Mga Ponemang Suprasegmental
Ang mga ponemng suprasegmental ay
tumutukoy sa mga makahulugang yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasan
ng mga letra sa pagsulat. Sa
halip, sinisimbulo ito ng mga notasyong ponemiko upang matukoy ang paraan ng
pagbigkas. Ang mga uri ng ponemang suprasegmental ay ang diin, intonasyon at
hinto.
Diin.
Ginagamit ang simbolong /:/ upang matukoy ang pantig ng salita na
may diin. Sa Filipino, karaniwang binibigkas nang may diin ang salitang higit
sa isang pantig. Malimit ding kasama ng diin ang pagpapahaba ng patinig. Tulad
nito:
/ba:hay/ - tirahan /pagpapaha:ba?/
- lengthening
/kaibi:gan/
- friend /sim:boloh/ - sagisag
Mahalaga ang
diin sapagkat sa pag-iiba ng patinig na binibigyang-diin, karaniwang nababago
ang kahulugan ng salita. Tulad nito:
/ba:lah/
- bullet /kasa:mah/
- companion
/bala?/
- threat /kasamah/
- tenant
/tu:boh/
- pipe /maŋ:gaga:mot/
- doctor
/tu:bo?/
- sprout /maŋga:gamot/
- to treat
/tuboh/
- sugar cane /kaibi:gan/ -
friend
/paso?/
- flower pot / ka:ibigan/
- lover
/pa:so?/
- burn
/pasoh/
- expired
Pagsasanay
I.
Ibigay
ang kahulugan ng mga sumusunod ng mga transkripsyong ponemiko. Isulat sa
patlang sa kaliwa ang sagot. Isulat naman sa patlang sa gawing kanan ang
transkripsyong ponemiko ng isinasaad na kahulugan. Makikita sa unang bilang ang
halimbawa:
_____skirt_____1.
/sa:yah/ _____/sayah/__1. be happy
______________2.
/si:kat/ _______________2.
known
______________3.
/bu:sog/ _______________3. full
______________4.
/ba:ta?/ _______________4.
bathrobe
______________5.
/li:gaw/ _______________5.
stranger
Intonasyon. Tumutukoy ang intonasyon sa pagtaas at
pagbaba ng tinig sa pagsasalita, na maaaring maghudyat ng kahulugan ng pahayag.
Tingnan ang mga sumusunod na halimbawa, kung saan ipinahihiwatig ng pagtaas o
pagbaba ng tinig.
Hindi
dapat ipagkamali ang intonasyon sa punto at tono ng pagsasalita. Ang punto ay
tumutukoy sa rehiyunal na tunog o accent. Iba ang punto ng Ilokano sa Maranao o
ng Cebuano sa Ilonggo. Maging sa rehiyong Tagalog, iba ang punto ng mga
Batanggenyo at kahit mga taga-Cavite. Sa probinsiya ng Quezon, karaniwang iba’t
iba ang punto sa iba’t ibang bayan. Samantala, ang tono ng pagsasalita ay
nagpapahayag ng tindi ng damdamin. Maaaring magkaiba-iba ang punto at tuno
bagamat iisa ang intonasyon.
*
Pagsasalaysay/paglalarawan Dumating
sila kanina.
Maganda
talaga si Rona.
*
Masasagot ng OO o HINDI Totoo?
Sila
iyon, di ba?
*
Paghahayag ng matinding damdamin Naku,
may sunog!
Hoy!
Alis dyan!
*Pagbati Kumusta
ka?
Magandang
umaga po
Salamat
sa iyo.
*
Pagsagot sa tanong Oo,
aalis na ako.
Hindi.
Hindi ito ang gusto ko.
Hinto.
Nangangahulugan ito ng pagtigil sa pagsasalita. Maaaring huminto
nang panandalian habang sinasabi ang isang pangungusap, at maaari rin sa
katapusan na ng pangungusap ang paghinto. Sa pagsulat, sinisimbulo ng kuwit (,)
ang panandaliang paghinto at ng tuldok (.) ang katapusan ng pangungusap. Sa mga
pangungusap sa ibaba, nilalagyan ng isang bar (/) ang isang saglat na paghinto
at ng dobleng bar (//) ang katapusan ng pahayag. Mapapansing naiiba ang
kahulugan ng pangungusap sa pag-iiba ng hinto sa pangungusap.
Tito
Juan Anton ang pangalan niya// (Sinasabi
ang buong pangalan ng ipinakikilala.)
