Sa mga unang dalawang dekada ng ika-20 siglo lumaganap ang Imahismo bilang isang kilusang panulaan sa Estados Unidos at Inglatera. Nagbibigay-pansin sa hanay ng mga salita at simbolismo ang nasabing kilusan.
Ilan sa mga prominenting pangalan sa kilusang ito ay ang mga mga makatang Amerikano na sina Ezra Pound, Amy Lowell, John Houlg Fletcher at Hilda Doolittle. Samantala, sa Inglatera naman ay nakilala ang mga manunulat na sina D.H, Lawrence at Richard Aldington. Kasabay ng kanilang paglikha ng mga obra sa ganitong lapit, nagpalaganap din ang kanilang hanay ng mga manipesto at sanaysay na kumakatawan sa kanilang teorya.
Binibigyang-diin ng Imahismo ang pagpili ng tiyak na mga salita, kalayaan sa pagpili ng mga paksa at porma at ang paggamit ng mga salitang karaniwang ginagamit sa araw-araw.Karamihan sa mga imahismong manunulat ay nagsusulat sa malayang bersyo kaysa sa pormal na may sukat na paraan para magkaroon ng istruktura ang tula.
\
\Source:
Villafuerte, Patrocinio V. at Rolando A. Bernales. 2008. Pagtuturo ng/sa Filipino: Mga Teorya at Praktika. Valenzuela City: Mutya Publishing House, Inc.
Ang blog na ito nagbibigay ng mga kaalaman tungkol sa sabjek ng Sining ng Komunikasyon at ng Malikhaing Pagsulat. Makakatulong ito sa mga estudyante at guro ng/sa Filipino. Ang mga kaalamang ito ay hango sa mga aklat o artikulong nababasa ng may-ari ng blog na ito.
Sunday, February 3, 2013
Panunuring Pampanitikan: Ang Huminismo
Maaaring ilapat ang Humanismo sa maraming paniniwala, pamamaraan at pilosopiyang nagbibigay-tugon sa kalagayan at karanasan ng tao. Sa lawak ng mapaglalapatan ng humanismo, mapapangkat ito sa tatlo: humanismo bilang klasismo, modernong humanismo at humanismong umiinog sa tao.
Nagmula sa Latin ang salitang Humanismo na nagpapahiwatig ng mga "di-siyentipikong" larangan ng pag-aaral tulad ng wika, panitikan, retorika, pilosopiya, sining at iba pa.
Ayon sa ibang historyador, ang humanismo ay maaaring ituring na "pagbabalik sa Klasismo"lalo na yaong akdang sining noong panahon ng Renasimyento (renaissance). Sa gaitong klasipikasyon kabilang sina San Agustin at Alcuin. Mga moderno o makabagong humanista naman sina Irving Babbit at Paul Elmer More ng ikadalawampung siglo.
Sa Inglatera, nariyan sina Sir Thomas More, Sir Thomas Elliot at Roger Ascham at ang makatang sina Philip Sidney at William Shakespeare. Sa Persya, maituturing na humanistic sina Robert Gaguini, Jacques Leferde d' Etaples at Guillaume Bude. Sa Italya, nariyan sina Francesco Petrarca, Giovanni Boccaccio, Coluccio Salutati at Leonardo Bruni.
Ang batayang premis ng Humanismo ay nagsasabi na ang tao ay rasyunal na nilalang na may kakayahang maging makatotohanan at mabuti. Sa pilospiya, ang humanismo ay pagpapakita ng atityud na nagbibigay-diin sa dignidad at halaga ng indibidwal. Karaniwang ginagamit ang humanismo para ilarawan ang kilusang panitikan at kultura sa Kanluwang Europa noong ika-14 hanggang ika-15 siglo.
Nagsimula sa Italya ang humanistang kilusan,kung saan malaki ang naiambag ng mga huling medyibal na manunulat gaya nina Dante, Giovanni Boccaccio at Francesco Petrarch sa pagkakatuklas at preserbasyon ng klasikal na akda.
Nagbigay naman ng bagong sigla sa Humanismo ang pagkakatuklas ng paglilimbag noong ika-15 siglo sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng mga klasikong edisyon.
Malawak ngang masasabi ang tema ng Humanismo. Sa katunayan ay mayroon itong iba't ibang uri tulad ng literal humanism, secular humanism, religious humanism at iba pa.
Sa pagsusuri ng panitikan ayon sa pananaw na Humanistiko, mainam na tingnan ang mga sumusunod:
a) pagkatao;
b) tema ng kwento;
c) mga pagpapahalagang pantao: moral o etikal ba?
d) mga bagay na nakaiimpluwensya sa pagkatao ng tauhan at
e) pamamaraan ng pagbibigay-solusyon sa problema.
Source:
Villafuerte, Patrocinio V. at Rolando A. Bernales. 2008. Pagtuturo ng/sa Filipino: Mga Teorya at Praktika. Valenzuela City: Mutya Publishing House, Inc.
