ANG KALUPI
Benjamin Pascual
Mataaas
na ang araw nang lumabas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit na
barung-barong. Aliwalas ang kanyang mukha: sa kanyang lubog na mga mata na
bahagyang pinagdilim ng kanyang malalagong kilay ay nakakintal ang kagandahan
ng kaaya-ayang umaga. At sa kanyang maninipis na labi, na bahagyang pasok sa
pagkakalapat at maputla, ay naglalaro ang isang ngiti ng kasiyahan. Araw ng
pagtatapos ng kanyang anak na dalaga; sa gabing iyon at tatanggapin nito ang
diploma bilang katunayang natapos niya ang apat na taong inilagi sa mataas na
paaralan. Ang sandaling pinakahihintay niya sa mahaba-haba rin namang panahon
ng pagpapaaral ay dumating na: ang magkaroon ng isang anak na nagtapos sa high school ay hindi na isang maliit na
gaya niya. Sa mapangarapin niyang diwa ay para niyang nakikita ang kanyang anak
na dalaga sa isang kasuutang puting-puti, kipkip ang ilang libro at nakangiti
patungo sa lalo pang mataas na hangarin sa buhay, ang makatapos sa kolehiyo, magpaunlad
ng kabuhayan at sumagana. Maaaring balang araw ay magkaroon din siya ng
mamaniganging may sinasabi rin naman. Nasa daan na siya, para pa niyang
naririnig ang matinis na halakhak ng kanyang anak na dalaga habang paikut-ikot
nitong isinusukat sa harap ng salamin ang nabuburdahang puting damit na isusuot
sa kinagabihan. Napangiti siyang muli.
Mamimili
si Aling Marta. Bitbit ng isang kamay ang isang pangnang sisidlan ng kanyang
pamimilhing uulamin. Habang daan, samantalang patungo sa pamilihang-bayan ng
Tondo, ay mataman niyang iniisip ang mga bagay na kanyang pamimilhin. Hindi
pangkaraniwang araw ito at kinakailangang magkaroon silang mag-anak ng hindi
pangkaraniwang pananghalian. Bibili rin siya ng garbansos. Gusting-gusto ng
kanyang magtatapos na anak ang minatamis na garbansos.
Mag-iikasiyam
na nang dumating siya sa pamilihan. Sa labas pa lamang ay naririnig na ang di-makamayaw
na ingay na nagbubuhat sa loob, ang ingay ng mga magbabangos na pakanta pang
isinisigaw ang halaga ng kanilang paninda, ang salit-salitang tawaran ng mga
mamimili. Linggo ng umaga at ang palengke ay siksikan. Sa harapan niya piniling
magdaan. Ang lugal ng magmamanok ay nasa dulo ng pamilihan at sa panggitnang
lagusan siya daraan upang magdaan tuloy sa tindahan ng mga tuyong paninda at
bumili ng mantika. Nang dumating siya sa panggitnang pasilyo at umakmang
hahakbang na papasok ay siyang paglabas ng humahangos na isang batang lalaki,
na sa kanilang pagbabangga ay muntik na niyang ikabuwal. Ang siko ng bata at
tumama sa kanyang kaliwang dibdib.
“Ano
ka ba?” bulyaw ni Aling Marta. “Kay sikip na ng daraanan ay patakbo ka pa kung
lumabas!”
“Pasensiya
na kayo, Ale,” sabi ng bata. Hawak nito ang isang maliit na bangos na
tig-bebente, sa loob-loob ni Aling Marta. Ang bata ay takot na nakatingin sa
kanya. “Hindi ko ho kayo sinasadya. Nagmamadali ho ako, e.”
“Pasensya!”
sabi ni Aling Marta. “Kung lahat ng kawalang-ingat mo’y pagpapasensyahan nang
pagpapasensyahan ay makakapatay ka ng tao.”
