Kayarian ng mga Salita
Dito malalaman kung papaano nabuo
ang mga salita, kung ito ba ay salitang-ugat lamang, o may ikinakabit na
panlapi, inuulit o tambalan.
1. Payak. Ang
salita ay payak kung ito ay salitang-ugat lamang, walang panlapi, hindi inuulit
at walang katambal na ibang salita. Halimbawa:
Bahay ganda aklat takbo sariwa
Alaala bango kristal bakasyon bulaklak
2.
Maylapi. Maylapi
ang salitang binubuo ng salitang-ugat at isa o higit pang panlapi. Tulad ng:
umalis tinulungan magtakbuhan tindahan
umasa bumasa basahin sambahin
Uri ng Panlapi. Maaaring isa o higit pang panlapi ang
matatagpuan sa isang salitang-ugat. Maaaring nasa unahan, gitna o sa hulihan.
Buhat nito, may iba’t ibang uri ng panlapi.
a. unlapi. Ito
ay mga panlapi na ikinakabit sa unahan ng salitang-ugat.
Um + asa = umasa
Mag + aral = mag-aral
Mang + isda = mangisda
Ma + ligo = maligo
b. gitlapi. Ito
ang mga panlaping isinisingit sa pagitan ng unang katinig at kasunod nitong
patinig. Madaling salita, ang gitlapi ay mamatgpuan sa gitna ng salitang-ugat.
Nagagamit lamang ang gitlapi kung ang salitang-ugat ay nagsisimula sa katinig.
-um- + basa = bumasa
-in- + sulat = sinulat
-um- + punta = pumunta
-in- + biro = biniro
c. hulapi.
Ito ay mga panlaping matatagpuan sa hulihan ng salitang-ugat. Halimbawa:
-hin + basa = basahin
-an + gupit = gupitan
-in + sulat = sulatin
-han + una = unahan
Mapapansin
na ang –hin at –han ay hinuhulapi sa mga salitang nagtatapos sa patinig.
Samantalang ang –in at –an ay hinuhulapi sa mga salitang nagtatapos sa katinig
at sa impit na tunog na itinuturing din na isang ponemang katinig. Tulad ng
sumusunod:
-in + basa /basa?/ = basain
hindi basahin
d. kabilaan. Kabilaan
ang tawag sa mga panlaping nasa unahan at hulihan ng salitang-ugat.
ka-
-an + laya = kalayaan
mag- -an + mahal = magmahalan
pala- -an + baybay = palabaybayan
tala- -an + araw = talaarawan
e. laguhan. Laguhan
ang tawag sa mga panlaping nasa unahan, gitna at hulihan ng salitang-ugat.
pag- -um- -an + sikap = pagsumikapan
mag-
-in- -an + dugo = magdinuguan
(Pansinin
na ang o ay nagiging u kapag hinuhulapian. Pansinin rin kung saan inilalagay
ang mga gitling ayon sa uri ng panlaping tinutukoy).
Paraan
ng Paglalapi. Ito ay tumutukoy sa paglalagay ng o mga
panlapi sa salitang ugat.
a. pag-uunlapi. Paglalagay
ng panlapi sa unahan ng salitang-ugat.
sing- + bango = simbango
magsing- + puti = magkasimputi
pang- + linis = panlinis
labing- + siyam = labinsiyam
nakapaka- + sariwa = napakasariwa
um- + alis = umalis
taga + lunsod = tagalunsod
(Pansinin
ang mga panlaping nagtatapos /ng/. Ang ng
ay nagiging m kung ang kasunod na
tunog ay /p at b/, naging n naman
kung ang kasunod na tunog ay /d,l,r,s,t/ at nanatiling ng kung ang mga tunog
wala sa nabanggit sa mga tunog na ito).
b. paggigitlapi.
Paglalagay ng panlapi sa gitna ng salitang-ugat.
-in- + sariwa = sinariwa
-in- + bagoong = binagoong
-um- + ligaya = lumigaya
-um- + takbo = tumakbo
c. paghuhulapi.
Paglalagay ng panlapi sa hulihan o katapusan ng salitang-ugat.
-in + sariwa = sariwain
-an + alis = alisan
-hin + takbo = takbuhin
d. pag-uunlapi at paghuhulapi. Ang
panlapi ay ikinakabit sa unahan at hulihan ng salitang-ugat.
Ka- -an + lagay = kalagayan
Ma-
--an + tanim = mataniman
e. pag-uunlapi at pagigitlapi. Ang panlapi ay ikinakabit sa unahan
at sa gitna ng salitang-ugat.
mag- -um- + sikap = magsumikap
i-
-in- + kuha = ikinuha
f.
Paggigitlapi
at paghuhulapi. Ikinakabit ang panlapi sa gitna at sa hulihan
ng salitang-ugat.
-in- -an + tabas = tinabasan
-in-
-an + walis = winalisan
g. pag-uunlapi, paggigitlapi at
paghuhulapi.
