Gamit
ng Gitling
Ginagamit ang
gitling (-):
1. Sa
pag-uulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat.
Araw-araw dala-dalawa isa-isa sari-sarili
Apat-apat Sali-saliwa pulang-pula balu-baluktot
Anu-ano sinu-sino bagung-bago bahay-bahayan
2. Kung ang unlapi ay nagtatapos sa
katinig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa patinig na kapag hindi
ginigitlingan ay nagkakaroon ng ibang kahulugan.
Mag-alis nag-isa nag-ulat pang-ako
Mang-ulo pang-alis tag-araw pang-ulan
Mag-asawa pag-aaruga pag-asa may-ari
3. Kapag may katagang nawawala sa
pagitan ng dalawang salitang pinagsama.
Pamatay
ng insekto - pamatay-insekto
Kahoy
sa gubat - kahoy-gubat
Humigit
at kumulong - humigit-kumulong
Lakad
at takbo - lakad-takbo
Bahay
na aliwan - bahay-aliwan
Dalagang
tagabukid - dalagang-bukid
4. Kapag may unlapi ang tanging ngalan
ng tao, lugar, brand o tatak ng isang bagay o kagamitan, sagisag o simbulo. Ang
tanging ngalan ay walang pagbabago sa ispeling.
Maka-Diyos mag-Ajax maka-Rizal
Maka-Johnson maka-Pilipino mag-Sprite
Taga-Baguio mag-Corona taga-Luzon
Mag-Ford taga-Tubod mag-Pisay
Sa
pag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi, ang gitling ay
nalilipat sapagitan ng inulit na unang pantig ng tanging ngalan at ng buong
tanging ngalan.
Mag-Johnson magjo-Johnson
Mag-Corona magko-Corona
Mag-Ford magfo-Ford
Mag-Sprite mag-i-Sprite
Mag-Zonrox magzo-Zonrox
5. Kapag ang panlaping ika- ay
iniunlapi sa numero o tambilang.
Ika-3
n.h. ika-20 pahina ika-9 na buwan
Ika-10
ng umaga ika-3 rebisyon ika-25 na anibersaryo
6. kapag isinulat nang patitik ang mga
yunit ng fraksyon.
Isang-kapat
(1/4) lima’t dalawang-kalima (5 2/5)
Tatlong-kanim
(3/6)
7. kapag pinagkakabit o pinagsasama ang
apelyido ng babae at ng kanyang asawa.
Gloria
Santos-Reyes Perlita
Orosa-Banzon
Conchita
Ramos-Cruz Marilou Vicente-Cabili
8. Kapag hinati ang isang salita sa
dulo ng isang linya
Ginagamit
ito sa pagsasanay ng wastong pag-
bigkas
ng mga salita.
salamat po at dahil sa inyo meron na akong assignment sa filipino! :D
ReplyDeleteur welcome
ReplyDeleteKulang pa ito, ginagamit rin ang gitling kapag my kadugsong na english word ang isang salita. Hal: pag-polish
ReplyDeleteThnk u:-)
ReplyDeleteSalamat po ng marami ..
ReplyDeleteAnong grade po ito ng lebro? Author at page kung saan makikita...
ReplyDeleteAnong grade po ito ng lebro? Author at page kung saan makikita...
ReplyDeleteAng galing nyo po salamat dahi.may grade na pa ako sa math
ReplyDelete