Batayang Kasanayan ng Epektibong Pakikinig
Kahulugan ng Pakikinig:
1. Ang pakikinig ay ang kakayahang makilala at mauunawaan ang sinasabi ng kausap.
2. Ito'y prosesong panloob na hindi tuwirang nakikita.
3. Ito'y isang pasiv at hindi aktibong proseso ng pagkuha at pagbuo ng mensahe mula sa daloy ng tunog.
4. Ito'y isang kakayahan na matukoy at maunawaan ang sinasabi ng iba. Nakapaloob dito ang pag-unawa sa wastong pagbigkas ng nagsasalita, balarila, talasalitaan at pagpapakahulugan. Ang apat na nabanggit ay dapat taglayin ng nagsasalita.
Layunin ng Epektibong Pakikinig:
Ang pakikinig ay isang kasanayang nangangailangan ng pag-unawa, pagbibigay-kahulugan, pagtataya at pagsasagawa ng anumang narinig. Dahil dito, mahalagang matandaan ang sumusunod na mga layunin nito:
1. makakuha at makapagpalitan ng impormasyon.
2. matamo ang pagkaunawa.
3. mapasaya ang sarili
4. makibahagi sa pangyayaring nagaganapsa lipunan.
Uri ng Epektibong Pakikinig
1. Pakikinig na mardyinal o pasiv. Sa uring ito, habang nagsasalita ang nagsasalita, ang tagapakinig ay may ginagawang bagay. Halimbawa'y nananahi, nanunulsi, nagdidilig ng halaman, nagsusulat atbp.
2. Pakikinig na kritikal/analitikal. Sa uring ito, pinakikinggang mabuti ng tagapakinig ang sinasabi ng kausap upang kanyang masuri ang mga salita, pangungusap at buong ideyang sinasabi ng kanyang kausap.
3. Pakikinig na kritikal/judgemental. Sa uring ito, mag-iisip at magdedesisyon ang tagapakinig kung tama o mali, kung sang-ayon o siya'y di sang-ayon sa ideya o konseptong kanyang napakinggan.
4. Pakikinig nang may kasiyahan. Sa uring ito, inuunawang mabuti ng tagapakinig ang mensaheng kanyang napakinggan at pagkatapos ay mababatid niyang ganap siyang nasiyahan sa kanyang napakinggan.
Katangian ng Epektibong Pakikinig
1. Kailangang maganap ang pakikinig nang may pagpili. Dahil ang pakikinig ay higit pa sa napakinggan, dapat na maging mapili at matuon sa lahalagang tunog ang tagapakinig at hindi sa iba't ibang ingay na kanyang napapakinggan. Ang malakas na pagpapatugtog ng radyo ng kapitbahay at ang malakas na pagpaparinig ng mga instrumentong pangmusika ng banda habang nagsasanay ang mga myembro ay hindi na musika sa tainga kundi ingay.
2. Kailangang maganap ang pakikinig nang may layunin. May mayunin ang pinipili at itinatanging pakikinig. Sa kabila ng maraming ingay na napapakinggan, kailangang may marinig ang individwal. Ang pag-ingay ng sanggol sa kalagitnaan ng gabi ay may mensaheng ipinahahatid na basa ang lampin ng bata o siya'y nagugutom.
3. Kailangang maganap ang pakikinig nang may atensyon. Ang pakikinig nang may pagpili at may layunin ay nagiging aktiv kung ang tagapakinig ay apektado ng mga salitang kanyang napapakinggan at nagbibigay siya ng reaksyon sa kahulugan ng mga ito. Dahil ang pakikinig ay prosesong pandalawahan, mahalagang magkaroon ng matalinong tagapagsalita at atentib na tagapakinig.
Proseso ng Pagpapahusay ng Epektibong Pakikinig.
1. Kahusayang gramatikal. Taglay nito ang kaalaman sa morpolohiya, sintaks, vikabularyo at mekaniks.
2. Kahusayang sosyo-linggwistik. Saklaw nito ang kaalaman sa kontekstong sosyal kung saan nagaganapn ang komunikasyon.
3. Kahusayang diskurso. Ito'y tumutukoysa interpretasyon sa mga elementong mensahe ng indibidwalsa pamamagitan ng mga interkoneksyon at kung paanong ang kahulugan ay kumakatawan sa buong teksto.
4. Kahusayang Istratedjik. Ito'y nakatuon sa kakayahang magamitang bilang ng mga estratehiyang gagamitin para mapunan ang nawawalang kaalaman.
Source:
Villafuerte, Patrocinio V. at Rolando A. Berbales. 2008. Pagtuturo ng/sa Filipino: Mga Teorya at Praktika. Valenzuela City: Mutya Publishing House, Inc.

Ikaw
Ikaw
Rusweet Anne L. Cajeta
Mata mo na maningning
Inaasam paggising
Sana naman mapansin
Lihim ko na pagtingin.
Rusweet Anne L. Cajeta
Mata mo na maningning
Inaasam paggising
Sana naman mapansin
Lihim ko na pagtingin.
Makinig (Tanaga)
Makinig
Diace Dalagan
Hala mangalumbaba
Utak gawing sariwa
Nawa'y toon ang diwa
Sa gurong kumukuba.
