KABANATA 1: SA KUBYERTA
Sinopsis:
Isang
umaga ng buwan ng Disyembre, ang Bapor Tabo na naghahatid ng maraming
manlalakbay na patungo sa lalawigan ng Laguna ay hirap na hirap sa pagsalunga
sa malakas na agos ng Ilog Pasig.
Ang
bapor na ito ay mabigat at pabilog na parang tabo na pinaghanguan ng pangalan
nito. Lulan sa kubyerta nito sina Don Custodio, Ben Zayb, Padre Irene, Padre
Salvi, Donya Victorina, Kapitan Heneral at Simoum.
Naging
mainit ang pagtatalo nang magawi ang pag-uusap tungkol sa pagpapailalim ng ilog
Pasig upang malutas ang suliranin sa paglalakbay. Mungkahi ni Don Custodio:
mag-alaga ng itik. Pumasok sa kainitan ng pagtatalo ang mag-aalahas na si
Simoun na kilalang tagapayo ng Kapitan Heneral at nagsabi na ang suliranin
tungkol sa mga lawang hindi matino ay napakadali. Aniya, gumawa ng tuwid na
kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at sa look ng Manila.
Labis
na nagulat ang mga kausap ni Simoun sa kanyang mga tinuturan, subalit patuloy
na nakikinig ang mga ito sa kanyang mga mungkahi. Lalo pang namangha ang mga
kausap ni Simoun nang iminungkahi niyang huwag bayaran ang mga manggagawa at
mas makabubuting ang mga bilanggo at mga bihag ang gagawa ng trabaho.
Ipinagpatuloy pa niya na kung mamarapatin, maging ang mga matatanda at mga bata
ay pagtrabahuin din. Hayaan daw na magdala ng kanya-kanyang pagkain at
kagamitan ang mga manggagawa. Nagkasagutan sila ni Don Custodio at ng ilang
pari. Ayon sa ibang sakay, siguradong mag-aalsa ang mga tao kung ganito ang
mangyayari. Napunta ang mainit na usapin sa mga pato na inaalagaan sa Pateros
at Pasig at naging punto ng pag-uusap ang kinakain ng mga ito.
Nang
marinig ito ni Donya Victorina, paismid at palamya siyang nagsalita na kung ang
lahat ay gugugol ng panahon sa pag-aalaga ng mga pato ay siguradong dadami ang
balot na labis niyang inaayawan at pinandidirihan.
Mga tulong sa pag-aaral:
1. Ang
ibabaw ng kubyerta ng bapor ay para sa matataas na uri ng tao, karaniwa’y
Kastila.
2. Ang
Noli ay nagtapos sa buwan ng Disyembre; ang Fili ay dito nagsisimula. Ngunit
ang Disyembre sa Noli at ang sa Fili ay may 13 taong nakapagitan.
3. Si
Don Custodio ay tanungan at tagapayo ng mga taong pamahalaan. Si Ben Zayb
(Ibanez) ay isang mamamahayag.
4. Ang
tabo ay isang katutubong kasangkapan at walang katumbas sa Ingles, katulad din
ng katutubong “batalan”. Ang tabo sa kasalukuyan ay karabiwang latang
pinagbasyuhan ng gatas, kape o ano man. Mula sa abang batalan hanggang sa
makabagong banyong may gripo at dutsa sa Pilipinas ay may tabo. Noon, ang tabo
ay karaniwang pang-ilalim na bahagi ng bao ng niyog.
