng isipan
Naiinggit ako sa'yo, bulalas ng kalooban,
Nabuhay tayo sa mundo dahil sa isang dahilan,
Ako'y ito, ika'y ganyan at 'yan ang katotohanan.

Tuesday, August 23, 2011
Simpleng Hindi Biro (Tula)
Simpleng Hindi Biro
Michael Angelo Cobo
Di ko maintindihan ang bulong ng damdamin
Kung bakit umiiba ang ihip ng hangin,
Tuwing naiisip kita na ikaw ay akin,
Lalo na pag ika'y aking nasulyapan
Para kang Birheng sumisilaw sa aking paningin at isipan.
Hindi ko pa napapatunayan na ikaw na nga
Ang binubulong ng isip at kaluluwa,
Ngunit kinukumperma na ng aking katawan at damdamin,
Na ikaw ang paraiso na aking tatahakin.
Kailan ko kaya mabubuo ang aking buhay
Kung ika'y di maabot ng aking mga kamay,
Kailan ko kaya susubukang lakbayin ang simpleng daan,
Para ipadama sa yo ang tunay na nararamdaman.
O sinta, sa araw na kaya ko na
Naway maintindihan mo at madama,
Na ito'y di biro, ni hindi ito laro,
Kung oo lang o hindi, ay walang kabuluhan,
Basta't wag mo lang akong kamuhian at ituring kalaban.
Ako ay simpleng tao, na handang magbuwis kung kinakailangan
Masayang magpapaalam para sa iyong kaligtasan,
Pansariling kaligayahan at kagustuhan
Lalung-lalo na kung para sayong katahimikan
Hanggang sa kadulo-duluhan ng kalawakan.

Puri
Puri
Mary Divine Grace Silos
Puri
mahalaga, kayamanan
iniingatan, inaasam, bihira
maitim o maputi
puri
Mary Divine Grace Silos
Puri
mahalaga, kayamanan
iniingatan, inaasam, bihira
maitim o maputi
puri
Makinig (Tanaga)
Makinig
Diace Dalagan
Hala mangalumbaba
Utak gawing sariwa
Nawa'y toon ang diwa
Sa gurong kumukuba.
Diace Dalagan
Hala mangalumbaba
Utak gawing sariwa
Nawa'y toon ang diwa
Sa gurong kumukuba.
Hinagpis ng Paslit (Tanaga)
Hinagpis ng Paslit
Jestle O. Joven
Nagtatrabahong paslit
Buhay ay sobrang pait
Kahit sweldo'y maliit
Nagtitiis sa init.
Jestle O. Joven
Nagtatrabahong paslit
Buhay ay sobrang pait
Kahit sweldo'y maliit
Nagtitiis sa init.
Ikaw
Ikaw
Rusweet Anne L. Cajeta
Mata mo na maningning
Inaasam paggising
Sana naman mapansin
Lihim ko na pagtingin.
Rusweet Anne L. Cajeta
Mata mo na maningning
Inaasam paggising
Sana naman mapansin
Lihim ko na pagtingin.
Shabu
Shabu
Marjorie de los Angeles
Shabu
malinamnam, nakakabaliw
inaasam, nanloloko, pumapatay
sagot nga ba sa problema?
adik
Marjorie de los Angeles
Shabu
malinamnam, nakakabaliw
inaasam, nanloloko, pumapatay
sagot nga ba sa problema?
adik
Boyprend
Boyprend
Dennica D. Dormitorio
Boyprend
gwapo, mabait
hinahanap, pinakakawalan, sinasambit
nasan ka na?
pag-ibig
Dennica D. Dormitorio
Boyprend
gwapo, mabait
hinahanap, pinakakawalan, sinasambit
nasan ka na?
pag-ibig
Pag-Ibig
Pag-ibig
Rusweet Anne L. Cajeta
Pag-ibig
masarap, taksil
nakakapagpangiti, iniiyakan, inaawayan
bulag nga ba?
pag-ibig
Rusweet Anne L. Cajeta
Pag-ibig
masarap, taksil
nakakapagpangiti, iniiyakan, inaawayan
bulag nga ba?