Agad
siyang tumalikod at tuluy-tuloy na pumasok. Paano’t paanuman, naisip niya, ako
ang huling nakapangusap. Higit kong daramdamin kung ako na itong nagawan ng di
mabuti ay sa kanya pa manggagaling ang huling salita. Mataman niyang inisip
kung may iba pang nakakita sa nangyari. Marahas ang kanyang pagkakapagsalita sa
bata at maaaring may kakilala siyang nagdaraan na nakarinig ng kanyang mga
sinabi. Dumating siya sa tindahan ng mga tuyong paninda at bumili ng isang
kartong mantika.
“Tumataba
yata kayo, Aling Godyang,” ang bati niya sa may kagulangan nang tindera na siya
niyang nakaugaliang bilhan. Nakangiti siya at ang babae ay ngumiti rin.
“Tila
nga ho,” ani Aling Godyang. “Tila ho nahihiyang ako sa pagtitinda.”
Natawa
si Aling Marta at pagkaraan ay dumukot sa bulsa ng kanyang bestido upang
magbayad.
“Bakit
ho?” anito.
“A,
e, nawawala ho ang aking pitaka,” wala sa loob na sagot ni Aling Marta.
“Ku,
e, magkano naman ang laman?” ang tanong nga babae.
Ang
tanda niyang laman ng kanyang kalupi ay pitumpong piso na siyang bigay na sahod
ng kanyang asawa nang sinundang gabi, Sabado. Ngunit aywan ba niya kung bakit
sa di pa ma’y nakikiramay nang tono ng nagtatanong ay nakapagpalaki ng kanyang
loob upang sabihin, “E, sandaan at sampung piso ho.”
Nanatili
siya sa pagkakatayo nang ilang saglit, wari’y tinakasan ng lakas, nag-iisip ng
mga nakaraang pangyayari. Mayamaya ay parang kidlat na gumuhit sa kanyang alaala
ang gusgusing batang kanyang nakabangga. Tumama ang siko nito sa kanyang
dibdib, sa kanyang katawan! Dali-dali siyang tumalikod at patakbong lumabas. Hindi
pa marahil iyon nakakalayo; may ilang sandali pa lamang ang nakararaan. Inisip
niya kung ano ang kasuutan nito na maaari niyang pagkakilanlan, ang tabas ng
mukha, ang gupit, ang tindig. Sa labas, sa harap ng palengke na kinaroroonan ng
ilang tindahang maliliit at mangilan-ngilang namimili at mga batang panakaw na
nagtitinda ng gulay, ay nagpalinga-linga siya. Patakbo uli siyang lumakad, sa
harap ng mga bilao ng gulay na halos mayapakan na niya sa pagmamadali, at sa
gawing dulo ng pusisyon, na di-kalayuan sa natatanaw niyang karatig na outpost ng mga pulis, ay nakita niya ang
kanyang hinahanap. Nakatayo ito sa harap ng isang bilao ng kangkong at sa malas
niya ay tumatawad. Hindi siya maaaring magkamali; ang wakwak na kamiseta nito
at ang mahabang pantalon na wari’y salawal ding ginagamit ng kanyang ama ay
sapat nang palatandaan upang ito ay madaling makilala. At ang hawak nitong
bangos na tig-bebeinte.
Maliksi
siyang lumapit at binatak ang bata sa liig.
“Nakita
rin kita!” ang sabi niyang humihingal. “Ikaw ang dumukot ng pitaka ko, ano?
Huwag kang magkakaila!”
Tiyakan
ang kanyang pagkakapagsalita; ibig niyang sa pagkalito ng bata sa pag-aapuhap
ng isasagot ay masukol niyang buung-buo. Ngunit ang bata ay mahinahong sumagot:
“Ano
hong pitaka?” ang sabi. “Wala ho akong kinukuha sa inyong pitaka.”
“Anong
wala!” pasinghal na sabi ni Aling Marta. “Ikaw nga ang dumukot ng pitaka ko at
wala nang iba. Kunwa pa’y binangga mo ‘ko, ano, ha? Magaling, magaling ang
sistema ninyong iyan. Kikita nga kayo rito sa palengke!”