Tito/
Juan Anton ang pangalan niya// (Kinakausap
si Tito, o kaya’y isang tiyo, at ipinakikilala Si Juan Anton)
Tito
Juan/ Anton ang pangalan niya// (Kausap
ang isang tiyo na Juan ang pangalan. Ipinakikilala si Anton)
Tito/
Juan/ Anton ang pangalan niya// (Ipinakikilala
sina Tito at Juan kay Anton)
wow. lhat ng post mo iancris ng cocoincide sa topic nmin! word to word... the best ka?! ty
ReplyDeletethank you too
Deletemay natotonan aq sa mga ito,,,,jejejeeje
ReplyDelete*thumbs up*
ReplyDeletepanget nyu
Deletemaraming salamat at ur welcome...
ReplyDeletedadagan nyo pa nga po ng tungkol sa 1. Haba
ReplyDelete* ito ay ang pagbigkas nang mahaba sa patinig (a, e, i, o, u ) ng bawat
pantig.
* maaaring gumamit ng simbolong tuldok (. ) para sa pagkilala sa haba.
* mga halimbawa ng salita:
bu.kas = nangangahulugang susunod na araw
bukas = hindi sarado
2. Diin
*tumutukoy ito sa lakas ng pagbigkas s isangpantig ng salitng
binibigkas.
*maaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik.
*Mga halimbawa ng salita:
BU:hay = kapalaran ng tao
bu:HAY = humihinga pa
LA:mang = natatangi
la:MANG = nakahihigit; nangunguna
3. Tono
* nagpalilinaw ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap
* Tulad ng pag-awit, sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman at
mataas na tono.
* maaaring gamitin ang blg. 1 sa mababa, blg. 2 sa katamtaman at blg.
3 sa mataas.
* halimbawa ng salita:
Kahapon = 213, pag-aalinlangan
Kahapon = 231, pagpapatibay
talaga = 213, pag-aalinlangan
talaga = 231, pagpapatibay
4. Hinto
*ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging
malinaw ang mensahe.
*maaring gumamit ng simbolo kuwit( , ), dalawang guhit na pahilis ( // )
o gitling ( - )
* mga halimbawa ng salita:
Hindi, siya ang kababata ko.
Hindi siya ang kababata ko.
thank you sa dagdag kaalaman.
Deletethanks :)
DeleteHAHAHAHHAHAH good job pero baka sinearch mu lang bb
DeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeletemaraming salamat po sa lhat ng nagbibigay ng info, laking tulong nito sa assignment ko.
ReplyDeletesalamat naman kung nakatutulong ito sa iyo
Deletethanks for everything!!!
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteDapat doon sa example mo
ReplyDeleteTito/ Juan/ anton ang pangalan niya//
Dapat kasi si Anton yung pinapakilala kay Tito at Juan hindi si tito at juan ang pinakilala kay Anton :)
salamat dito, marami din akong natutunan
di ko maintindihan
ReplyDeleteAlright. I can use it on my report tomorrow.. Salamat po
ReplyDelete- Adrianna Asedillo
Deleteit so mahirap finding ...
ReplyDeleteteacher ba you nice one galing magturo ni kuy's ty sa ito :)
ReplyDeletesalamat sa kaalaman iyong ibinahagi ito ay makatutulong ng malaki upang mapalawig ang kaalaman sa talasalitaan.
ReplyDeleteAno ang ang sagot sa ba:TA?urgent kailangan ko sa assignment
ReplyDeleteThank you
ReplyDeleteHehe ngayon ko lang to nabasa thanks sa sagot,,,,👍
ReplyDeleteThanks po, napakamakabuluhan
ReplyDeleteMali yan
ReplyDeleteMali yan
Wow! Lahat ng kailangan ko nandito! Maraming salamat!
ReplyDeletethx
ReplyDelete
ReplyDelete_____skirt_____1. /sa:yah/ _____/sayah/__1. be happy
______________2. /si:kat/ _______________2. known
______________3. /bu:sog/ _______________3. full
______________4. /ba:ta?/ _______________4. bathrobe
______________5. /li:gaw/ _______________5. stranger
what are the answers?
Hatdog
ReplyDeleteHAHAHAHATDOG
ReplyDeletemaraming salamat po sa malinaw na pagtalakay ng suprasegmental.
ReplyDeleteko maintinfihan Yung nga pangalan
ReplyDelete