pag-ibig
Kabit
Kabit
Dianne Kim. P. Bienes
Kabit
masarap, makasalanan
iniiwan, binabalikan, dinuduraan
bestfriend ni misis
kerida
Dianne Kim. P. Bienes
Kabit
masarap, makasalanan
iniiwan, binabalikan, dinuduraan
bestfriend ni misis
kerida
Pulitiko
Pulitiko
Ma. Theresa F. Bag-ao
Pulitiko
Makapangyarihan, kurakot
nang-aapi, nanlalait, nangungutya
ninanakawan ang taong bayan
gobyerno
Ma. Theresa F. Bag-ao
Pulitiko
Makapangyarihan, kurakot
nang-aapi, nanlalait, nangungutya
ninanakawan ang taong bayan
gobyerno
Puso
Puso
Emmard Jun L. Rosal
Puso
Tanga, gaga
umiibig, ginagamit, pinaglalaruan
paano ang sinisinta?
pag-ibig
Emmard Jun L. Rosal
Puso
Tanga, gaga
umiibig, ginagamit, pinaglalaruan
paano ang sinisinta?
pag-ibig
Math!
Math
Diace Dalagan Jr.
Math
kinakailangan, mahirap
pinag-aaralan, pinagpapawisan, binabagsakan
berdugo ng eskwelahan
numero

Ina
Ina
Anacel Justine S. Maybituin
Ina
Masipag, Istrikta
Hinahangaan, pinapasakitan, minamahal
Mahal ba ni tatay?
Nanay
Anacel Justine S. Maybituin
Ina
Masipag, Istrikta
Hinahangaan, pinapasakitan, minamahal
Mahal ba ni tatay?
Nanay
Tuesday, August 16, 2011
Bulong ng Hanging Umiiyak (Tula)
Bulong ng Hanging Umiiyak
ni Stephanie R. Cudal
Nariyan lamang ngunit hindi mo nakikita
Katulad ng damdaming nasa 'king mga mata,
Nagpaparamdam nga siya pero hindi mo pansin
Kawangis ng hindi mo pagbigay tingin sa 'kin.
Umihip ng may lakas para iyong mabatid
Pero kung ituring mo ay wala sa paligid,
Ang kanyang presensiya'y para sa'yo ay lingid
Ikaw nga bay talagang isang lalaking manhid?
May binulong siya ngunit 'di mo dininig
Kagaya ng hindi mo pagdinig sa 'king tinig,
Ika'y sinusundan nang 'di mo nalalaman
Pero minsan man lamang ay 'di mo nasulyapan.
Umiyak dahil sawing umibig nang palihim
Sa pag-ibig nalaman kong ika'y 'sang sakim,
Hindi ko mapigilang lumuha at pumikit
Dahil sa sobrang sakit na hindi ko maimpit.
Hindi mo ba narinig ang aking mga bulong?
Bulong na humihingi ng kahit kunting tulong,
Kailan mo pa ba kaya bibigyan ng pansin?
Mga bulong sa 'yo ng umiiyak na hangin.

Monday, August 15, 2011
Kusang Dumarating (Tula)
Kusang Dumarating
ni Michael Vincent Uy
Di ko maintindihan, ano nga ba ang dahilan?
Nang biglang paglusaw nang siya'y dumaan
Bigla na lamang umiba ang ihip ng hangin
At paglitaw sa langit na kaisa-isang bituin.
Oh pakiramdam na kusang dumarating
Nagising tulay sa dalawang bituin
Ang pagsintang tunay ay hindi nag-iiba
Nang ano mang balakid na hinarang sa kanila.
Kay liwanag ng gabi pag siya'y nasisilayan
Oh kay sarap ng buhay pag palaging ganyan
Nagising sabay sa daang tinatahak
Ngunit pagnawala, buhay rin ay nawawasak.
Nag-aapoy na galit ay kanyang napatay
Ang matamlay na pisngi ay kanyang binuhay
Sa mga problema ay naging kaakbay
At siya'y proproteksyunan hanggang may buhay.

Wala Nang Hihigit Pa (Tula)
Wala Nang Hihigit Pa
ni Theiss Thella C. Trono
Higit pa sa yaman ng Mundo
Higit pa sa boses ng kung sino
Higit pa sa bagay na inasam ko
Higit pa sa mga bagay na kailangan ko.
Higit pa sa buhay ng aking ginusto
Higit pa sa pag-ibig na bigay ng kung sino
Ang lahat ng ito'y hindi hihigit sa 'yo
Buong buhay ko, ikaw lang ang kailangan ko.
Araw sa silangan, ikaw ang nagpapasikat
Buwan sa gabi, ika'y nagbibigay liwanag
Sa iyo ay bigay ko, buhay ko't hininga
Dahil sa iyo'y wala nang hihigit pa.