Marami
nang nakapaligid sa kanila, mga batang nagtitinda, lalaki at babaing mamimili. Hinigpitan
ni Aling Marta ang pagkakahawk sa liig ng bata at ito’y pilit na iniharap sa
kababaihan.
“Aba,
kangina ba namang pumapasok ako sa palengke, e banggain ako,” sabi niya. “Nang
magbabayad ako ng pinamili ko’t kapain ko ang bulsa ko, e wala nang laman!”
“Ang
mabuti ho’y ipapulis ninyo,” sabing nakalabi ng isang babaing nakikinig.
“Talagang dito ho sa palengke’y maraming naglipanang batang gaya niyan.”
“Tena,”
sabi ni Aling Marta sa bata. “Sumama ka sa akin.”
“Bakit
ho, saan ninyo ‘ko dadalhin?”
“Saan
sa akala mo?” sabi ni Aling Marta na pinisil ang liig ng bata. “Ibibigay kita
sa pulis. Ipabibilanggo kita kapag di mo inilabas ang dinukot mo sa akin.”
Pilit
na nagwawala ang bata; ipinamulsa niya ang hawak na bangos upang
dalawang-kamayin ang pag-aalis sa mabutong daliri ni Aling Marta na tila kawad
sa pagkakasakal sa kanyang liig. May luha nang nakapamintana sa kanyang mga
mata at ang uhog at laway ay sabay na umaagos sa kanyang liig. Buhat sa likuran
ng mga nanonood ay lumapit an isang pulis, na tanod sa mga pagkakataong tulad
niyon, at nang ito ay malapit ay sinimulan ni Aling Marta ang pagsusumbong.
“Naseguro
ko hong siya dahil sa nang ako’y kanyang banggain, e naramdaman ko ang kanyang
kamay sa aking bulsa,” patapos niyang pagsusumbong. “Hindi ko lang ho naino
kaagad pagka’t akoy nagmamadali.”
Tiningnang
matagal ng pulis ang bata, ang maruming saplot at ang nagmamapa-sa-duming
katawan, pagkatapos ay patiyad na naupo sa harap nito at sinimulang mangapkap.
Sa bulsa ng bata, na sa pagdating ng pulis ay tuluyan nang umiiyak, ay lumabas
ang isang maruming panyolito, basa ng uhog at tadtad ng sulsi, diyes sentimos
na papel at ang tig-bebeinteng bangos.
“Natitiyak
ho ba ninyong talaga na siya ang dumukot ng inyong pitaka?” tanong ng pulis kay
Aling Marta.
“Siya
ho at wala nang iba,” sagot ni Aling Marta.
“Saan
mo dinala ang dinukot mo sa aling ito?” mabalasik na tanong ng pulis sa bata.
“Magsabi ka ng totoo, kung di ay dadalhin kita.”
“Wala
ho akong dinukot na maski ano sa kanya,” sisiguk-sigok na sagot ng bata.
“Maski
kapkapan!” sabad ni Aling Marta. “Ano pa ang kakapkapin namin sa iyo kung ang
pitaka ko, e naipasa mo na sa kapwa mo mandurukot! O, ano, hindi ba ganoon
kayong mga tekas kung lumakad, isa-isa, dala-dalawa, tatlu-tatlo! Ku, ang
mabuti ho yata, Mamang Pulis, e ituloy na natin iyan sa kuwartel. Baka roon
matutong matakot iyan at magsabi ng totoo.”
Tumindig
ang pulis. “Hindi natin kara-karaka madadala ito nang walang evidencia. Kinakailangang kahit paano’y
magkaroon tayo ng maihaharap na katibayang siya nga ang dumukot ng inyong
kuwarta. Papaano ho kung hindi siya?”
“E,
ano pang evidencia ang hinahanap mo?”
sabi ni Aling Marta na nakalimutan ang pamumupo. “Sinabi ko nang binangga ako
nang pasadya, na naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking bulsa. Ano pa?”