5. Pinaghahambing
ni Rizal ang Bapor Tabo at ang Pamahalaan sa pamamagitan ng sumusunod:
a)
Sa pagkakaroon ng 2 lugal ng tao – sa kubyerta
at sa ilalim ng kumbyerta, tulad ng pagpapalagay ng pamahalaan na may mga taong
matas ang uri, tulad ng mga Kastila, mayayaman at mga prayle, at mga abang
mamamayang tulad ng mga mestiso at Indiyo.
b)
Sa mabagal ngunit mapagmalaking palakad – tulad
ng pamahalaan na halos hindi nakausad sa may 300 taong pamumuno sa Pilipinas.
c)
Sa pakulapol na pinturang puti – nagpapanggap na
malinis at marangal ngunit makikita ang mga dumi sa likod ng pinta tulad ng mga
walang katarungang pagpatay at pagbibilanggo, ng mga kabulukan, katiwalian at
iba pa sa pamahalaan at simbahan.
d)
Sa bilog na anyo ng bapor – nagpapakilalang ang
pamahalaan ay walang malinaw na kaanyuan; walang plano ng pagiging unahan,
hulihan, tagiliran na tulad ng pamahalaan noon na walang yaring plano ng
pagpapalakad
e)
Sa paggamit ng makina at tikin – tulad ng
pamahalaan, may namamahalang sibil, tulad ng Kap. Heneral at iba pang taong
pamahalaan at mga prailesya o mga kura. Noon ay may union of church and state o
pagiging magkatulong ng pamahalaang sibil at ng simbahan sa pagpapalakad ng mga
suliraning pampulitika at pangkabuhayan ng bayan. Alin ang makina at alin ang
tikin? Ang makina na siyang tuwirang nagpapatakbo sa bilog na bapor ng
pamahalaan, bilog sapagkat walang plano at di alam kung saan ang patungo at
saan ang pabalik, ay siyang pamahalaang sibil, samantalang ang mga tikin ay
siyang mga kura na nagsasabi kung saan dapat patungo ang bapor ng pamahalaan.
6. Nakakabuti
ang malalim na kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at look ng Maynila ayon
kay simoun dahil:
a)
Makapagtitipid ng lupa. Ang liku-likong Ilog
Pasig ay mahahalinhan ng tuwid na kanal.
b)
Iikli ang paglalakbay; uunlad ang negosyo.
c)
Maiiwasan ang mga putik at burak sa mga
pampangin ng Ilog Pasig.
d)
Giginhawa ang paglalakbay.
7. Tutol
dito si Don Custodio dahil:
a)
,malaki ang gugugulin
b)
Maraming bayan ang kakailanganing sirain
c)
Walang ibabayad sa mga manggagawa.
8. May
tugon si Simoun dito na:
a)
Kung maraming bayan ang kailangang mawasak,
sirain ito.
b)
Kung walang ibabayad sa gagawa, gumamit ng mga
bilanggo.
c)
Kung di sapat ang mga bilanggo, pagawain ng
walang bayad ang taong-bayan na magdadala ng sariling pagkain at kasangkapan.
Sa ganito raw paraan natayo ang piramide sa Ehipto at koliseo sa Roma na
hinahangaan ngayon kaugnay ng pangalan ng mga paraon at mga pinuno sa Roma
gayong limot na natin ang libu-libong nangamatay na manggagawa roon. :Ang mgta
patay ay patay na at tanging malalakas ang binibigyang katwiran ng panahon.”
d)
At di raw maghihimagsik ang bayan tulad ng mga
Ehipto.
9. Nangingilag
ang mga prayle at sina Don Custodio kay Simoun dahil ito ay kaibigan ng kapitan
Heneral, doon pa sa Habana, Kuba.
Mga Karagdagang Tanong:
1. Kung
si Simoun nga ay ang dating si Ibarra, bakit kaya niya ipinayo ang pagpapahirap
sa mga Pilipino?
2. Ilarawan
c Donya Victorina.
3. Ano
ang nangyari kay Don Tiburcio?
Para mas makuha niya ang attensyon at pabor para mapalakas niya ang kapangyarihan na maari nyang magamit sa katagalan
ReplyDeleteDid ba Sabi ang sa unang kabanata ng El fili at isinaad no Rizal and tulay sa mahayhay Laguna na pinangalanang"fuente del capricho"bakit Wala.
ReplyDeleteUpang maturing oumaban Ang mga Pilipino.
ReplyDelete🤓🤓🤓
ReplyDeletedahil para makita ng mga pilipino ang ginagawa ng mga kastila o prayle ang kanilang karapatan
ReplyDeleteふck
ReplyDelete