Wednesday, August 10, 2011
Mahal Kita Al-J (Tula)
Sa bawat panahon na ako'y naglakad
Pag-ibig kong dala ang nagbigay pugad
sa pusong nag-angkin sa 'king kahirapan
at ang matang uhaw sa katotohanan.
Babae kong Mahal, Al-J ang pangalan
Ako'y itinaboy patungong kawalan
At doon di alam ang pinaglayuan
Nasa impyerno ba o sa kalangitan.
sa tuwing pagtulog, siya'y lumalapit
Puso kong malambot agad na naakit
At di na nag-isip, agad kong nasabi
Itong nasa loob, "Mahal kita Al-J."
ni Rommel J. Jagus (2003)
Pag-ibig kong dala ang nagbigay pugad
sa pusong nag-angkin sa 'king kahirapan
at ang matang uhaw sa katotohanan.
Babae kong Mahal, Al-J ang pangalan
Ako'y itinaboy patungong kawalan
At doon di alam ang pinaglayuan
Nasa impyerno ba o sa kalangitan.
sa tuwing pagtulog, siya'y lumalapit
Puso kong malambot agad na naakit
At di na nag-isip, agad kong nasabi
Itong nasa loob, "Mahal kita Al-J."
ni Rommel J. Jagus (2003)
Wednesday, August 3, 2011
Notasyong Ponemiko
Notasyong Ponemiko. Notasyong ponemiko ang simbolo sa pagsulat na kakikitaan ng paraan ng pagbigkas. Muling inuulit rito na walang salitang nagsisimula o nagtatapos sa a, e, i, o, u, kaya kung hindi sa katinig nagsisimula ang salita nagsisimula ito sa /?/ at kung hindi naman nagtatapos sa katinig nagtatapos ito sa /?/ o /h/ batay sa paraan ng pagbigkas. Nangangahulugan ng paghahaba ng patinig ang /:/. Halimbawa:
buhay (life) - /bu:hay/
buhay(alive) - /buhay/
aso (dog) - /?a:soh/
aso (smoke) - /?asoh/
tubo (pipe) - /tu:boh/
tubo (sugarcane)- /tuboh/
baga (ember) - /ba:gah/
baga (lungs) - /ba:ga?/
gabi (yam) - /ga:bih/
gabi (night) - /gabih/
paso (pot) - /pa:soh/
paso (overdue) - /pasoh/
pako (nail) - /pa:ko?/
pako (fern) - /pako?/
Sa loob ng salitang magkasunod ang patinig ay nagkakaroon ng /?/ sa pagitan ng mga ito. Halimbawa:
Kaibigan (friend) /ka?ibi:gan/
kaibigab(sweetheart) /ka?ibigan/
Kalayaan (freedom) /kalaya?an/
Pagtitiis (suffering) /pagtiti?is/

Uri ng Bigkas
Uri ng Bigkas. Mahalaga ang pag-aaral sa pagbigkas sa Filipino. Kung minsan, ang kahulugan ng mga salita ay napag-iiba-iba sa pagbabago ng bigkas nito. Katulad ng salitang bata sa ibaba ay may iba’t ibang kahulugan batay sa pahayag.
Isinuot niya ang kanyang bata pagkapaligo.
Nagtitinda ng dyaryo ang bata.
Naka tuluyan na niyang hindi mabata ang mga pangyayari.
May apat na prinsipal na uri ng bigkas o diin sa Filipino.
1. Malumay. Binibigkas ito nang dahan-dahan at may diin sa pagbigkas sa ikalawang pantig buhat sa hulihan. Ito ay hindi ginagamitan ng anumang tuldik o palatandaan. Maaaring magtapos ang salitang malumay sa patinig o katinig.
buhay
malumay
kubo
baka
kulay
babae
dahon
apat
2. Malumi. Ang bigkas na malumi ay tulad sa bigkas ng mga salitang malumay. Ito’y binibigkas nang dahan-dahan at may diin sa ikalawang pantig buhat sa hulihan. Ang ipinagkaiba lamang ng dalawang pagbigkas na ito ay ang impit na tunog sa dulo ng mga salitang malumi. Palaging nagtatapos sa tunog patinig ang malumi. Ginagamit natin ang tuldik na paiwa (\) sa pagpapakilala ng mga salitang binibigkas nang malumi.
baro
lahi
pagsapi
bata
luha
mayumi
tama
lupa
panlapi
3. Mabilis. Ang mga salitang mabilis ay binibigkas nang tuluy-tuloy na ang diin ay nasa huling pantig. Wala itong impit na tunog. Maaaring magtapos ang mga salitang binibigkas nang mabilis sa katinig o patinig. Ginagamitan ito ng tuldik na pahilis (/) na inilalagay sa ibabaw ng huling patinig ng salita.