Sa
bata nakatingin ang pulis na wari’y nag-iisip ng dapat gawin. Maya-maya, muling
naupo at dumukot ng isang lapis at isang maliit na kuwaderno sa kanyang bulsa.
“Ano
ang pangalan mo?” ang tanong niya sa bata.
“Andres
Reyes po.”
“Saan
ka nakatira?” ang muling tanong ng pulis.
Lumingon
ang bata sa kanyang paligid, inisa-isa ang mga mukhang nakatunghay sa kanya.
“Wala ho kaming bahay,” ang sagot. “Ang tatay ko ho, e may sakit at kami ho,
kung minsan, ay sa bahay ng Tiyang Ines ko nakatira, sa Blumentritt. Kung
minsan naman ho, e sa mga lola ko sa Quiapo at kung minsan, e sa bahay ng
kapatid ng nanay ko rito sa Tondo. Inutusan nga lang ho niya ‘kong bumili ng
ulam, para mamayang tanghali.”
“Samakatwid
ay dito kayong mag-ama nakatira ngayon sa Tondo?” ang tanong ng pulis.
“Oho,”
ang sagot ng bata, “pero hindi ko nga lang ho alam ang kalye at numero ng bahay
dahil sa noong makalawa lang kami lumipat at saka hindi ho ako marunong bumasa,
e.”
Ang
walang-kawawaang tanong at sagot na naririnig ni Aling Marta ay nakabagot sa
kanyang pandinig; sa palagay ba niya ay para silang walang mararating. Lumalaon
ay dumarami ang tao sa paligid at ang pulis na umuusig ay tila siyang-siya sa
kanyang pagtatanong at pagsusulat sa kuwaderno. Nakaramdam siya ng pagkainis.
“Ang
mabuti ho yata, e dalhin na natin iyan kung dadalhin,” sabi niya. “Pinagkakaguluhan
lamang tayo ng mga tao rito ay wala namang nangyayari. Kung hindi naman ninyo
kaya ay sabihin ninyo at tatawag ako ng ibang pulis.”
“Hirap
sa inyo ay sabad kayo nang sabad, e,” sabi ng pulis. “Buweno, kung gusto n’yong
dalhin ngayon din ang batang ito, pati kayo ay sumama sa akin sa kuwartel. Doon
n’yo sabihin ang gusto n’yong sabihin at doon n’yo gawin ang gusto n’yong
gawin.”
Inakbayan
nito ang bata at inilakad patungo sa outpost,
kasunod ang hindi umiimik na si Aling Marta at ang isang hugos na tao na ang ilan
ay ngingti-ngiti habang silang tatlo ay minamasdan. Sa harap ng outpost ay huminto ang pulis.
“Maghintay
kayo rito sandal at tatawag ako sa kuwartel para pahalili,” sabi sa kanya at
pumasok.
Naiwan
siya sa harap ng bata, na ngayon ay tila maamong kordero sa pagkakatungo,
sisiguk-sigok, nilalaro ng mga payat na daliri ang ulo ng tangang bangos.
Luminga-linga siya. Tanghali na; iilan-ilan na lamang ang nakikita niyang
pumapasok sa palengke. Inisip niya kung ilang oras pa ang kinakailangan niyang
paghintay bago siya makauwi: dalawa, tatlo o maaaring sa hapon na. Naalaala
niya ang kanyang anak na dalagang magtatapos, ang kanyang asawa na kaipala ay
naiinip na sa paghihintay; at para niyang naririnig ang sasabihin nito kung siya’y
uuwi na walang dalang anuman, walang dala at walang pera. Nagsiklab ang poot sa
kanya na kangina pa nagpupuyos sa kanyang dibdib; may kung anong sumulak sa
kanyang ulo; mandi’y gagahanip ang tingin niya sa batang kaharap. Hinawakan
niya ito sa isang bisig at sa pagdidilim ng kanyang paningin ay pabalingat
niyang pinipilit sa likod.
