Nagmula sa Latin ang salitang Humanismo na nagpapahiwatig ng mga "di-siyentipikong" larangan ng pag-aaral tulad ng wika, panitikan, retorika, pilosopiya, sining at iba pa.
Ayon sa ibang historyador, ang humanismo ay maaaring ituring na "pagbabalik sa Klasismo"lalo na yaong akdang sining noong panahon ng Renasimyento (renaissance). Sa gaitong klasipikasyon kabilang sina San Agustin at Alcuin. Mga moderno o makabagong humanista naman sina Irving Babbit at Paul Elmer More ng ikadalawampung siglo.
Sa Inglatera, nariyan sina Sir Thomas More, Sir Thomas Elliot at Roger Ascham at ang makatang sina Philip Sidney at William Shakespeare. Sa Persya, maituturing na humanistic sina Robert Gaguini, Jacques Leferde d' Etaples at Guillaume Bude. Sa Italya, nariyan sina Francesco Petrarca, Giovanni Boccaccio, Coluccio Salutati at Leonardo Bruni.
Ang batayang premis ng Humanismo ay nagsasabi na ang tao ay rasyunal na nilalang na may kakayahang maging makatotohanan at mabuti. Sa pilospiya, ang humanismo ay pagpapakita ng atityud na nagbibigay-diin sa dignidad at halaga ng indibidwal. Karaniwang ginagamit ang humanismo para ilarawan ang kilusang panitikan at kultura sa Kanluwang Europa noong ika-14 hanggang ika-15 siglo.
Nagsimula sa Italya ang humanistang kilusan,kung saan malaki ang naiambag ng mga huling medyibal na manunulat gaya nina Dante, Giovanni Boccaccio at Francesco Petrarch sa pagkakatuklas at preserbasyon ng klasikal na akda.
Nagbigay naman ng bagong sigla sa Humanismo ang pagkakatuklas ng paglilimbag noong ika-15 siglo sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng mga klasikong edisyon.
Malawak ngang masasabi ang tema ng Humanismo. Sa katunayan ay mayroon itong iba't ibang uri tulad ng literal humanism, secular humanism, religious humanism at iba pa.
Sa pagsusuri ng panitikan ayon sa pananaw na Humanistiko, mainam na tingnan ang mga sumusunod:
a) pagkatao;
b) tema ng kwento;
c) mga pagpapahalagang pantao: moral o etikal ba?
d) mga bagay na nakaiimpluwensya sa pagkatao ng tauhan at
e) pamamaraan ng pagbibigay-solusyon sa problema.
Source:
Villafuerte, Patrocinio V. at Rolando A. Bernales. 2008. Pagtuturo ng/sa Filipino: Mga Teorya at Praktika. Valenzuela City: Mutya Publishing House, Inc.
No comments:
Post a Comment