dilaw
pito
kahon
bulaklak
huli
sapin
buwan
rebolusyon
4. Maragsa. Ang mga salitang maragsa ay binibigkas nang tuluy-tuloy na tulad ng mga salitang binibigkas nang mabilis, subalit ito’y may impit o pasarang tunog sa hulihan. Tulad ng malumi, ito ay palagiang nagtatapos sa tunog na patinig. Ginagamit dito ang tuldik na pakupya (/\) na inilalagay sa ibabaw ng huling patinig ng salita.
daga
wasto
pasa
tumula
hindi
kumolo
humula
ginawa

Pares Minimal
Pares Minimal. Ang pares na salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad na magkatulad sa bigkas maliban sa isang ponema sa magkatulad na pusisyon ay tinatawag na pares minimal. Ito ay ginagamit upang ipakita ang pagkokontrast ng dalawang ponema sa magkatulad na kaligiran.
Pansinin na ang mga ponemang /p/ at /b/ ay nasa magkatulad na kaligiran – pala:bala. Nasa magkatulad na kaligiran ang /p/ at /b/ sapagkat magkatulad ang kanilang kinalalagyan – kapwa nasa pusisyong inisyal: na kung aalisin ang /p/ at /b/ sa mga salitang /pala at bala/, ang matitira ay dalawang anyong magkatulad – ala at ala. Sa ganitong kalagayan ay masasabi natin na ang pagkakaiba sa kahulugan ng pala at bala ay dahil sa mga ponemang /p/ at /b/ at hindi dahil sa alin mang tunog sa dalawang salita. Kung gayon ang /p/ at /b/ ay masasabing magkaibang ponema sa Filipino sapagkat kapag inilagay sa magkatulad na kaligiran na tulad nga ng pala at bala, nagiging magkaiba ang kahulugan ng dalawang salita.
Matunghayan sa ibaba ang ilang halimbawa ng pares-minimal upang ipakita ang dalawang magkahiwalay na ponema.
tela - tila belo - bilo
butas - botas mesa - misa
diles - riles ewan - iwan
Tingnan naman natin ang halimbawang /pala:alab/. Nasa magkatulad na kaligiran ba ang /p/ at /b/? Wala, sapagkat ang /p/ ay nasa pusisyong inisyal ng salita samantalang ang /b/ naman ay nasa pusisyong pinal. Samakatwid, hindi magagamit ang /pala:alab/ na halimbawa upang ipakita na ang /p/ at /b/ ay magkaibang ponema.
Sa halimbawa namang /doon:roon/ ay nasa magkatulad na kaligiran ang /d/ at /r/. Ngunit hindi natin masasabing magkaibang ponema ang mga ito sapagkat hindi nakapagbabago ang mga ito sa kahulugan ng salita. Magkatulad ang kahulugan ng /doon:roon/.

Klaster
Klaster. Ang klaster o kambal-katinig ay ang magkakabit na dalawang magkaibang katinig sa isang pantig.
tseke - /tse-ke/
tsampyon - /tsam-pyon/
kontrata - /kon-tra-ta/
kongklusyon - /koŋ-klu-syon/
mantsa - /man-tsa/
sombrero - /som-bre-ro/
tsart - /tsart/
sandwits - /sand-wits/
nars - /nars/
beysment - /beys-ment/
Ang mga salita sa itaas ay pawang mga salitang hiram. Sa wikang Tagalog na naging batayan ng wikang Filipino, walang kambal-katinig sa iisang pantig. Bilang pagpapatunay, tunghayan ang mga sumusunod na halimbawa:
siksik - /sik-sik/
sikhay - /sik-hay/
lambat - /lam-bat/
tuldok - /tul-dok/
tingkad - /tiŋ-kad/
paslang - /pas-laŋ/
hukbo - /huk-bo/
dukha - /duk-ha/
Sa Alpabetong Filipino, ang katinig na ng ay tinatawag na digrapo o kambal-titik. Tandaan na ito ay isang katinig at hindi dalawang katinig. Sa paghahanap ng kambal-katinig sa loob ng isang salita, pantigin muna ito. Tandaan na ang kambal-katinig ay dapat na nasa loob ng isang pantig.