“Tinamaan
ka ng lintik na bata ka!” sabi niyang pinanginginigan ng laman. “Kung walang
binabaing pulis na makapagpapaamin sa iyo, e ako, ako ang gagawa ng ikaaamin
mo! Saan mo dinala ang dinukot mo sa ‘kin? Saan? Saan?”
Napahiyaw
ang bata sa sakit; ang bisig nito ay halos napaabot ni Aling Marta sa kanyang
balikat sa likod. Ang mga nanonood ay para-parang nangapatdan ng dila upang
makapagsalita ng pagtutol. Ang kaliwang kamay ni Aling Marta ay pakabig na
nakapaikot sa baba ng bata; sinapo ito ng bata ng kanyang kamay at nang
mailapit sa kanyang bibig ay buong panggigigil na kinagat.
Hindi
niya gustong tumakbo; halos mabali ang kanyang siko at ang nais lamang niya ay
makaalpas sa matitigas na bisig ni Aling Marta; ngunit ngayon, nang siya ay
bitiwan ng nasaktang si Aling Marta at makalayong papaurong, ay naalala niya
ang kalayaan, kalayaan kay Aling Marta at sa dumarakip na pulis, at siya ay
humanap ng malulusutan at nang makakita ay walang lingod-likod na tumakbo,
patungo sa ibayo ng maluwang na daan. Bahagya na niyang narinig ang mahahayap
na salitang nagbubuhat sa humahabol na si Aling Marta; ang sigaw ng pulis at
ang sumunod na tilian ng mga babae; bahagya nang umabot sa kanyang pandinig ang
malakas na busina ng isang humahagibis na sasakyan. Sa isang sandali ay
nagdilim sa kanya ang buong paligid at sa pagmumulat na muli ng kanyang
paningin, sa pagbabalik ng kanyang ulirat, ay wala siyang nakita kundi ang
madidilim na anino ng mga mukhang nakatunghay sa kanyang lupaypay at duguang
katawan.
Hindi
umimik si Aling Marta habang minamasdan ang bata. Maputla ang kulay ng kanyang
mukha ay aywan ba niya at pati siya ay tila pinanawan ng lakas. Malamig na
pawis ang gumigiti sa kanyang noo at ang tuhod niya ay parang nangangalog.
Hindi siya makapag-angat ng paningin; sa palagay ba niya ay sa kanya nakatuon
ang paningin ng lahat at siya ay binubuntunan ng sisi. Bakit ba ako manganganino sa kanila? Pinipilit niyang usalin sa
sarili, Ginawa ko lamang ang dapat gawin
ninuman at nalalaman ng lahat na ang nangyaring ito’y pagbabayad lamang ng bata
sa kanyang nagawang kasalanan.
Ang pulis ay nakabalik na sa outpost at sa isang ospital na
tumatawag. Ang bata ay napagtulungan ng ilan na buhatin sa bangketa upang doon
pagyamanin at ipaghintay ng ambulansiya kung aabot pa. Ang kalahati ng kanyang
katawan, ang dakong ibaba, ay natatakpan ng diyaryo at ang gulanit niyang
kamiseta ay tuluyan nang nawalat sa kanyang katawan. Makailang sandali pa, pagdating
ng pulis, ay pamuling nagmulat ito ng paningin at ang mga mata ay ipinako sa
maputlang mukha ni Aling Marta.
“Maski
kapkapan n’yo ako, e wala kayong makukuha sa akin,” sabing pagatul-gatol ng
nilalabasan ng dugo sa iong. “Hindi ko kinuha ang inyong pitaka.”
May
kung anong malamig ang naramdaman ni Aling Martang gumapang sa kanyang katawan;
ang bata ay pilit na nagsasabi ng kanyang pahimakas. Ilang sandali pa ay
lumungayngay ang ulo nito at nang pulsuhan ng isang naroroon ay marahan itong
napailing. Patay na, naisaloob ni
Aling Marta sa kanyang sarili.