Ang mga panlapi ay ikinakabit sa unahan, gitna at sa hulihan ng salitang-ugat.
pag-
-um- -an + sikap = pagsumikapan
ipag-
-um- -an + sigaw = ipagsumigawan
mag-
-in- -an + dugo = magdinuguan
3.Inuulit.
Makabubuo ng mga salita sa tulong ng reduplikasyon ng
salitang-ugat. Maaaring ulitin ang salitang-ugat ayon sa uri nito:
a. parsyal o di-ganap na
pag-uulit. Inuulit lamang ang isa o higit pang
pantig o silabol ng salitang-ugat at kahit may panlapi pa ito, tulad nito:
alis = aalis ani = aani
lipad = lilipad ligaya = liligaya
ibig = iibig kidlat = kikidlat
maligaya maliligaya bumasa = bumabasa
b. Buo o ganap na pag-uulit. Inuulit
ang buong salitang-ugat nang may pang-akop o wala o may panlapi o wala. Paalala
lamang na ang salitang ugat lamang ang inuulit.
araw = araw-araw sino = sinu-sino
iba = ibang-iba marami = marami-rami
ayaw = ayaw
na ayaw tao = tau-tauhan
c. Magkahalong ganap at di-ganap na
pag-uulit. Ito ang tawag kapag inuulit ang isang
bahagi at ang kabuuan ng salita.
lipad = lilipad-lipad payag =
papayag-payag
tatlo = tatatlo-tatlo takbo = tatakbu-takbo
ilan = iilan-ilan sayaw = sasayaw-sayaw
(Alalahanin na hindi lahat ng mga
salita na kung titingnan na may pag-uulit ay salitang inuulit na. Tulad ng mga
salitang alaala, paruparo, sarisari, gunamgunam, guniguni, dibdib, kilikili at
bulaklak ay mga salitang payak dahil wala namang salitang-ugat na ala, paro,
sari, gunam, guni, dib, kili at bulak).
1. Tambalan. Ang dalawang salitang pinagsasama
para makabuo ng isa lamang salita ay tinatawag na tambalang salita. May dalawa
itong uri.
a. Tambalang di-ganap. Sa
uring ito, ang taglay na kahulugan ng dalawang salitang pinagtatambal ay hindi
nawawala. Walang ikatlong kahulugang nabubuo. Halimbawa, sa tambalang-salitang bahay-kubo, ang kahulugan ng bahay ‘tirahan ng tao’ at ang kahulugan
ng kubo ‘maliit na bahay na yari sa
mga karaniwang materyales’ ay kapwa nananatili sa kahulugan ng salitang
nabubuo. Ito ay nilalagyan ng gitling
bilang pampalit sa mga katagang kinaltas. Iba pang halimbawa:
Asal-hayop (asal ng hayop) kulay-dugo (kulay
ng dugo)
ingat-yaman (ingat ng yaman) bahay-ampunan
(bahay na ampunan)
silid-tanggapan (silid na tanggapan) daang-bakal (daan na bakal)
batang-lansangan (bata sa lansangan kahoy-gubat (kahoy sa gubat)
dalagang-bukid (dalagang tagabukid) urong-sulong (urong at sulong)
lumubog-lumitaw (lumubog at lumitaw) bahag-hari (bahag
ng hari)
b. tambalang ganap. Sa
uring ito, ang dalawang salitang pinagtatambal ay nakabubuo ng ikatlong
kahulugang iba kaysa isinasaad ng mga salitang pinagsasama. Hindi ito
ginagamitan ng gitling.
basag + ulo = basag-ulo
hampas
+ lupa = hampaslupa
bahag + hari = bahaghari (rainbow)
balat
+ sibuyas = balatsibuyas (sensitibo)
dalaga
+ bukid = dalagambukid (isda)
hanap
+ buhay = hanapbuhay (trabaho)
salamat
ReplyDeletewelcome po
Deletepwede ppo ba na mag bigay pa po ng mga halimbawa
ReplyDelete?
Nc page Pwedi ko tong ma ereport!
ReplyDeleteLuh nu ginagawa mu?
DeleteThank you.
ReplyDeletedaghang salamat!
ReplyDeleteHahahaha
ReplyDeleteSALAMAT :)
ReplyDeleteMagandang Umaga po sa inyong Lahat. Sorry, Po sa Abala, Pero, Puwede po bang magtanong? Ano po bang Kayarian ng Salita ang Paruparo, Naglalaro, Kilikili, Araw-Gabi, Paaralan, Araw-Araw, Maganda, Bahay-Ampunan, Bahaghari, at Kompyuter. Sorry, PO talaga sa Abala. Maraming Salamat Po. Stay Healthy and Keep Safe. :)
ReplyDeleteThank You! Helpful masyado. Detail-oriented talaga. 🖤
ReplyDeleteHi
ReplyDeleteAno po pagtatambal sa salitang ugat na Basa
ReplyDelete