Diptonggo
Ang mga diptonggo ng Filipino ay iw, iy, ey, ay, aw, oy at uy. Ito ay tumutukoy sa pinagsamang tunog ng isang patinig (a,e,i,o,u) at isang malapatinig (w,y) sa loob ng isang pantig. Ngunit kapag ang /y/ o /w/ ay napapagitan sa dalawang patinig, ito ay napapasama na sa sumusunod na patinig, kaya’t hindi na maituturing na diptonggo. Ang “iw”, halimbawa, sa “aliw” ay diptonggo. Ngunit sa “aliwan” ay hindi na ito maituturing na isang diptonggo sapagkat ang “w” ay napagitan na sa dalawang patinig. Ang magiging pagpapantig sa “aliwan” ay a-li-wan at hindi a-liw-an.
Narito ang ilang halimbawa ng diptonggo sa Filipino:
aliw labi’y aruy eywan totoy aray sabaw nowt
giliw puti’y kasuy eyto batsoy taray bataw helow
sisiw kami’y baduy reyna kahoy bahay kalabaw fown
Ang /iy/ sa kami’y, halimbawa, ayaw tanggapin ng iba bilang diptonggo sa katwirang dinaglat lamang daw ang “ay” at ikinabit pagkatapos sa “kami”. Paano raw ang kudlit (‘)? Linawain nating hindi binibigkas ang kudlit, na ang ating pinag-uusapan ay bigkas at hindi bantas. Pansinin na ang magiging transkripsyon ng “kami’y” ay /kamiy/. Dito ay litaw ang diptonggong /iy/.
Kung may salita tayong maibibigay upang lumitaw ang /ew/at /uw/, may pagdadaglat mang naganap o wala, tatanggapin nating diptonggo ang mga ito.

Ang Pantig at Pagpapantig
Ang Pantig at Palapantigan
Bago pa man talakayin ang diptonggo at klaster ay mas maganda kung magkaroon muna ng kabatiran ang mga iskolar tungkol sa palapantigan dahil ito ang paraan upang makilala at maunawaan ang dalawa (2) pang uri ng ponemang segmental.
Ang pantig ay ang isa o bawat saltik ng dila o walang antalang bugso ng tinig sa pagbigkas ng salita. Halimbawa:
a-ko sam-bit i-i-wan
mang-ya-ya-ri it-log ma-a-a-ri
Kayarian ng Pantig. Ang pagtukoy sa pantig, gayundin sa kayarian nito, ay sa pamamagitan ng paggamit ng simbolong K para sa katinig at P para sa patinig. Narito ang ilang halimbawa ng mga pantig.
P - u-po a-so i-sa a-a-sa
KP - ma-li ba-ro ku-mot ba-ba-lik
PK - is-da ak-lat a-liw-iw am-paw
KPK - han-da bi-gas ka-hon pak-pak
KPKK - ri-serts kard nars a-part-ment
KKP - pri-to pro-se-so dru-ga kla-se
PKK - eks-perto eks-tra ins-truk-tor ins-tru-men-to
KKPK - plan-tsa trum-po trak tran-sak-syon
KKPKK - mag-drayb tsart klerk trans-por-ta-syon KKPKKK - shorts
Pagpapantig. Ang pagpapantig ay paraan ng pagbaha-bahagi ng salita sa mga pantig.
1. Kapag may magkasunod na dalawa o higit pang patinig sa pusisyong inisyal, midyal at final na salita ito ay hiwalay na mga patinig.
Aalis - a-a-lis
Maaga - ma-a-ga
Totoo - to-to-o
2. Kapag may dalawang magkaibang katinig na magkasunod sa loob ng isang salita, maging katutubo o hiram man, ang una ay kasama sa patinig na sinusundan, at ang pangalawa ay sa patinig na kasunod.
Buksan - buk-san
Pinto - pin-to
Tuktok - tuk-tok
Kapre - kap-re
3. Kapag may tatlo o higit pang magkakaibang katinig na magkakasunod sa loob ng isang salita, ang unang dalawa ay kasama sa patinig na sinusundan at ang huli ay sa patinig na kasunod.
Eksperimento eks-pe-ri-men-to
4. Kapag ang una sa tatlong magkakasunod na katinig ay m o n at ang kasunod na dalawa ay alinman sa bl, br, dr, pl, tr, ts, ang unang katinig (m o n) ay sa sinusundang patinig ay kasama at ang huling dalawa ay sa kasunod na patinig.
asambleya - a-sam-ble-ya
alambre - a-lam-bre
balandra - ba-lan-dra
simple - sim-ple
sentro - sen-tro
kontra - kon-tra
plantsa - plan-tsa
5. Kapag may apat na magkakasunod na katinig sa loob ng isang salita, ang unang dalawang katinig ay kasama sa patinig na sinusundan at ang huling dalawa ay sa patinig na kasunod.
