Sunday, February 3, 2013

Panunuring Pampanitikan: Ang Imahismo

     Sa mga unang dalawang dekada ng ika-20 siglo lumaganap ang Imahismo bilang isang kilusang panulaan sa Estados Unidos at Inglatera. Nagbibigay-pansin sa hanay ng mga salita at simbolismo ang nasabing kilusan.

     Ilan sa mga prominenting pangalan sa kilusang ito ay ang mga mga makatang Amerikano na sina Ezra Pound, Amy Lowell, John Houlg Fletcher at Hilda Doolittle. Samantala, sa Inglatera naman ay nakilala ang mga manunulat na sina D.H, Lawrence at Richard Aldington. Kasabay ng kanilang paglikha ng mga obra sa ganitong lapit, nagpalaganap din ang kanilang hanay ng mga manipesto at sanaysay na kumakatawan sa kanilang teorya.

     Binibigyang-diin ng Imahismo ang pagpili ng tiyak na mga salita, kalayaan sa pagpili ng mga paksa at porma at ang paggamit ng mga salitang karaniwang ginagamit sa araw-araw.Karamihan sa mga imahismong manunulat ay nagsusulat sa malayang bersyo kaysa sa pormal na may sukat na paraan para magkaroon ng istruktura ang tula.

\
\Source:

Villafuerte, Patrocinio V. at Rolando A. Bernales.  2008.  Pagtuturo ng/sa Filipino: Mga Teorya at Praktika. Valenzuela City: Mutya Publishing House, Inc.

No comments:

Post a Comment