- Wikang ginagamit ng bawat partikular na grupo ng tao sa lipunan. Maaaring ang grupo ay nagkakaiba ayon sa edad, seks, uri ng trabaho, istatus sa buhay, uri ng edukasyon, atbp.
- Makikilala ang iba't ibang varayti ng wika sa pagkakaroon ng kakaibang rehistro na tangi sa pangkat na gumagamit ng wika.
Pansinin kung paanong inilalantad ng rehistro ng mga sumusunod na pahayag ang pinagmulan ng mga ito:
- Wiz ko feel ang mga hombre ditech, day!
- Wow pare, ang tindi ng tama ko! Heaven!
- Kosa, pupuga na tayo mamaya.
- Girl, bukas na lang tayo mag-iib. Mag-malling muna tayo ngayon.
- Pare, punta muna tayo mamaya sa Mega. Mejamming dun, e.
Sanggunian:
Hufana, Nerissa. 2010. Wika, Kultura, at Lipunang Pilipino. Iligan City: MSU-IIT.
meron pa po ba kayong mga halimbawa nito ?
ReplyDeletendi pa kunumpleto
ReplyDeletePwede pa kayong magbigay pa ng mga halimbawa ng sosyolek? Ngayon na po pwede ba?
ReplyDeletesosyolek, mga salitang nabubuo, o naiimbento, tulad lamang ng bekimon ang wikang mga bakla ang pinagmulan.
DeleteMga Halimbawa Ng Sosyolek
Delete Wikang bekimon/ gay linggo: “Ang chaka naman ng fez ng jowabels mo.” (Ang pangit naman ng mukha ng kasintahan mo)
Wikang balbal/ kanto: “Lakas ng amats ko sa nomo natin kagabi. Galit si mudra ko at senglot na naman!” (Ang lakas ng tama ko sa ininom natin kagabi. Nagalit ang nanay ko at lasing na naman ako)
Wikang conyo: “OMG! Lakas naman the rain. And there is a baha na out there. So yuck talaga!” (Ang lakas naman ng ulan at baha na sa labas. Nakakadiri talaga!)
magaling magaling
ReplyDelete