Diace Dalagan
Hala mangalumbaba
Utak gawing sariwa
Nawa'y toon ang diwa
Sa gurong kumukuba.
Ang mga Katangian ng Epektibong Guro
1. Walang iyinatangi. Hindi malilimutan ng mga mag-aaral kung ang guro'y may paborito sa klase o angkanyang di pagkakapantay-pantay na pagtrato sa kanyang mga mag-aaral. Sa loob ng klase, dapat na siya'y walang kinikilingan at mahalagang maging pantay ang kanyang pagtingin sa lahat ng mga mag-aaral.
2. May positibong ugali. NAsisiyahan ang mga mag-aaral kung sila'y nabibigyan ng papuri at pagkakilala o rekognisyon. Malaki ang impak nito sa kanilang tiwala sa sarili at direksyon. Naniniwala at nasisiyahan siya sa tagumpay ang kanilang mga mag-aaral.
3.May kahandaan. Ang kahusayan (competence) at kaalaman sa saklaw ng nilalaman ng mga paksang itinuturo ay kinikilala ng mga mag-aaral. Madaling makilala ng mga mag-aaral ang gurong organisado at handa nang magturo.
4. May haplos-personal. Pinahahalagahan ng mga mag-aaral ang gurong may ugnayan sa kanila, yaong tumatawag sa kanilang pangalan, palangiti, nagtatanong tungkol sa kanilang nadarama at opinyon, tinutuklas ang kanilang interes at tinatanggap ang tunay nilang pagkatao. Ang pagkukwento ng guro ng mga kwentong may kinalaman sa aralin ay higit na nagugustuhan ng mga mag-aaral.
5. Masayahin. Naaalala ng mga mag-aaral ang gurong masayahin sa klase. Ang dagling pagbibiro at pagpapatawa sa mga sitwasyong nahihirapan at napapahiya ang mga mag-aaral ay nakababawas sa paghihirap o kahihiyang dinaranas ng mga mag-aaral.
6. Malikhain. Nagugunita ng mga mag-aaral ang kanilang gurong malikhain sa mga gawaing pangklasrum, lalo na sa oras na ginaganyak sila para sa isasagawang aralin, pati na ang pag-aayos sa klasrum ng kanilang guro.
7. Marunong tumanggap ng kamalian. Nababatid ng mga mag-aaral kung nagkakamali ang kanilang guro lalo't sila ang labis na naaapektuhan bunga ng pagkakamaling ito. Nagiging modelo ang isang guro kung tinatanggap niya ang kanyang pagkakamali at buong pagpapakumbabang humingi siya ng kapatawaran sa pagkakamaling kanyang nagawa.
8. Mapagpatawad. Kinalulugdan ng mga mag-aaral ang gurong marunong magpatawad sa kasalanang kanilang nagawa, lalo't yaong nauukol sa kanilang maling gawi at ikinilos. Ang guro ang tagabuo ng anumang tunggaliang nagaganap sa klase kaya't mahalagang maiwasan din niyang magbigay ng di-magandang puno ukol dito.
9. May respeto. Ang kinalulugdang guro ay yaong marunong maglihim ng markang kanyang ibinigay sa kanyang mga mag-aaral o yaong kinakausap ang mag-aaral na may nagawang pagkakamali o kasalanan nang walang nakaririnig o nakakaalam, o yaong nagpapakita ng sensitibiti sa nadarama ng kanyang mga mag-aaral, nagiging marubdob ang mga mag-aaral na matupad ang kanyang mga tunguhin.
10. May mataas na ekspektasyon. Ang di-malilimutang guro ay yaong nagpapakita ng napakataas na pamantayan lalo't hinahamon ang kanyang mga mag-aaral na gawin nang napakahusay ang kanyang ipinag-uutos. Madalas na nawawalan ng tiwala sa sarili ang mga mag-aaral. Kung maniniwala ang guro na may mga kakayahan ang kanyang mga mag-aaral, nagiging marubdob ang mga mag-aaral na matupad ang kanyang mga tunguhin.
11. Mapagmahal. Kung aalamin ng guro kung bakit naalis sa isang laro, ang kanyang mag-aaral at kikilos siya upang makagawa ng paraan halimbawa para malutas ang suliranin nito ay naglalarawan ng pag-aalala at pagmamahal.
12. Ipinadaramang kabilang ang bawat mag-aaral. Laging nasa isip ng mga mag-aaral na sila'y kabilang sa klase. Nadarama nilang kapamilya ang kanilang guro. Ang pagtatanong at pagpapakita ng kasiyahan sa ipinakikitang mga gawad, pampamilyang album at iba pa ng mag-aaral ay nakabubuo ng pagkakaisa at mabuting pagsasamahan. Ang mahusay at epektibong guro ay yaong nakaiisip agad ng paraan upang hindi magkaroon ng hinanakitan ang kanyang mga mag-aaral.
Source: Villafuerte, Patricinio V. at Rolando A. Bernales. 2008. Pagtuturo ng/sa Filipino: Mga Teorya at Praktika. Valenzuela City: Mutya Publishing House, Inc.

Subscribe to:
Posts (Atom)