“Patay
na ang dumukot ng kuwarta ninyo,” matabang na sabi ng pulis sa kanya. Nakatayo
ito sa kanyang tabi at hawak na naman ang kanyang kuwaderno at lapis. “Siguro
matutuwa na kayo niyan.”
“Sa
palagay kaya ninyo ay may sasagutin ako sa nangyari?” tanong ni Aling Marta.
“Wala
naman sa palagay ko,” sagot ng pulis. “Kung may mananagot niyan ay walang iba kundi
ang pobreng tsuper. Wala rin kayong sasagutin sa pagpapalibing. Tsuper na rin
ang mananagot niyan.”
May
himig pangungutya ang tinig ng pulis. “Makaaalis nap o ako?” tanong ni Aling
Marta.
“Maaari
na,” sabi ng pulis. “Lamang ay kinakailangang iwan ninyo sa akin ang inyong
pangalan at direksiyon ng inyong bahay upang kung mangailangan ng kaunting
pag-aayos ay mahingan naming kayo ng ulat.”
Ibinigay
ni Aling Marta ang kanyang pangalan at tinitirhan at pagkatapos ay tuwid ang
tinging lumayo sa karamihan. Para pa siyang nanghihina at magulung-magulo ang
kanyang isip; Sali-salimuot na alalahanin ang nagsasalimbayan sa kanyang diwa. Lumalakad
siya ngayon na walang-tiyak na patutunguhan. Naalaala niya ang kanyang anak na
ga-graduate, ang ulam na dapat niyang
iuwi na, sana’y naiuwi na, at ang nananalim, nangungutyang mga mata ng kanyang
asawa sa sandaling malaman nito ang pagkawala ng pera. Magtatanong iyon,
magagalit, hanggang siya ay mapilitang sumagot. Magpapalitan sila ng mahahayap
na pangungusap, sisihan, tungayawan, at ang anak niyang ga-graduate ay magpapalahaw ng panangis hanggang sa sila ay puntahan
at payapain ng mga kapitbahay. Katakut-takot na gulo at kahihiyan! Sa loob-loob
ni Aling Marta, at hindi sinasadya ay muling nadako ang pinag-uulapang diwa sa
bangkay ng batang natatakpan ng diyaryo, na siyang pinagmulan ng lahat.
Kung di sa tinamaan ng lintik na iyan ay
hindi ako masusuot sa suliraning ito, usal niya sa sarili. Kasi’y imbi,
walang-pinag-aralan, maruming palaboy ng kapalarang umaasa sa taba ng iba.
Mabuti nga sa kanya!
Kinakailangan niyang kumilos, umisip ng paraan.
Kinakailangang kahit papaano’y makapag-uwi siya ng ulam sa pananghalian.
Pagkakain ng kanyang asawa ay malamig na ang kukote nito at saka niya sasabihin
ang pagkawala ng pera. Maaaring magalit ito at ipamukha sa kanya, tulad ng
madalas sabihin nito, na ang lahat ay dahil sa malabis niyang paghahangad na
makapagpadala ng labis na salaping ipamimili, upang makapamburot at maipamata
sa kapwa na sila ay hindi naghihirap, ngunit ang lahat ay titiisin niya, hindi
siya kikibo. Ililingid din niya ang nangyayaring sakuna sa bata; ayaw ng
kanyang asawa ng iskandalo at anuman pangangatwirang gawin niya ay siya rin ang
sisisihin nito sa dakong huli; at kung sakali’t darating ang pulis na kukuha ng
ulat ay lilihiman niya ito. At tungkol sa ulam, mangungutang siya ng pera sa
tindahan ni Aling Godyang, at iyon ang kanyang ipamimili; nasabi niya rito na
ang nawala niyang pera ay sandaan at sampung piso at ang halagang iyon ay
napakalaki na upang ang lima o sampung piso ay ipagkait nito sa kanya bilang
panakip. Hindi iyon makapaghihindi. May ngiti ng kasiyahang naglalaro sa
maninipis na labi ni Aling Marta nang ipihit niya ang kanyang mga paa patungong
pamilihan.