Ekstradisyon - eks-tra-di-syon
Eksklusibo - eks-klu-si-bo
Transkripsyon - trans-krip-syon
Pag-uulit ng Pantig. Ang mga sumusunod ang tuntunin sa pag-uulit ng pantig.
1. Kung ang unang tunog ng salitang-ugat o batayang salita ay patinig, ang patinig lamang ang inuulit
alis - a-a-lis
iwan - i-i-wan
ambon - a-am-bon
ekstra - e-eks-tra
mag-alis - mag-a-a-lis
mag-akyat - mag-a-ak-yat
umambon - u-ma-am-bon
2. Kung ang unang pantig ng salitang-ugat ay nagsisimula sa KP (katinig-patinig), ang katinig at ang kasunod na patinig lamang ang inuulit.
basa - ba-ba-sa - mag-ba-ba-sa
la-kad - la-la-kad - ni-la-la-kad
takbo - ta-tak-bo - nag-ta-tak-bo
lundag - lu-lun-dag - mag-lu-lun-dag
nars - nag-nars - nag-na-nars
3. Kung ang unang pantig ng salitang-ugat ay may KK (klaster na katinig) na kayarian, dalawang paraan ang maaaring gamitin. Batay ito sa kinagawian ng nagsasalita o varyant ng paggamit ng wika sa komunidad.
a. Inuulit lamang ang unang katinig at patinig
plantsa - pa-plan-tsa-hin mag-pa-plan-tsa
prito - pi-pri-tu-hin mag-pi-pri-to
kwento - ku-kwen-tu-han mag-ku-kwen-to
b. Inuulit ang klaster na katinig kasama ang patinig
plan-tsa - pla-plan-tsa-hin mag-pla-plan-tsa
prito - pri-pri-tu-hin mag-pri-pri-to
kwento - kwe-kwen-tu-han mag-kwe-kwen-to

Ponolohiya
PONOLOHIYA
Ang bawat wika sa daigdig ay binubuo ng mga tunog na binibigkas. Ang wikang Filipino ay may sariling kakanyahan na nakabuhol sa natatanging kultura nito. Kayat magiging madali at malinaw ang pagkatuto ng Filipino kung lubos nating nauunawaan kung paano nalilikha ang mga tunog na bumubuo rito. Ang lubos na kaalaman sa aspektong ito ay makatutulong nang malaki sa pag-aaral ng wikang Filipino. Bilang panimula, atin munang, pag-aralan ang mga bahagi ng ating katawan na ginagamit sa pagsasalita. Sa ibaba ay makikita ang isang saggital diagram na higit na kilala sa taguring OSCAR.
Ang mga Prinsipal na Sangkap ng Pananalita
Ang larawan sa itaas ay nagpapakita ng mga bahaging ginagamit sa pagsasalita, mula sa hanging nagmumula sa baga hanggang sa ito’y makalabas sa babagtingang tinig sa paglabas sa labi o dili kaya’y sa ilong.
Ang Pagsasalita
Ayon sa mga linggwista, upang makapagsalita ang isang tao, siya’y nangangailangan ng tatlong salik. Ito ay ang mga sumusunod:
1. ang pinanggagalingan ng lakas o enerhiya
2. artikulador o ang pumapalag na bagay
3. resonador o ang patunugan
Dahil sa interaksyon ng tatlong salik na nabanggit, nakalilikha ang tao ng alon ng mga tunog. Ang hangin ang siyang nagiging midyum ng mga alon ng tunog na dumarating sa ating mga tainga.
Ang enerhiya ay ang presyong nalilikha ng papalabas na hiningang nagbubuhat sa baga na siyang nagpapalag sa mga babagtingang tinig at gumaganap bilang artikulador. Lumikha ito ng tunog na minomodipika naman ng bibig na siyang nagiging resonador. Ang bibig, gayundin ang ilong, ang nagsisilbing mga resonador.
