Sunday, September 9, 2012

Mga Ponemang Suprasegmental


Mga Ponemang Suprasegmental

            Ang mga ponemng suprasegmental ay tumutukoy sa mga makahulugang yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat. Sa halip, sinisimbulo ito ng mga notasyong ponemiko upang matukoy ang paraan ng pagbigkas. Ang mga uri ng ponemang suprasegmental ay ang diin, intonasyon at hinto.

            Diin.  Ginagamit ang simbolong /:/ upang matukoy ang pantig ng salita na may diin. Sa Filipino, karaniwang binibigkas nang may diin ang salitang higit sa isang pantig. Malimit ding kasama ng diin ang pagpapahaba ng patinig. Tulad nito:

                              /ba:hay/ - tirahan                     /pagpapaha:ba?/ - lengthening
                              /kaibi:gan/ - friend                   /sim:boloh/ - sagisag
           
            Mahalaga ang diin sapagkat sa pag-iiba ng patinig na binibigyang-diin, karaniwang nababago ang kahulugan ng salita. Tulad nito:

                              /ba:lah/ - bullet                         /kasa:mah/ - companion
                              /bala?/ - threat                          /kasamah/ - tenant
                              /tu:boh/ - pipe                          /maŋ:gaga:mot/ - doctor
                              /tu:bo?/ - sprout                       /maŋga:gamot/ - to treat
                              /tuboh/ - sugar cane                /kaibi:gan/ - friend
                              /paso?/ - flower pot                 / ka:ibigan/ - lover
                              /pa:so?/ - burn
                              /pasoh/ - expired

Pagsasanay
I.        Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod ng mga transkripsyong ponemiko. Isulat sa patlang sa kaliwa ang sagot. Isulat naman sa patlang sa gawing kanan ang transkripsyong ponemiko ng isinasaad na kahulugan. Makikita sa unang bilang ang halimbawa:

      _____skirt_____1. /sa:yah/                                    _____/sayah/__1. be happy
      ______________2. /si:kat/                                     _______________2. known
      ______________3. /bu:sog/                                   _______________3. full
      ______________4. /ba:ta?/                                     _______________4. bathrobe
      ______________5. /li:gaw/                                    _______________5. stranger

            Intonasyon.  Tumutukoy ang intonasyon sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita, na maaaring maghudyat ng kahulugan ng pahayag. Tingnan ang mga sumusunod na halimbawa, kung saan ipinahihiwatig ng pagtaas o pagbaba ng tinig.
            Hindi dapat ipagkamali ang intonasyon sa punto at tono ng pagsasalita. Ang punto ay tumutukoy sa rehiyunal na tunog o accent. Iba ang punto ng Ilokano sa Maranao o ng Cebuano sa Ilonggo. Maging sa rehiyong Tagalog, iba ang punto ng mga Batanggenyo at kahit mga taga-Cavite. Sa probinsiya ng Quezon, karaniwang iba’t iba ang punto sa iba’t ibang bayan. Samantala, ang tono ng pagsasalita ay nagpapahayag ng tindi ng damdamin. Maaaring magkaiba-iba ang punto at tuno bagamat iisa ang intonasyon.

            * Pagsasalaysay/paglalarawan                 Dumating sila kanina.
                                                                                    Maganda talaga si Rona.
            * Masasagot ng OO o HINDI                     Totoo?
                                                                                    Sila iyon, di ba?
            * Paghahayag ng matinding damdamin  Naku, may sunog!
                                                                                    Hoy! Alis dyan!
            *Pagbati                                                         Kumusta ka?
                                                                                    Magandang umaga po
                                                                                    Salamat sa iyo.
            * Pagsagot sa tanong                                   Oo, aalis na ako.
                                                                                    Hindi. Hindi ito ang gusto ko.

            Hinto.  Nangangahulugan ito ng pagtigil sa pagsasalita. Maaaring huminto nang panandalian habang sinasabi ang isang pangungusap, at maaari rin sa katapusan na ng pangungusap ang paghinto. Sa pagsulat, sinisimbulo ng kuwit (,) ang panandaliang paghinto at ng tuldok (.) ang katapusan ng pangungusap. Sa mga pangungusap sa ibaba, nilalagyan ng isang bar (/) ang isang saglat na paghinto at ng dobleng bar (//) ang katapusan ng pahayag. Mapapansing naiiba ang kahulugan ng pangungusap sa pag-iiba ng hinto sa pangungusap.

Tito Juan Anton ang pangalan niya//                (Sinasabi ang buong pangalan ng ipinakikilala.)

Tito/ Juan Anton ang pangalan niya//               (Kinakausap si Tito, o kaya’y isang tiyo, at ipinakikilala Si Juan Anton)

Tito Juan/ Anton ang pangalan niya//               (Kausap ang isang tiyo na Juan ang pangalan. Ipinakikilala si Anton)

Tito/ Juan/ Anton ang pangalan niya//            (Ipinakikilala sina Tito at Juan kay Anton)

6 comments:

  1. wow. lhat ng post mo iancris ng cocoincide sa topic nmin! word to word... the best ka?! ty

    ReplyDelete
  2. may natotonan aq sa mga ito,,,,jejejeeje

    ReplyDelete
  3. maraming salamat at ur welcome...

    ReplyDelete
  4. dadagan nyo pa nga po ng tungkol sa 1. Haba
    * ito ay ang pagbigkas nang mahaba sa patinig (a, e, i, o, u ) ng bawat
    pantig.
    * maaaring gumamit ng simbolong tuldok (. ) para sa pagkilala sa haba.
    * mga halimbawa ng salita:
    bu.kas = nangangahulugang susunod na araw
    bukas = hindi sarado
    2. Diin
    *tumutukoy ito sa lakas ng pagbigkas s isangpantig ng salitng
    binibigkas.
    *maaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik.
    *Mga halimbawa ng salita:
    BU:hay = kapalaran ng tao
    bu:HAY = humihinga pa
    LA:mang = natatangi
    la:MANG = nakahihigit; nangunguna
    3. Tono
    * nagpalilinaw ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap
    * Tulad ng pag-awit, sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman at
    mataas na tono.
    * maaaring gamitin ang blg. 1 sa mababa, blg. 2 sa katamtaman at blg.
    3 sa mataas.
    * halimbawa ng salita:
    Kahapon = 213, pag-aalinlangan
    Kahapon = 231, pagpapatibay
    talaga = 213, pag-aalinlangan
    talaga = 231, pagpapatibay
    4. Hinto
    *ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging
    malinaw ang mensahe.
    *maaring gumamit ng simbolo kuwit( , ), dalawang guhit na pahilis ( // )
    o gitling ( - )
    * mga halimbawa ng salita:
    Hindi, siya ang kababata ko.
    Hindi siya ang kababata ko.

    ReplyDelete