Tanghali
na nang siya ay umuwi. Sa daan pa lamang, bago siya pumasok ng tarangkahan, ay
natatanaw na niya ang kanyang anak na dalaga na nakapamintana sa kanilang
barung-barong. Nakangiti ito at siya ang minamasdan, ngunit nang malapit na
siya at makita ang kanyang dala ay napakunot-noo, lumingon sa loob ng kabahayan
at may tinawag. Sumungaw ang payat na mukha ng kanyang asawa.
“Saan
ka kumuha ng ipinamili mo niyan, Nanay?” ang sabi ng kanyang anak na ga-graduate.
“A, e,” hindi magkandatutong sagot ni Aling
Marta. “Saan pa kundi sa aking pitaka.”
Nagkatinginan
ang mag-ama.
“Ngunit,
Marta,” ang sabi ng kanyang asawa, “ang pitaka mo, e naiwan mo! Kanginang bago
ka umalis ay kinuha ko iyon sa bulsa ng iyong bestidong nakasabit at kumuha ako
ng pambili ng tabako, pero nakalimutan kong isauli. Saan ka kumuha ng pinamili
mo niyan?”
Biglang-bigla,
anaki’y kidlat na gumuhit sa karimlan, nagbalik sa gunita ni Aling Marta ang
larawan ng isang batang payat, duguan ang katawan at natatakpan ng diyaryo, at
para niyang narinig ang mahina at gumagaralgal na tinig nito: Maski kapkapan ninyo ako, e wala kayong
makukuha sa ‘kin. Saglit siyang natigilan sa pagpanhik sa hagdanan; para
siyang pinangangapusan ng hininga at sa palagay ba niya ay umiikot ang kanyang
buong paligid; at bago siya tuluyang nawalan ng ulirat ay wala siyang narinig
kundi ang papanaog na yabag ng kanyang asawa’t anak, at papaliit, lumalabong
salitang: Bakit kaya? Bakit kaya?
Woo. Salamat sa paglathala nito sa iyong blog! :) Ihihingi ko lang po ito ng pahintulot, kung maaring kopyahin ko ito at ilathala din sa aking blog? Ilalagay ko din ikaw sa acknowledgement :) Salamat po!
ReplyDeletesaan po ba banda ang tunggalian diyan ?
ReplyDeletesa may*******************
DeleteNapakalungkot...
ReplyDeleteanong panahon po ito??
ReplyDeletepanahon po ba ng kastila?
ReplyDeleteSiguro, kasi 110 pesos ay napakalaking bagay na para sa kanila. di katulad sa panahon natin ngayon.
DeleteTrue
Deletetrue
DeleteAnsakit sa pusoo💔
ReplyDeleteNasa ikatlong taon ako nga high school ng una ko itong mabasa.
ReplyDeleteMagandang kwento para sa mga taong mapanghusga.
Grabe ang ganda
ReplyDeleteKAILAN ISINULAT NI MR. PASCUAL ANG KWENTONG ITO?
ReplyDeleteAng ganda na naman po
ReplyDeleteGanda namn poo baka may kkilalla ako dito ako po si allayzah yiuuee😂
ReplyDeleteLuh kilala kita bhie
DeleteOmmmyyyyyy gaaaddddddd
ReplyDeleteGrabe ang ganda nakakaiyak omagudnesh grasyus
ReplyDeleteSi jerome bading
ReplyDeleteAng ganda ng buhok ni jerome grabe nakakaiyak
ReplyDeleteMaganda ang buhok ni ginoong jerome
ReplyDeleteTakteng buhok yan nakakaiyak
ReplyDeleteOii salita mo
DeleteTila burnik ang hulma ng buhok nya
ReplyDeleteRoses are red
ReplyDeleteCiolets are blue
When I flush the toilet
I remember you (jerome)
Ang ganda ng buhok ni jerome nasa gilid ung bangs
ReplyDeleteSino po ba kasi si jerome?