Kung ating susuriing muli ang sagittal diagram o si OSCAR, mamamalas natin na ito ay may apat na bahaging kailangan sa pagbigkas ng mga tunog. Ito ay ang sumusunod:
1. dila at panga (sa ibaba)
2. ngipin at labi (sa unahan)
3. matigas na ngalangala (sa itaas)
4. malambot na ngalangala (sa likod)
Malaya nating naigagalaw ang ating panga at dila kayat dahil dito, nagagawa nating pagbagu-baguhin ang hugis at laki ng espasyo sa loob ng bibig. Maraming posisyon ang nagagawa ng ating dila. Maaari itong mapahaba, mapaikli, mapalapad, maipalag, maitukod sa ngipin o sa ngalangala, mailiyad o mapaarko nang ayon sa tunog na nais likhain. Nalilikha ang mga ponemang patinig sa pamamagitan ng pagbaba o pagtaas ng anumang bahagi ng dila (harap, sentral, likod) at gayundin dahil sa pagbabago ng hugis ng espasyo ng bibig at ng mga labi na nilalabasan ng tinig. Ang pagkakaiba-iba ng mga nabubuong tunog ay dahil na rin sa mga pagbabagong nabanggit sa itaas. Sa pagkakataong ito, laging tandaan na higit na madaling matutuhan ang palabigkasang Filipino kung ihahambing sa mga wikang kanluranin tulad ng Ingles at Kastila dahil kakaunti lamang ang mga tunog na bumubuo ng wikang Filipino di tulad ng dalawang wikang nabanggit na binubuo ng maraming ponema.
Katuturan ng Ponema
Ponema ang tawag sa isang makabuluhang tunog ng isang wika. Ito ay hango sa wikang Ingles na phoneme na nahahati sa dalawang salitang phone (tunog) at –eme (makabuluhan) May tiyak na dami ng mga ponema o makabuluhang mga tunog ang bawat wika. Binubuo ang wikang Filipino ng dalawampu’t limang (25) ponema – dalawampu (20) na ponemang katinig at limang (5) ponemang patinig.
Mga Katinig - /p, t, k, ?, b, d, g, m, n, ŋ, s, h , f, v, z, l, r, j, w, y/
Mga Patinig - /a, e, i, o, u/
Sinasabing makabuluhan ang isang tunog kapag nag-iba ang kahulugan ng salitang kinasasamahan nito sa sandaling ito’y alisin o palitan. Ang salitang bansa, halimbawa, ay mag-iiba ng kahulugan kapag inalis o pinalitan ang /s/ ng /t/ na nagiging banta o threat. Samakatwid, ang /s/ ay isang makabuluhang tunog sa Filipino.
Sapagkat konsitent ang palabaybayang Filipino na ang ibig sabihin ay may isa-sa-isang pagtutumbasan ang ponema at ang letra o titik na kumakatawan dito, lahat ng simbolong ginagamit upang magreprisinta ng ponema ay siya na ring ginagamit na mga letra sa palabaybayan, matangi /?/ at /ŋ/. Sa ating palabaybayan, ang /?/ ay hindi binigyan ng katumbas na letra. Sa halip, ito’y isinama sa palatuldikan at tinutumbasan ng tuldik na paiwa (\). Naging makabuluhan pa rin ang tunog na ito kung ito’y papalitan ng ponema. Tulad ng salitang /pa:soh/ ‘walk’ na magiging /pa:so?/ ‘ burn’.
Ang /ŋ/ naman ay tinutumbasan ng digrapo o dalawang letrang “ng”.
Maitatanong marahil kung bakit ang mga titik na c, ñ, q, at x. Ang mga titik na ito ay walang tiyak na ponemikong istatus o walang iisang tunog na tinutumbasan. Kaya ang mga titik na ito ay tinaguriang redandant. Katulad ng ipinakita sa ibaba:
c = tinutumbasan ng s kung tunog /s/ tulad ng central = sentral
tinutumbasan ng k kung tunog /k/ tulad ng card = kard
ñ = tinutumbasan ng dalawang ponemang /n/ at /y/ tulad ng baño = banyo
q = tinutumbasan ng k kung tunog /k/ tulad ng quota = kota
tinutumbasan ng dalawang ponemang /k/ at /w/ kung may tunog nito
tulad ng quarter = kwarter
x = tinutumbasan ng s kung tunog /s/ tulad ng xerox = seroks
tinutumbasan ng dalawang tunog na /k/ at /s/ kung may tunog nito
tulad ng taxonomy = taksonomi
Anumang uri ng tunog na mapag-aaralan kung ito’y isusulat upang makita kung papaano ito binibigkas ay dapat naikulong sa dalawang pahilis na linya / /.
Uri ng Ponema
Binubuo ang wikang Filipino ng dalawang uri ng tunog: ang mga ponemang segmental at suprasegmental. Kabilang sa mga segmental ang mga katinig, patinig, diptonggo, kambal-katinig o klaster at pares minimal. Kasama naman sa mga suprasegmental ang diin, intonasyon at hinto.
