Saturday, September 8, 2012

Binhi ng Tagumpay



Habang patuloy sa pag-ikot ang mundo ay patuloy din ang paggulong ng buhay ng tao. Oo, ang buhay ay parang gulong, patuloy ito sa pagsulong tungo sa itinakdang panahon na inilaan ng Poong Maykapal. Ang bawat buhay ng tao ay may hangganan, may limitasyon at may nais na tuparin. Kahit sino man na nagpatuloy sa pakikipagsapalaran sa mundong ibabaw ay may hangganan. Ikaw maging ako ay may nais tuparin sa itinakdang panahon.

         Dahil ganito ang buhay ng tao, patuloy tayong tumutuklas kung ano ang magiging landasin natin sa pagdating ng panahon. Maging ako, sa murang edad na ito ay sinimulan ko nang tuklasin kung ano ako sa pagdaan ng panahon. Kahit sa murang edad at murang isipan ay sinimulang kung nang daanan ang nakalaang landas ng aking buhay. Naitatanong ko marahil sa aking sarili sino ako pagkaraan ng sampung taon? Sa panahong yakap ko na ang ika-23 taon ng aking buhay.

            Wala nang makapantay sa kaligayang matatamo sa buhay kung abot mo na ang iyong pangarap. Ang pangarap na binubuno mo sa higit-sampung taong sa pag-aaral. Ito ang pinaghihirapan ng ating mga magulang ang kayamanang hindi mananakaw kahit sinuman. Oo, ako’y isa nang profesyunal na agap na ang diplomang inaasam-asam. Ito na ang panahong makatitindig na ako sa aking sariling mga paa. Mayroon na akong sariling pantostos sa sariling pangangailangan At ito ang landas na aking inaasam-asam.

            Maitatanong ninyo marahil kung ano na ako pagkalipas ng sampung taon. Sa pagdating ng panahon na ito ako ay isa ng mapaglingkod na titser. Ito ang profesyong kinaluluguran ko at maging sa ibang tao. Isa itong trabaho na naghuhulma sa pagkatao ng isang tao. Ito ang naghahanda sa magandang kinabukasan ng mga kabataang Pilipino. Sa sspanahon na ito ako ay nagtuturo sa isang pampublikong paaralang pang-elementarya. Tuwang-tuwa ako sa aking paglilingkod sa mga batang may murang kaisipan at ito ang nagpapaligaya sa akin at maging sa aking mga magulang dahil yakap ko ang kanilang pangarap.

            Pagdating ng panahon na ako’y nasa ika-23 taon nang aking buhay, ako’y hindi ko lang abot ang aking pangarap sa pag-aaral at pagkakaroon ng trabaho kundi maging sa pagtupad ng aabuting pangarap ng aking mga kapatid. Pagdating ng panahong ito ay tutulungan kong matupad din ang mga pangarap ng aking mga kapatid. Dahil palagi sa aking isipan ko na kung hindi dahil sa kanila, sa kanilang gabay at pangangaral, ay hindi ko nakamtam ang tagumpay ko ngayon. Hindi lang suportang moral ang kanilang ibinigay sa akin kundi maging sa finansyal na paraan dahil nagsikap din sila upang matustusan lang aking pag-aaral. At ngayon abot ko na ang langit, panahon ko naman upang masuklian ko ang aking kanilang pawis ng paghihirap. Tutulungan ko silang makamtan din ang kaginhawaan na aking tinatamasa ngayon. Ibabalik ko sa kanila ang suportang moral at maging finansyal, buo man o bahagi ng abot ng aking kakayanan.

            At higit sa lahat, ang pinakaimportante sa aking buhay ay iyong mapaglingkuran ko ang dalawang tao na nagbibigay sa akin ng magandang kinabukasan at ito ang aking pinakamamahal na mga magulang. Sinabi ko sa aking sarili na kapag abot ko na ang tagumpay ay susuklian ko sila sa lahat ng kanilang ibinigay sa akin. Hindi ko man mapantayan ang kanilang nagawa ay sisikapin kong maibahagi ko rin sa kanila ang kanilang naipunla sa aking pagkatao. At ito na nga, tumubo na sa aking puso at isipan ang binhi na kanilang itinanim at panahon na upang anihin ito at maipalasap sa kanila ang katas ng tagumpay. Ibibigay ko sa kanila ang mga bagay na kanilang inaasam-asam noon at  mga bagay na hindi nila naisakatuparan dahil inuna pa nila ang aking kinabukasan.

            Kahit abot ko na ang tagumpay ay patuloy at patuloy pa rin ang pag-ikot ng mundo at maging ang pagsulong ng gulong ng buhay upang tupdin ang iba pang nakalaan sa aking buhay. Dadaanan ang landas na nakalaan sa aking buhay upang maabot ang naghihintay na kapalaran ng aking buhay na inihanda ng Poong Maykapal. At kung darating man ito, ako ay mananatiling ako at hindi makakalimutan kung sino ako sa nakaraang panahon dahil ito ang ipunla ng aking magulang sa aking puso at isipan.

           
           
           
           



           

           

             

           

             

            

No comments:

Post a Comment