DeleteGinoong jerome, kay ganda ng iyong anit, unang tingin palang ako'y naakit
ReplyDeleteTila sibuyas na naglalagas
ReplyDelete11-OLF 19-20 was here
ReplyDeleteNick chavez add niyo ko
ReplyDeleteOk
DeleteOwssss shakit
ReplyDeleteAng ganda na naman po
ReplyDeleteang haba naman to
ReplyDeleteano mga "Tagpuan"?
ReplyDeleteWow nice work
ReplyDeleteNakakaiyakk
ReplyDeleteAt sobra akong tinamaan
Shout out kay cherwin alyas yorme panergayo
ReplyDeleteShout out kay kyla esteron
ReplyDeleteBAKA YORME TO
ReplyDeleteKailan ito sinulat ni benjamin pascual?
ReplyDelete#Salao for the win
ReplyDeleteAwitttt
ReplyDeleteShout out kay jhanna mortel gawa na tayong power point sa literature
ReplyDeleteHhehe ang haba po pero maganda
ReplyDeletePlease use simple tagalog words...
ReplyDeleteganda...ko
ReplyDeletenkj
Deletedalumat sa Filipino brought me here
ReplyDeleteAnong uri ng panitikan ito?
ReplyDeleteMaikling kwento
DeleteNapaka sakit.
ReplyDeleteAwts naman
ReplyDeleteBaka renejay to HAHAHHAA
ReplyDeleteCorvette corvette
ReplyDeleteawts gege
DeleteIto ang nagpapatunay na ang kabataan ang pag asa ng bayan
ReplyDeleteasan pangunahing kaisipan dito
ReplyDeleteanong panahon po ito ginanap?
ReplyDeletemuka bang maikling kwento toh? huhu bwct katamad basahin
ReplyDeleteHahahhsh chill lng pre
ReplyDeleteFilipino language but has translation it's studying
ReplyDeletehello BSP 2-6 ng CvSU!!!!!
ReplyDeleteDaks ako
ReplyDeleteDaks reveal
DeleteMarites talaga ang galawan ha
ReplyDeleteganda ng story omg
ReplyDeleteAling Marta 🤡
ReplyDeleteHshshshsh
DeleteMagandang kwento
ReplyDeleteAng sakit 😫 pero bakit naman ganon Aling Marta 🤡
ReplyDeletegrabe ka talaga ate marites
ReplyDeletekung ikw s aling marta anong hakbnag ang gagawin m s sandaling malamn mong wlang kinalaman ang bata s pagkawala ng iyong kalupi?
ReplyDeleteMaikling kwento nga
ReplyDeletesuper ganda
ReplyDeleteSa totoong buhay maraming Aling Marta na mahilig manghusga at manisi sa mga inosente.
ReplyDeleteganda ng kwento BTW i imiss you balik kana
ReplyDeleteAng ganda ng kwento!
ReplyDeleteTila may biglang may pagkababa ng ulan sa aking mga mata nang aking natapos ang kwentong ito. Ako'y namamangha sa kwento na ito.
ReplyDeletebaka gusto mokong pakopyahin HAHHAHHAH
Deletepatulong sa fishbone HAHAHA charot
ReplyDeletePa summarize guys
ReplyDeleteKantutan na
ReplyDeleteShout out to Myca Kirsten Vigilla
ReplyDeletealing marta kilala ko sino binoto mo noong eleksyon ^~^
ReplyDeleteNanghihingi po ako nang permiso na kokopyahin yung ibang bahagi po nang kwento para sa assignment KO po kukunin KO po ang tauhan,tag luan,tunggalian,kasukdulan,kakalasan,wakas,Aral na natutunan
ReplyDeleteNanghihingi po ako nang permiso na komopya ng mga bahagi po sa kwento para pang po sa assignment KO kukunin KO lang po yung taohan,tagpuan,tunggalian,kasukdulan,kakalasan at wakas salamat po.....
ReplyDeleteHello Galileo!
ReplyDeletePota sino ba si jerome
ReplyDelete