ANG ALAMAT
Ayon sa maraming sabi-sabi, ang
kapanhyunan ng mga alamat sa ating bansa ay nagsimula sa kauna-unahang panahon
ng ating lahi at ang kaalaman natin ngayon ay hango sa saling-dila ng ating mga
ninuno. Sa pagpapalipat-lipat na ito, maaaring nagkaroon ng mga pagbabago ang
ating mga alamat. Gayunpaman, hindi nawawala ang katangianj nitong ilahad ang
pinagmulan ng tao, bagay, lunana o mga pangyayari sa ating kapaligiran.
Alinsunod naman sa mga poklorista,
nahahati sa dalawang pangkat ang mga alamat. Una’y ang mga alamat nha
nagpapaliwanag kung paano nagsilam ang bagay sa daigdig tulad ng mga bagay sa
kalikasan: ilog, bundok, mga lawa, at iba pa, mga hayop, mga halaman, at iba
pang kauri nito. Kasama rin sa pangkat na ito ang mga alamat na
nagbibigay-katwiran kung bakit ang isang bagay, lunan o pangyayari ay ganito.
Tulad ng mga alamat na nagpapaliwanag kung bakit ang buntot ng aso ay kumakawag
o bakit ang mgta lamok ay umuugong kapag lumilipad.
Ang ikalawang pangkat ng mga alamat
ay yaong nagpapaliwanag o nagsasabi ng pinagmulan ng mga bagay-bagay. Kasama
rito ang mga kuwento tungkol sa matatapang at makikisig na tao o mga bayani na
matatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng kapuluan. Kabilang dito si Angalo ng
Ilokano, Binag at Malana ng mga Ibanag, at Bernardo Carpio ng mga Tagalog
bagamat impluwensya ng mga Kastila. Makikita sa mga tulad nito ang mga
pangunahing tauhan sa mga epikong tulad ni Lam-ang ng mga Olokano, Tuwaang ng
mga Manuvu. Agyu ng Bukidnon, at Bantugan ng mga Maranaw. Kasama rin sa pangkat
na ito ang mga alamat tungkol sa mga di-kapani-paniwalang nilalang na
pinaniniwalaan ng ating mga ninuno tulad ng mga duwende, engkantada, sirena,
aswang, kapre, tikbalang, tiyanak at iba pa.
Napatunayan ng maraming pag-aaral na
ang kabangyaman ng ating mga alamat ay hindi gaanong natatarok. Marami pang mga
alamat ang patuloy na nagpapasalin-salin sa bibig ng mga mamamayan ang hindi pa
naisusulat. Isang hamon ito sa ating mga mag-aaral at sa mga alagad ng
panitikan.
No comments:
Post a Comment