Oh, Pag-ibig...
ni Sweet Lapuz
Pag-ibig na
ito'y pagkagulo-gulo,
Kung minsa'y
baluktot, kung minsan ay wasto,
Bulag ang
katulad, tila nalilito
Kung minsa'y
may sakit ng pagkasiphayo.
Ngunit kung
tunay nga, wagas at dakila,
Madarama
nama'y kilig sa simula,
Sa gitna ay
ngiti at dulo'y may tuwa,
Kung
magmamahal ka ng tapat at akma.
Sa daraang
araw, oras at sandali,
Kahit na
mag-isa, ikaw ay ngingiti,
Kung
maaalala ang suyuang huli,
At ang
matatamis na sintang mabuti.
At ang minamahal
kung makakapiling
Ay tila
kaybilis ng oras sa dingding
Hahalik sa
pisngi at saka yayakapin,
Limot ang
problema, hindi makakain.
Kung ika'y
iibig, tandaan mo lamang,
Ang tunay na
kulay, sikaping sulyapan,
Pagkat
marami diya'y nagpapanggap lamang,
Sa baba ng
lupa ang pinanggalingan!
Yehey may kopyahan na ako wow ang galing nmn po sana sakin mangyari din ito ang galing nyo po PROMISE
ReplyDeleteAno ang sukat NG tula na ito
ReplyDelete