Sunday, February 3, 2013

Batayang Kasanayan ng Epektibong Pakikinig

Kahulugan ng Pakikinig:

1. Ang pakikinig ay ang kakayahang makilala at mauunawaan ang sinasabi ng kausap.
2. Ito'y prosesong panloob na hindi tuwirang nakikita.
3. Ito'y isang pasiv at hindi aktibong proseso ng pagkuha at pagbuo ng mensahe mula sa daloy ng tunog.
4. Ito'y isang kakayahan na matukoy at maunawaan ang sinasabi ng iba. Nakapaloob dito ang pag-unawa sa wastong pagbigkas ng nagsasalita, balarila, talasalitaan at pagpapakahulugan. Ang apat na nabanggit ay dapat taglayin ng nagsasalita.

Layunin ng Epektibong Pakikinig:
     Ang pakikinig ay isang kasanayang nangangailangan ng pag-unawa, pagbibigay-kahulugan, pagtataya at pagsasagawa ng anumang narinig. Dahil dito, mahalagang matandaan ang sumusunod na mga layunin nito:
1. makakuha at makapagpalitan ng impormasyon.
2. matamo ang pagkaunawa.
3. mapasaya ang sarili
4. makibahagi sa pangyayaring nagaganapsa lipunan.

Uri ng Epektibong Pakikinig

1. Pakikinig na mardyinal o pasiv.  Sa uring ito, habang nagsasalita ang nagsasalita, ang tagapakinig ay may ginagawang bagay. Halimbawa'y nananahi, nanunulsi, nagdidilig ng halaman, nagsusulat atbp.

2. Pakikinig na kritikal/analitikal.  Sa uring ito, pinakikinggang mabuti ng tagapakinig ang sinasabi ng kausap upang kanyang masuri ang mga salita, pangungusap at buong ideyang sinasabi ng kanyang kausap.

3. Pakikinig na kritikal/judgemental.  Sa uring ito, mag-iisip at magdedesisyon ang tagapakinig kung tama o mali, kung sang-ayon o siya'y di sang-ayon sa ideya o konseptong kanyang napakinggan.

4. Pakikinig nang may kasiyahan.  Sa uring ito, inuunawang mabuti ng tagapakinig ang mensaheng kanyang napakinggan at pagkatapos ay mababatid niyang ganap siyang nasiyahan sa kanyang napakinggan.


Katangian ng Epektibong Pakikinig

1. Kailangang maganap ang pakikinig nang may pagpili.  Dahil ang pakikinig ay higit pa sa napakinggan, dapat na maging mapili at matuon sa lahalagang tunog ang tagapakinig at hindi sa iba't ibang ingay na kanyang napapakinggan. Ang malakas na pagpapatugtog ng radyo ng kapitbahay at ang malakas na pagpaparinig ng mga instrumentong pangmusika ng banda habang nagsasanay ang mga myembro ay hindi na musika sa tainga kundi ingay.

2. Kailangang maganap ang pakikinig nang may layunin.   May mayunin ang pinipili at itinatanging pakikinig. Sa kabila ng maraming ingay na napapakinggan, kailangang may marinig ang individwal. Ang pag-ingay ng sanggol sa kalagitnaan ng gabi ay may mensaheng ipinahahatid na basa ang lampin ng bata o siya'y nagugutom.

3. Kailangang maganap ang pakikinig nang may atensyon. Ang pakikinig nang may pagpili at may layunin ay nagiging aktiv kung ang tagapakinig ay apektado ng mga salitang kanyang napapakinggan at nagbibigay siya ng reaksyon sa kahulugan ng mga ito. Dahil ang pakikinig ay prosesong pandalawahan, mahalagang magkaroon ng matalinong tagapagsalita at atentib na tagapakinig.


Proseso ng Pagpapahusay ng Epektibong Pakikinig.

1. Kahusayang gramatikal.  Taglay nito ang kaalaman sa morpolohiya, sintaks, vikabularyo at mekaniks.
2. Kahusayang sosyo-linggwistik.  Saklaw nito ang kaalaman sa kontekstong sosyal kung saan nagaganapn ang komunikasyon.
3. Kahusayang diskurso.  Ito'y tumutukoysa interpretasyon sa mga elementong mensahe ng indibidwalsa pamamagitan ng mga interkoneksyon at kung paanong ang kahulugan ay kumakatawan sa buong teksto.
4. Kahusayang Istratedjik.  Ito'y nakatuon sa kakayahang magamitang bilang ng mga estratehiyang gagamitin para mapunan ang nawawalang kaalaman.


Source:

Villafuerte, Patrocinio V. at Rolando A. Berbales.  2008.  Pagtuturo ng/sa Filipino: Mga Teorya at Praktika. Valenzuela City: Mutya Publishing House, Inc.


 

3 comments: