Saturday, June 29, 2013

Ang Dayalekto

1. Varayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko. Tinatawag din itong wikain at ginagamit sa isang partikular na rehiyon, malaki man o maliit.
2. Makilala ang dayalekto hindi lamang sa pagkakaroon nito ng set ng mga distinct na bokabularyo kundi maging sa punto o tono at sa istruktura ng pangungusap.
3. Ito ay wika na katulad rin ng bernakular na palasak sa isang pook ng kapuluan. Ito ay yaong unang wikang kinamulatan at ugat ng komunikasyon sa tahanan at pamayanan, lalawigan. Ito rin ang wikang unang kinagisnan, naririnig at namumutawi sa bibig ng mgfa tao, ng mga magulang sa tahanan at sambayanan. Ito'y nagsisilbing midyum ng komuunikasyon sa isang pook na kung saan ang nasabing katutubong wika ay nabibilang.
4. Batay sa laki, ang wika ay mas malaki kaysa dayalekto. Ang varayti na tinatawag na wika ay m,as maraming aytem kaysa sa dayalekto. Kaya't ang Filipino ay isang wika na bumubuo sa lahat ng dayalekto nito tulad sa Filipino sa Metro Manila, Filipino sa Baguio o Filipino sa Metro Cebu.
5. Batay sa prestihiyo, ang wika ay may prestihiyong hindi makikita sa dayalekto. Kung ito ay pagbabatayan, ang wikang Ingles halimbawa na ginagamit sa pormal na pagsulat ay istandard na Ingles samantalang dayalekto lamang iyong hindi nagagamit ng gayon, bagamat sa pananaw ng linggwistika ay walang wikang mataas o mababa.


Sanggunian:

Hufana, Nerissa L. 2010. Wika, Kultura, at Lipunang Pilipino. Iligan City: Departamento ng Filipino at Ibang mga Wika. Kolehiyo ng Sining at Agham Panlipunan. MSU-Iligan Institute of Technology.

3 comments:

  1. kailan nagiging wika ang isang dayalekto?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nagiging diyalekto ang isang wika kapag ito ay nagkakaroon ng iba’t ibang paraan sa pananalita ng mga salita nito, kasama na rito ang pagkakaiba sa punto, pagbigkas at diin.

      Delete
  2. Ilahad Ang dayalektong Ginagamit

    ReplyDelete