Mga Ponemang Segmental
Ito ang mga tunog na ginagamitan ng mga katumbas na letra o titik upang mabasa at mabigkas.
Mga Ponemang Katinig. Ang mga katinig ng Filipino ay maisaayos ayon sa punto at paraan ng artikulasyon at kung ang mga ito ay binibigkas nang may tinig (m.t.) o walang tinig (w.t.), gaya ng makikita sa tsart sa ibaba:
PARAAN NG ARTIKULASYON PUNTO NG ARTIKULASYON
Panlabi Pangngipin Panlabi-
Pangngipin Panggilagid Palatal Velar Panlalamunan Glottal
Pasara w.t.
m.t. p
b t
d k
g ?
Pailong w.t.
m.t.
m
n
Ŋ
Pasutsot w.t.
m.t. f
v s
z h
Pagilid m.t. l
Pakatal m.t. r
Afrikatibo m.t. j
Malapatinig w.t. y w
Pansinin na ipinakikita ng punto ng artikulasyon kung saang bahagi ng bibig nangyayari ang pagbigkas ng isang katinig. Sa pamamagitan ng walong punto ng artikulasyon ay mailalarawan natin ang ponemang katinig ng Filipino.
1. Panlabi – dumidiit ang ibabang labi sa labing itaas /p,b,m/.
2. Pangngipin – dumidiit sa loob ng mga ngiping itaas ang dulo ng dila /t,d,n/.
3. Panlabi-Pangngipin – dumidiit ang ibabang labi sa mga itaas na ngipin /f,v/.
4. Panggilagid – ang ibabaw ng dulong dila ay lumalapit o dumidiit sa punong gilagid /s,z,l,r/.
5. Palatal – lumalapit o dumidiit sa matigas na bahagi ng ngalangala ang ibabaw ng punong dila /y/.
6. Velar – dumidiit sa velum o malambot na bahagi ng ngalangala ang ibabaw ng punong dila /k,g,ŋ,w/.
7. Panlalamunan – ang likurang bahagi ng dila ay dumidiit sa lalamunan /j/.
8. Glottal – lumalapit o dumidiit ang mga babagtingang pantinig at hinaharang ang presyon ng papalabas na hiningang galing sa baga at pagkatapos ay pakakawalan upang bumuo ng paimpit o pasutsot na tunog /?,h/.
Ang paraan ng artikulasyon naman ay inilalarawan kung papaanong gumagana ang ginagamit na mga sangkap sa pagsasalita at kung paanong ang hininga ay lumalabas sa bibig o sa ilong sa pagbigkas ng alinman sa mga ponemang katinig. Ang paraan ng artikulasyon sa Filipino ay mapapangkat sa pito, gaya ng mga sumusunod:
1. Pasara o Istap – harang na harang ang daan ng hangin /p,t,k,?,b,d,g/
2. Pailong o Nasal – sa ilong lumalabas ang hangin na naharang dahil sa pagbaba ng velum at hindi sa bibig /m,n,ŋ/
3. Pasutsot – ang hanging tumatakas ay nagdaraan sa makipot na pagitan ng dila ng ngalangala okaya’y ng mga babagtingang pantinig /f,v,s,z,h/.
4. Pagilid o Lateral – ang dulong dila ay nakadikit sa punong gilagid kung kayat ang hangin ay lumalabas sa gilid ng dila /l/.
5. Pakatal o Thrill – ang hangin ay ilang ulit na hinaharang at pinababayaang lumabas sa pamamagitan ng mabilis na paggalaw ng dulo ng nakaarkong dila /r/.
6. Afrikatibo – nang una ay pinipigilan ng babagtingang patinig ang hangin sa paglabas ngunit pagkamaya-maya pa’y buong pinakawalan rin ito /j/.
7. Malapatinig o Glayd – katulad ngunit kaiba sa mga katinig, dito’y nagkakaroon ng galaw mula sa isang posisyon ng dila patungo sa ibang posisyon /w,y/.
Ponemang Patinig. Binubuo ang wikang Filipino ng limang ponemang patinig. Ang mga ito ay maaari ring maiayos batay sa kung anong bahagi ng dila ang gumagana sa paglikha ng tunog (harap, sentral, likod) at kung ano ang posisyon ng nabanggit na bahagi sa pagbigkas (mataas, gitna o mababa) tulad ng makikita sa ibaba:
Harap Sentral Likod
Mataas i u
Gitna e o
Mababa a

Subscribe to:
Posts (Atom)